Yuan's Pov
Kinabukasan, nagising ako sa malakas na ingay na nagmumula sa labas ng kwarto ko. Napatingin ako sa maliit na orasan nakababaw sa side table, alas syete pa lang ng umaga pero napakaingay na sa labas.
Araw ng sabado ngayon, nasisiguro ko na walang pasok ang kapatid ko. Nagkataon naman na day off ko hanggang bukas kaya kailangan ko rin magpahinga. Bumangon na ako sa pagkakahiga at kaagad na dumiretso sa banyo para maligo. Masarap maligo ng malamig na tubig sa umaga dahil nakakarelax 'yon ng isip at katawan.
Matapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako sa kwarto. Pababa pa lang ako sa hagdan nang makarinig ako ng babaeng nagsasalita, napakatinis ng boses nito.
"Bess, bestie, beshy look."
"Napakaingay mo Lianna, may natutulog pa!"
Kahit hindi ko makita ang mukha ng kapatid ko, sigurado akong nakasinghal na naman ito sa kausap niya.
"Huh, sino? 'Yung kapatid mo ba?"
"Oo, kaya manahimik ka!"
Hindi nila napapansin ang presensya ko pero hindi rin maganda makinig sa usapan nila. "Good morning ladies," bati ko sa dalawa pagkababa ko.
"OH MY GOD! AS IN OH MY GOD."
Gulat akong napatingin sa babae, nanlalaki ang mga mata nitong nakatitig sa akin, bahagya pang nakaawang ang bibig.
"Tumahimik ka nga! Oh my god ka ng oh my god diyan, pati pangalan ng diyos sinasali mo pa sa kaharutan mo!"
Paninita ng kapatid ko sa babae, na tila ba nauubusan na agad ng pasensya rito.
"Eh? Kasi bess.."
"Tahimik sabi," naiinis nang sita ni Vianne bago ito lumingon sa akin, "Oh, wala kang pasok?" Kunot-noong tanong niya.
Nagkibit-balikat ako, "Rest day," tipid na sagot ko.
"I see. Si Lianna nga pala, kaibigan ko." Tinuro niya ang maingay na babae, "Mag stay siya rito hanggang bukas," parang walang ganang sabi pa niya na muling binalik ang tingin sa nakabukas na laptop.
"Ah! Hi, Lianna." Nakangiting bati ko sa kaibigan niyang abot langit ang ngiti.
"Hello my future husband," matamis na ngiting sabi nito na lumalapit pa sa akin kaya umaatras ako. "Hindi mo nabanggit sa akin bess na ang gwapo pala ng kapatid mo," kinikilig na baling nito sa kapatid ko na ngayon ay kumikibot ang bibig.
Malamang, mayroon na naman siyang sinasabi na siya lang nakakaalam.
"May diperensya ang mata mo kung ganoon." Nakangising tugon nito sa kaibigan niya na hindi man lang tinapunan ng tingin.
Sinasabi niya bang pangit ako? Dahil parang ganoon ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya.
"Anong may diperensya? Malinaw ang mata ko ah, sa tingin ko mata mo ang kailangan ipatingin sa espeyalista sa mata." Nakakalokong banat naman ng kaibigan niya na inismiran lang ng kapatid ko ang sinabi nito.
"Whatever you say, Lianna."
Napakasungit talaga ni Vianne, kahit sa kaibigan niyang si Lianna ay ganoon din ang ugaling pinapakita niya. Bagay na nakakatuwang isipin dahil nagiging totoo siya sa kanyang sarili.
Kung hindi ko lang ito kapatid, masasabi ko na kagaya niya ang babaeng gusto kong maging asawa. Simple ito kung manamit at walang kaartehan sa katawan. Sa katunayan nga, sa apat na buwan na kasama ko ito sa iisang bahay, ni minsan hindi ko pa ito nakitang maglagay ng kolerete sa mukha.
Aminado akong napakagandang babae ni Vianne, hindi na ako magtataka pa kung marami ang manliligaw niya. Maaaring isa na roon ang lalaking naghatid sa kanya noon. Napabuntong hininga ako sa isiping napakaswerte ng magiging boyfriend ng kapatid ko.
•••
Lianna's Pov
Alam niyo ba iyong pakiramdam na gusto mo ang isang tao, pero hindi kayo pwede, parang ganoon ang nasasaksihan ng dalawang mata ko ngayon. Kanina ko pa kasi napapansin ang malalim na titig ng kapatid ni bess sa direksyon niya. Hindi iyon pansin ni bestie, dahil abala ito sa pagawa ng thesis sa whatsoever subject.
Buhay nga naman, masyado siyang masipag mag-aral, talagang may gusto siyang patunayan sa parents niya. Samantalang ako, kahit anong gawin kong pagsisikap sa pag-aaral ay balewala lang sa mga magulang ko. Negosyo at pera lang ang importante sa kanila at hindi ako na anak nila.
Life isn't fair talaga.
Napatigil ako sa pag-emote nang biglang tumayo si bess, "Saan ka pupunta bess?" Gusto ko lang malaman kung saan siya pupunta. Bakit ba, hindi naman masama 'yun, ah?
Kunot-noong nilingon ako ni bess, "Kukunin ko ang phone ko sa taas."
"Bakit?" Agarang tanong ko. May nasesense akong hindi maganda at parang alam ko na. Ganoon kalakas ang radar ko mga teh.
"Anong bakit? Masama bang kunin ko ang sarili kong cellphone?" Salubong ang kilay na sabi niya na halatang naiirita.
"Hindi naman, pero may pakiramdam ako na tatawagan mo si Luke, tapos papupuntahin mo siya rito. Tama o tama?" Never akong magkakamali sa hula ko.
"'Yun nga ang plano ko." Ngumisi ang bruha, sigurado ako na may plano itong hindi maganda.
"Bess, maawa ka sa'kin.. ayoko makita ang pagmumukha ng animal na 'yun." Madramang sabi ko sa harap niya na may paawa effect pang kasama. Totoo, ayaw ko talaga makita at pumunta rito si Luke dahil hindi kami nagkakasundo ng buset na iyon.
Sa halip na sagutin ako ay tinalikuran niya ako. Kaya masamang tingin ang ipinukol ko kay bessy habang paakyat siya sa hagdan.
Mabait naman si Luke, ang ayaw ko lang talaga sa kanya ay 'yong pagiging babaero niya. Kung hindi lang sana ito maloko sa babae, baka hanggang ngayon gusto ko pa rin ang damuhong iyon.
Oo na oo na, aamin na ako. High school pa lang kami ay gusto ko na talaga si Luke. Gusto ko siya kahit na mukha siyang impakto sa paningin ko. Gusto ko siya, kahit na iba ang gusto niya. Gusto ko pa rin siya, kahit na best friend ko ang gusto niya. Ang mahalaga hindi siya gusto ng bestie ko. Pero para sa akin mas mahalaga pa rin ang friendship namin tatlo, at hindi ang unrequited love ang makasisira sa samahang mayroon kami. Ang isang Lianna Castro ay matatag, hindi marupok!
°°°
Medyo lame po itong chapter, kaya sorry po. Feel free to leave vote and comment!:)
BINABASA MO ANG
Perfect Romance [COMPLETED]
عاطفيةYou are the best meaning of perfect romance my love.