CHAPTER 21

676 60 257
                                    

Vianne's Pov

"Hey, wake up." Marahan kong tinapik ang mukha ni unggoy. Anong oras na tulog pa, sabi niya kagabi gisingin ko siya dahil maaga raw papasok sa office. Pero heto ang loko tulo laway pa.

"Mm.." niyakap ni unggoy ang baywang ko at sumiksik sa tiyan ko.

"Anong mm? Bangon na may pasok ka pa." Sabi ko pa habang nilalaro ang buhok niya.

"Kiss muna?" Minulat niya ang kaliwang mata at ngumuso sa akin.

Naparoll eyes ako at saka mabilis na kiniss siya sa lips.

"Gaganahan na ako magtrabaho sa kiss mo," sagot nito bago tuluyang bumangon.

Naparoll eyes ulit ako. Ang dami talagang alam ng unggoy na ito. "Sige na, pumunta kana sa kwarto mo." Pagtataboy ko.

Sa kwarto ko siya natulog pero wala kaming ginawa ah. Kaya huwag madumi utak niyo. Ang sabi niya kasi gusto niya makasama ako kaya pumayag ako sa hiling niya. Sino ba naman ako para tumanggi? Isang biyaya iyon na makasama siyang matulog.

Sinagot ko na si unggoy kagabi kaya naman boyfriend ko na siya, first boyfriend ko.

"Tinataboy mo na ba 'ko?"

"Hindi ba halata?" Hindi maipinta ang mukha nito sa sinabi ko. Opss, na bad mood ko ata.

"Baka nakakalimutan mong girlfriend na kita ngayon at boyfriend mo naman ako."

"Hindi mo ako magiging girlfriend kung hindi kita sinagot."

"Sinasabi mo bang napipilitan ka lang sa akin?" Nakapamaywang na tanong ni unggoy. Nakakatawa ang hitsura niya.

"Parang ganon na nga." Pigil tawang sagot ko.

"Ano?!" Histeryang anito na binalewala ko lang.

"Sige na sige na labas na." Tinulak ko siya papunta sa pinto at binuksan iyon para makalabas siya. "See you later love.." hindi ko na ito hinintay sumagot dahil sinaraduhan ko na siya.

Kung hindi ko gagawin iyon, paniguradong magtatagal pa siya rito sa loob. Hays, kailangan ko nang maligo may pasok pa ako.

Hindi ko na naabutan si unggoy pagbaba ko. Tanging si Nene at Nena na lamang ang nakita ko pagpasok sa kusina.

"Good morning po ate Vianne," bati ng kambal.

Apo ni Nanay Choling ang kambal na tinulungan ni mommy na makapag-aral sa kolehiyo. Mas matanda ako sa kanila ng dalawang taon kaya ate ang tawag nila sa akin. "Wala ba kayong pasok?" Tanong ko pagkaupo sa mesa.

"Mamayang hapon pa po ate." Si Nena ang sumagot.

"Ganon ba?"

"Opo ate Vianne," tugon naman ni Nene na nagsasalin ng juice sa baso ko.

"Pagbutihan niyo sa pag-aaral at wag muna makikipagrelasyon." Sabi ko habang nagsasandok ng kanin.

Sa katunayan, kapatid na ang turing ko sa kambal. Napakabait at masunurin nila at wala ka talagang masasabi. Napakaganda rin nilang bata kaya hindi na nakapagtataka kung may nanliligaw na sa mga ito. Pero hindi pa pwede, dadaan muna sa akin ang sinumang lalaking magbabalak na ligawan ang kambal ko.

"Pinagbubutihan po namin ang pag-aaral, Ate Vianne. Ang totoo nga po niyan kami ni Nene ang laging nangunguna sa klase."
Walang halong pagmamayabang na saad ni Nena kaya napangiti ako.

Bukod sa may beauty na may brains pa ang kambal. "Nakakaproud naman ang twins ko." Masayang sabi ko dahil hindi nasayang ang oras na ginugol ko sa pagtuturo sa kanila.

"Salamat po ate, the best teacher po kasi kayo." Sagot ng kambal at napangiti ulit ako.

Nakakapanghinayang dahil hindi ako nagkaroon ng baby sister or baby brother. Hindi na kasi pinagkalooban pa ng isang anak ang parents ko, bagay na nakalulungkot isipin. Pero kahit ganoon, masaya pa rin ako kahit maliit lang kaming pamilya. Dagdag blessing na lang sina unggoy, nanay Cho, ang kambal at mga kaibigan ko na naging parte nang pagkatao at buhay ko.

Masasabi kong napakaswerte ko dahil nakilala ko sila, hinayaan nila akong maging parte rin ng buhay nila. Kahit na may kasamaan ang ugali ko ay hindi pa rin nila ako iniiwan. Sila lang talaga ang mga taong matiyaga sa akin, wala naman kasi silang ibang choice kung hindi ang tanggapin ako.

°°°

Thank you for reading po! See you next chapter mwah:)

Perfect Romance [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon