Vianne's Pov
Nagising ako sa sobrang lamig ng panahon. At hanggang ngayon ay umuulan pa rin na tila ba walang balak tumigil sa pagbuhos ng malakas.
Napabangon ako sa kama at dumiretso sa closet para kumuha ng maisusuot at saka pumasok sa banyo para maligo. Dahil sa malamig ang tubig at may lahing kambing ako, maligamgam na tubig ang ipapangligo ko.
Mabilis lang akong naligo at sa sobrang bilis ay sampung minuto lang ang itinagal ko sa loob ng banyo. Oh, di ba parang pusa ang peg ko. Tsaka, tatlong beses ako maligo sa isang araw kaya hindi naman ako libagin.
Lumabas na ako sa kwarto at bumaba. Nasalubong ko si Nanay Choling na abala na kaagad sa gawain bahay. Napasulyap ako sa malaking orasang nakasabit sa dingding ng sala. Napanganga ako ng makitang alas-singko pa lang ng umaga.
Isang himala na maaaga akong nagising ngayon. Kadalasan kasi tinatanghali na ako, lalo na pag walang pasok. Sabado ngayon kaya wala akong klase.
"Iha, napakaaga ng gising mo may masakit ba sa iyo?"
Napaigtad ako sa biglaang pagsulpot ni Nanay Choling sa likuran ko. Napahawak pa ako sa dibdib ko ng wala sa oras. Gusto ko man samaan ito ng tingin ay hindi ko magawa dahil alam kong hindi niya iyon sinasadya.
"Ay, pasensya na iha kong nagulat kita. May sakit ka ba? Mag sabi ka ng totoo sa akin."
Napabuntong-hininga ako bago sumagot sa kanya. "Wala pong masakit sa'kin at wala po akong sakit. Hindi ko rin po alam kung bakit ang aga kong magising ngayon. Kung tutuusin nga masarap matulog pag ganitong maulan." Paliwanag ko. Mahirap na baka mag over think pa itong si Nanay Choling ng kung ano-anong magpapasakit sa ulo niya sa kakaisip ng ganito at ganyan sa akin.
"Ganoon ba iha?" Tumango ako. "Sa palagay ko hanggang bukas pa uulan." Sabi niya pa habang nakatingin sa malaking bintana.
Tanging maitim na kalangitan, malakas na hangin, kulog at kidlat ang makikita sa labas ng bintana. Nakatatakot dahil maihahalintulad ito sa bagyo, pero wala naman sinabi sa balita na may bagyong parating.
"Pakisabi po sa mga kasambahay natin na walang aalis o lalabas ng bahay dahil mukhang delikado sa labas." Utos ko. Sagutin ko sila sa kanilang pamilya pag may nangyaring masama sa kanila. Isa pa, pamilya ang trato ko sa kasambahay ko at mahalaga sila sa akin kaya hangga't maaari ayaw kong mapahamak sila.
"Masusunod iha, napakabait mo talagang bata." Sinsero ang pagkakangiti ni Nanay Choling at na touch naman ako roon.
"Asus, kaya lumalaki ulo ko eh." Pabirong tugon ko.
"Pinagpapala ang taong mabait."
Napangiti ako sa sinabi ni Nanay Choling. At isa kayo roon sa pagpapalain. Iniwan na ako ni nanay dahil marami pa raw siyang gagawin. Pumunta ako sa kusina para gumawa ng cereal kasi kanina pa nagugutom ang mga alaga ko sa tiyan ko.
Matapos kong gumawa ng cereal ay umakyat na uli ako taas. Sa kwarto ako kakain. Pero bago pa man ako makarating sa kwarto ko ay nadaanan ko ang bukas na kwarto ni unggoy.
Ang aga naman niya?
Hindi ko na iyon pinansin kaya nagdiretso na ako sa paglalakad. Pero nakakailang hakbang pa lang ako ng makarinig ako ng malakas na kalabog sa kwarto ni unggoy. Ipinatong ko sa malapit na lamesita ang cereal na dala ko at nagmadaling pumasok sa kwarto ni unggoy. Hinanap siya ng paningin ko. "K-ken?" Nagpapanic na sabi ko ng makitang nakahiga ito sa carpet. "W-what happened to you?" Nakaramdam ako ng sobrang pag-aalala dahil namumutla at nanginginig ang buong katawan nito.
Lumapit ako sa kanya at marahan hinawakan ang ulo niya na ipinatong ko sa mga hita ko. Kinapa ko ang noo niya, inaapoy ito sa lagnat. "Nanay Cho!" Malakas na sigaw ko. "Hey.." sambit ko na tinatapik-tapik ng mahina ang pisngi niya. "W-wake up." Patuloy ko pa ring tinatapik ang pisngi niya habang hinihintay na umakyat si Nanay Choling.
"Anong nangyari at sumisigaw ka iha, ay diyos ko po! Anong nangyari sa kuya mo?" Tarantang bungad ni Nanay Choling na maagap na lumapit sa amin ni unggoy. "Nena, kumuha ka ng makapal na kumot. Nene, kumuha ka nang palangganang may tubig, pati bimpo saka yelo." Utos nito sa kambal niyang apo na hindi ko napansing sumunod pala sa kanyang umakyat.
"Opo lola."
"Kailangan natin mailipat ang kuya mo sa kama." Tumango ako bilang tugon. Dahan-dahan namin inilipat ang walang malay na si unggoy. Leche flan, napakabigat niya. Siksik masyado amp!
Nang maihiga namin ng maayos si unggoy sa kama ay mas dobleng gutom ang naramdaman ko. Bumaba na rin si Nanay Choling dahil sabi ko magluto siya ng lugaw na ipapakain ko pag nagising ang isang ito. Nagpaiwan ako para mabantayan si unggoy.
°°°
Thank you po pala sa apat na supporters ko na walang sawang nag co-comment sa story ko. Guys, the best kayo sa lahat ng the best:)
BINABASA MO ANG
Perfect Romance [COMPLETED]
RomantizmYou are the best meaning of perfect romance my love.