CHAPTER 16

729 66 272
                                    

Vianne's Pov

Kauwi ko lang galing sa school. Isang buwan mula ngayon ay magtatapos na kami sa kolehiyo. Hindi na ako makapaghintay na matulungan si mommy't daddy na ihandle ang company namin. Excited na ako makatrabaho sila.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay sumalubong sa akin ang maingay na sala. May bisita ang unggoy, tatlong lalake na kung magtawanan ay para bang nasa sarili nilang pamamahay.

Natigilan sila ng mapansin ang prisensya ko. Tumayo si unggoy at lumapit sa akin.

"Napaaga ang uwi mo?" Tanong nito na sumilip pa sa likuran ko. Anong mayroon sa likod ko? May nakikita ba siya na hindi ko nakikita? "Mga kaibigan ko nga pala," sabi niya na nilingon pa ang mga ito.

Kumaway sa direksyon ko ang tatlo niyang kaibigan. Infairness, may itsura ang mga ito. Unggoy din kagaya niya.

"Dapat ba gabi na ako umuwi?" Pilosopong tanong ko sa kanya. Rinig ko naman ang pigil na tawa ng mga kaibigan niya.

"Vianne," nagbabanta ang tono ng boses nito at bahagya pang umigting ang panga niya.

Oh, napahiya ko ba siya? 'Di ko sadyang ipahiya siya or whatever.

"What? Mali ba ang nasabi ko?" Inosente kunyaring tanong ko. Nilipat ko ang paningin sa mga kaibigan niya. "Hi guys, if you need anything just call Nanay Cho, yeah?" Sabi ko bago sila talikuran.

Umakyat na ako sa taas dahil hindi naman ako interesadong kilalanin ang mga kaibigan ni unggoy. Wala akong mapapala sa bagay na iyon.

Dalawang linggo na ang lumipas at hindi pa rin kami nag-uusap ni unggoy tungkol sa pesteng kiss na iyon. Napakaraming gusto kong itanong sa kanya, pero wala pa akong lakas ng loob na gawin iyon sa ngayon.

•••

Yuan's Pov

Pagkaakyat ni Vianne sa taas ay bumalik na ako sa mga kaibigan ko. Tiningnan ko sila ng masama dahil nagpipigil pa rin ang mga ito na hindi matawa sa harapan ko.

"Dude, wala ka pala sa kapatid mo eh." Natatawang sabi ni Jake kaya binato ko ito ng unan sa mukha. "Uy, Ken!" Hinagis ko sa mukha niya lahat ng unan sa sofa.

"She's pretty and.."

"Subukan mong ituloy yan tatanggalan kita ng trabaho." Pagbabanta ko kay Carl. Alam ko ang hilig ng lokong ito sa babae, tipo nito ang kagaya ni Vianne. Balak pang aswangin ang kapatid ko.

Napangiwi si Carl, "Ang sasabihin ko lang naman na she's pretty and nice."

"Weh, 'di nga dude?" Sabat ni Jake na sinamaan ng tingin ni Carl.

"Ang dumi ng utak mo," angal nito.

"Ang weird niyong mag-usap," natahimik sina Carl at Jake sa biglang pagsalita ni Zyrus na ngayon ay nakatingin sa direksyon ko. "Magkapatid nga ba ang turingan niyong dalawa?" Makahulugang saad nito.

Napangisi ako sa sinabing iyon ni Zyrus. Walang magkapatid na hinalikan ang nakababatang kapatid. Hindi rin masasabing kasalanan iyon dahil hindi naman kami magkadugo at magkaiba rin ang apelyido namin dalawa.

"What do you think?" Nabigla si Zyrus sa tanong ko at saka napailing. Parehas kami mag-isip ng isang ito kaya sigurado ako na alam niya na ang ibig kong sabihin.

"Tss!" Singhal ni Zyrus na parang hindi makapaniwala.

"Hoy! Anong usapan yan at kayong dalawa lang nagkakaintindihan. May inililihim ba kayo sa amin, ha?" Madramang sabi ni Carl na binatukan ng katabi nitong si Jake. "Ano ba!" Asik nito sa naiiritang tono.

"Ang chismoso mo. Hayaan mo silang mag-usap. Palibhasa slow ka!"

"A-ano? Hoy Jake, 'yang bibig mo, ah! Baka tamaan ka sa'kin."

"Asus, hindi ka nga makascore sa babae tamaan pa kaya? Wag ako Reyes!"

Napabuntong-hininga ako sa usapan ng dalawa kong kaibigan. Napapailing naman si Zyrus sa mga ito.

Pumunta sila rito para tumambay at gambalain ang buong araw ko. Hindi na rin masama ang pagbisita nila dahil kahit papaano nakakabawas stress ang kakulitan at kaingayan ng dalawa.

Matapos kumain ng dinner ay nagsilayas na ang magagaling kong kaibigan. Hindi man lang naghugas ng pinagkainan ang mga loko-lokong 'yon bago man lang sana umuwi sa bahay nila.

Kunsabagay, ano pa bang aasahan ko sa katulad nila na inaasa ang gawain sa kasambahay. Tunay ngang anak mayaman.

Umakyat na ako sa taas para puntahan sa kwarto si Vianne. Hindi ito bumaba kanina at nag aalala na ako na baka gutom na ito.

Kumatok ako sa kwarto niya ng tatlong beses at walang sumasagot. Kaya tumalikod na ako at naglakad papunta sa sariling kwarto.

Marahil malalim ang tulog nito kaya hindi marinig ang katok ko sa pinto niya. Hm.. tulog mantika! Kung magkaroon man ng sunog sa lugar na ito ay siya ang unang matutusta.

°°°

Hays, super lame chapter again. Nga pala guys, may new variant na naman ang covid kaya ingat kayo palagi mwah!

Perfect Romance [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon