CHAPTER 3

1.4K 117 497
                                    

Vianne's Pov

Ang sarap sa pakiramdam parang may humahaplos sa buhok ko katulad ng ginagawa sa akin ni mommy para magising ako. Kung panaginip man ito ayoko nang magising pa dahil sa panaginip nababawasan ang pagka-miss ko sa kanilang dalawa ni daddy.

Muli kong pinakiramdaman ang humahaplos sa buhok ko. Medyo nag dududa na ako dahil parang totoo nang nangyayari. Kaya naman dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko baka kasi mamaya mumu na pala ang humahaplos sa buhok ko tapos sarap na sarap pa ako. Nung dumilat ako si sadako ang nakita ko. Chos lang. Ito na talaga, nung nagmulat ako ng mga mata mukha ni mommy ang bumungad sa akin. Nakangiti ito ng sobrang tamis kaya hindi ko na napigilan dambahin siya ng mahigpit na yakap. "Mommy you're back, you're finally back. I missed you," naiiyak sa tuwa na sabi ko habang nakayakap pa rin sa kanya.

"Yes we are finally back. I missed you too sweetheart."

"Where's dad?" Tanong ko ng humiwalay ako sa yakap ni mommy.

"He's downstair." Nang sinabi ni mommy iyon abot tenga ang ngiti ko.

"Let's go downstair, mom." Nakangiting tumango si mommy kaya napangiti din ako.

Nakatalikod sa amin si daddy kaya hindi niya napansin ang pagbaba namin sa hagdan ni mommy.

"Daddy!" Malakas na sigaw ko at awtomatikong napalingon si daddy sa akin. Hindi ko na ito hinintay na magsalita dahil tumakbo na agad ako para yakapin din siya. "Daddy.." naiiyak kong sambit habang nakayakap ng mahigpit sa kanya.

"Hindi mo naman namiss ng todo si daddy sa lagay na yan?" Pabirong tanong nito na ikinanguso ko.

"Eh? So hindi mo pala namiss ang maganda mong anak?!" Nakabusangot na tanong ko na kumalas na sa pagkakayakap. Tumawa lang si daddy sa sinabi ko at si mommy naman ay lumapit na rin sa amin dahilan ng muling pagyayakap namin tatlo.

"Anak, umuwi kami ng mommy mo dahil may sasabihin kami na importante sa iyo." Panimula ni daddy habang nakaupo kami sa sala.

"Seryosong usapan ba 'to dad?" Tango lang ang sinagot niya at aaminin kong kinabahan ako roon, "Okay. Shall we start?" Pilit kong pinakalma ang sarili ko dahil sigurado na hindi ko magugustuhan ang importante kunong sasabihin nila.

Huminga ng malalim si daddy, "Leyin anak," panimula niya na kinuha pa ang dalawang kamay ko at saka hinawakan ang mga ito. Seryoso at diretsong nakatingin ang mga mata ni daddy sa mga mata ko. "Gusto namin ng mommy mo na makilala mo ang kuya mo."

Gusto namin ng mommy mo na makilala mo ang kuya mo.

Gusto namin ng mommy mo na makilala mo ang kuya mo.

Gusto namin ng mommy mo na makilala mo ang kuya mo.

Gusto namin ng mommy mo na makilala mo ang kuya mo.

Gusto namin ng mommy mo na makilala mo ang kuya mo.

Gusto namin ng mommy mo na makilala mo ang kuya mo.

Parang sirang plakang nag paulit-ulit sa utak ko ang huling sinabi ni daddy. Paano nangyari iyon? Wala akong maalala na nagkaroon ako ng kapatid na lalaki. "H-how come na.. na may kapatid ako?" Nalilito, naguguluhan at hindi makapaniwalang tanong ko habang seryosong nakatingin sa mga mata ng magulang ko.

"Not literally your brother, he's just our adopted child. Patay na ang totoong mga magulang niya at wala rin kamag anak na maaaring mag alaga sa kanya. Kung kaya't hindi kami nag dalawang isip ng daddy mo na kupkopin siya. Dinala namin siya sa america at doon pinatira at pinag-aral. Sana maunawaan mo kami ng daddy mo sa paglilihim namin sa iyo." Hindi gaanong kahabaang pagpapaliwanag ni mommy sa akin na naintindihan ko naman.

"Don't worry mom, I understand naman po." Ngumiti ako bilang paninigurado kay mommy at saka sinulyapan ko naman si daddy dahil alam niya na magtatanong pa ako.

"Princess, I know you have a lot of questions and you're still confused. For now, take a rest."

Tumango na lang ako bilang sagot. "Okay mommy't daddy, matutulog na po ako. Goodnight and I love you both." Bago ako tumayo kiniss ko muna sila sa pisngi.

•••

"Pag nagkita kayo ng kapatid mo mag update ka naman sa akin kaibigan tingnan mo rin kung may abs na tinatago hihi!" Paulit-ulit na talak ni Lianna na sinasabayan pa ng hagikhik.

Napakaharot talaga ng babaeng ito.

Nasa cafeteria kami ngayon at napagpasyahan ko na ikwento sa kanya ang tungkol sa ampon kong kapatid. Hindi ko lubos akalain na abs lang pala ang habol.

"We are not siblings! Adopted lang siya adopted! Kaya tigil tigilan mo ako sa kapatid ek-ek na yan Lianna!" Inis na sabi ko.

"Kfine bess, whatever you say." Sabay irap sa akin na tinaasan ko naman ng kilay.

"I'll go ahead may next class pa ako," sabay tayo at tapik ko sa balikat niya.

"Good luck sa family dinner niyo later." Pahabol pang sigaw nito.

Duh! It's just a simple dinner at hindi naman siya VIP para mag effort pa ko.

Nagmadali akong maglakad patungo sa kotse ko dahil 7pm ang usapan namin nila mom.

Sa labas kami kakain para ipakilala sa akin ang ampon nila. Pasado ala-sais pa lang nang tumingin ako sa relos ko kaya ng makarating sa sasakyan ay kaagad na pumasok ako sa loob at mabilis na pinaharurot ang kotse.

"Shit!" I cursed ng wala akong mapagparkingan. Late na rin ako sa dinner namin. Naghintay pa ako ng 5 minutes bago ako nakapagpark. Nagmadali ako bumaba at diretsong naglakad papasok sa entrance ng resto.

Inikot ng patingin ko ang loob ng resto. Nakita kong kumaway si mommy kaya lumapit agad ako sa pwestong kinauupuan nila. "Hi, sorry for being late."

"Have a seat sweety," mom said while smiling at me.

"Dad?" Tawag ko kay daddy na alam na ang ibig kong sabihin.

Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita. "Like what we said earlier ng mommy mo ngayon namin siya ipapakilala sa iyo."

"Uhm okay. Where is he?!" Tanong ko kay daddy dahil ayoko na pangunahan sila na masyadong pa importante ang ampon. Baka maya nag comfort room lang pala edi pahiya pa ang ganda ko kapag nagkataon.

"Narito ka na pala anak. Kanina pa naiinip ang kapatid mo na makita ka." Jusko! Ano raw? Ako maiinip? Si mommy talaga! As if naman na gusto ko siyang makita at makilala. Kung hindi ko lang sila mahal hindi ko pag aaksayahan ng panahon makilala ang ampon na yan.

"Leyin anak, siya ang kuya mo si Yuan Ken." Pagpapakilala ni mommy sa kuya ko kuno.

Tinitigan ko ito mula ulo hanggang paa, gwapo siya, matangos ang ilong, kissable lips at makapal ang kilay na bumagay sa shape ng mukha niya. Wait? Did I just said those words? NO! Pangit pala siya at nakakasuka pa! "Hi brother," bati ko at ngumiti ng plastik. Tinitigan niya lang ako bago nilipat ang tingin kela daddy.

Tch, arogante!

"Son, meet Leyin our only one daughter." Proud na pagpapakilala sa akin ni daddy sa ampon.

"Hi little Leyin," aniya na ngumiti pa na abot hanggang edsa.

Psh! Ang gwapo niya ngumiti. Mali! Ang pangit niya sobra!

"Princess, may sasabihin pa ang daddy sa iyo." Ano ba yan?! Bakit kasi hindi na lang sabihin ang lahat paunti-unti pa.

"Go ahead dad sabihin niyo na ang dapat ko pang malaman," bored na sagot ko.

"Sa bahay natin titira ang kuya mo."

"WHAT?!"

°°°

Happy reading to all.. Thank you!

Perfect Romance [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon