Yuan's Pov
Maaga natapos ang meeting para sa bagong proyekto ng kompanya, kaya naman maaga akong makauuwi at makapagpapahinga. Mabuti na lamang hindi ako gaanong binigyan ng board of directors ng sakit sa ulo. Kung nagkataon na marami silang demand, maaaring abutin kami ng siyam-siyam sa loob ng conference room.
Pagkarating ko sa bahay, ang mukha ng nakangiting si Nanay Choling ang sumalubong sa akin sa labas ng pinto. Hindi ko maiwasan hindi mapangiti dahil sa mag-isang taon kong pananatili rito ay naging maganda ang trato nito sa akin.
"Napaaga ang uwi mo iho?" Kinuha nito ang bag kong dala at kusa kong ibinigay sa kanya iyon.
"Maaga po natapos ang board meeting," simpleng sagot ko.
"Ganoon ba? Wala pa ang kapatid mo, mukhang gagabihin na naman iyon ng uwi." Nahihimigan ko ang pag-aalala sa boses nito.
Alas-sais pa lamang ng gabi, maaga pa at wala pa kong dapat ipag-alala sa kapatid ko.
"Ano po ba ang sabi sa inyo bago pumasok kaninang umaga?" Hindi na kami nagkakasabay ni Vianne sa agahan dahil maaga raw itong umaalis sabi ng kasambahay.
"Ang sabi niya sa akin ay dadaan daw siya sa condo niya. Hindi na ako nag-usisa pa dahil may tiwala naman ako sa batang iyon."
Nangunot ang noo ko sa narinig. May bahay na may condo pa. Naliliitan pa ba siya sa bahay nila at hindi makuntento? Tsk! Mayaman nga naman laging sunod sa layaw. "Huwag na kayo mag-alala uuwi rin ang alaga niyo." Pagpapakalmang sabi ko.
"Ganoon na nga," napapabuntong-hiningang sagot nito.
Pagkapasok sa loob ay dumiretso na ako umakyat sa taas. Nagpalit ako ng damit bago humiga sa kama. Saktong napatingin ako sa puting kisame at napatitig doon, nakakapagod ang araw na ito.
Kalahating oras pa ang lumipas saka ako nakaramdam ng matinding antok. Unti-unting napapikit ang mga mata ko hanggang sa hindi ko na namalayan tuluyan na kong nakatulog.
Maghating-gabi ng magising ako. Lumabas ako ng kwarto at bumaba para kumain dahil lipas na ako sa oras ng kain. Tsaka nakakaramdam na ako ng paghapdi ng tiyan ko sa sobrang gutom.
Ilang hakbang pa bago ako makapasok sa loob ng kusina ng maaninag ko na bukas ang ilaw. Sino naman kaya ang gising pa ng ganitong oras? Hindi naman pwedeng si Nanay Choling dahil maaga itong natutulog. Napabuntong-hininga ako ng maalala ko ang sinabi nito sa akin. Tsk! Hindi ganitong oras ang uwi ng disenteng babae.
Nakapamulsa akong naglakad papasok sa kusina. Nakita kong abala si Vianne sa kung anuman ang niluluto nito kaya hindi niya ramdam ang pagpasok ko. Sumandal ako sa gilid ng pintuan at pinagmasdan ang ginagawa niya.
Pero nung hindi na ako makatiis ay nagsalita na ako, "Anong niluluto mo?" Basag ko sa katahimikan.
"Ay unggoy ka!" Gulat itong napalingon sa gawi ko habang nakahawak ang isang kamay sa kanyang dibdib. "Kanina ka pa riyan?!" Singhal niya.
"Ngayon lang," pagsisinungaling ko. Kahit ang totoo ay may sampung minuto na akong nandito sa loob. "Ramen noodles?" Tanong ko kahit nakikita ko naman na.
"Gusto ko maghigop ng maanghang na sabaw kaya nagluto ako. Gusto mo?"
So ano nakain nito at biglang nag-alok yata.
Lumapit ako sa niluluto niya at sinilip iyon. Pero napangiwi ako ng maka-amoy ako ng kakaibang amoy. Bumaling ako kay Vianne at seryoso siyang tinitigan.
"What?!" Taas kilay na tanong niya.
"Are you drunk?" Tanong ko na hindi siya inaalisan ng tingin.
"So what if I am?" Naghahamon aniya. "Anong gagawin mo? Sesermunan mo ako? Isusumbong mo ako sa parents ko?! Go ahead, kontakin mo sila." Tumahimik ito ng lumapit ako at hinapit siya sa baywang, "W-what are you doing?" Nauutal na tanong niya.
Ito ang pinakamabilis na paraan para mapatahimik ang spoiled brat na katulad niya. Isang tanong pa lang pero napakarami nang sinabi.
Tinitigan ko ang nanlalaking mga mata ni Vianne sa pagkagulat. Ramdam ko ang paninigas ng buong katawan niya, habang ang kanyang bibig ay bumubuka at biglang ititikom, marahil hindi niya alam ang dapat na sabihin.
"W-what are you.. I mean don't.." mahinang sambit niya na pilit iniiwasan ang titig na ginagawa ko.
Naguluhan ako sa ibig niyang sabihin. Ano ba sa tingin niya ang gagawin ko? Oh, Gets ko na. Iniisip niya na hahalikan ko siya. At dahil doon mas hinapit ko pa ng mahigpit ang baywang niya na dahilan ng pagkapit niya sa mga braso ko. "What do you mean don't?" Mapanuksong bulong ko sa puno ng tainga niya.
"Don't steal my first kiss, you maniac!"
°°°
Sunod-sunod na ang update na gagawin ko kasi magiging busy na naman ako sa ibang bagay. So please, don't forget to vote and comment mwah:)
BINABASA MO ANG
Perfect Romance [COMPLETED]
RomanceYou are the best meaning of perfect romance my love.