CHAPTER 25: FINALE

736 60 14
                                    

Vianne's Pov

Sa halip na date buong araw ay naisipan ni unggoy na magpicnic kami, mas maganda raw gawin iyon kaysa kumain sa mamahaling resto at manuod ng sine, mag-aaksaya lang daw kami ng pera.

Ngayon ko lang nalaman na ganoon siya kakuripot, hindi man lang sa akin ipinaranas ang pakiramdam ng first date, kaya 'eto nakabusangot ako habang nasa byahe kami ni unggoy.

"Love, galit ka pa rin ba?"

Masama ang loob ko sa kanya kaya hindi ko siya kakausapin.

"Love love mo mukha mo!" Pabulong kong sabi.

"Love, sorry na.." Inabot niya ang kamay ko at kaagad ko naman iniwas iyon.

"Kainin mo ang sorry mo!" Naiinis kong sagot sa kanya. "Mag focus ka sa pag drive nang hindi tayo mahulog sa bangin." Sita ko dahil matarik na bangin ang pulos nakikita ko sa gilid ng kalsada.

Napabuntong-hininga si unggoy, "Okay." Tipid na sagot niya na kita ang pagkadismaya sa hitsura.

Para naman may kung anong kumurot sa dibdib ko ng makita ang mukha niya. Sa limang buwan na relasyon namin hindi ako sanay na nakikita siyang nasasaktan nang dahil sa akin. Higit akong nasasaktan kapag nasasaktan ko siya, pakiramdam ko'y dinudurog ng pinong-pino ang puso ko kahit ang totoo ay hindi naman talaga.

"Sorry love, nagtatampo lang talaga ako sayo." Hinawakan ko ang kanan kamay niya at pinisil iyon. "Five months na tayo pero hindi mo pa ko na i-date, wala na ngang ligawan naganap tapos wala pang date." Totoong hindi siya nanligaw dahil sinagot ko siya kaagad at kasalanan ko iyon. Huli na para magsisi pa sa bagay na nangyari na.

Pinisil niya pabalik ang kamay ko at binagalan ang pagmaneho saka siya saglit na tumingin sa gawi ko kaya kitang kita ko ang paglamlam ng mga mata niya. "Sorry din love. Pero kung hindi mo talaga gusto ang picnic pwede naman tayong bumalik."

"Gusto ko mag picnic kasama ka." Mabilis kong sagot sa kanya. Sa layo ng binyahe namin ay babalik lang kami? No way! "Malayo pa ba tayo?" Ilang oras na kaming nasa byahe pero hindi pa rin makarating sa pupuntahan.

Sa katunayan nga hindi ko alam kung saan lupalop kami pupunta dahil nung nagtanong ako sa kanya ang sagot lang ay secret.

"Malapit na," tipid na sagot niya kaya napatingin ako sa labas ng bintana. Puro bundok at matatayog na puno ang nakikita ko.

Siguro sa bundok o gubat kami magpipicnic nitong si unggoy.

"Sure ka bang picnic 'to hindi hiking?" Tanong ko na may halong pagdududa.

Kung picnic lang kasi kahit saan naman pwedeng gawin iyon eh, hindi na kailangan pang dumayo sa malayong lugar.

"Both."

Hindi na ako nagulat sa sagot niya dahil nga may pagdududa ako 'di ba?

"May tent ka rin dala?" Tanong ko at tumango siya habang nakatuon ang atensyon sa unahan.

So talagang pinaghandaan niya itong picnic with hiking pang kasama. Ang dami niya talagang pakulo na nagustuhan ko naman syempre, kahit na nagtampo ako dahil sa date-date na nais ko mas bongga naman ang naisip niya.

Perfect Romance [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon