CHAPTER 1

1.8K 145 491
                                    

Vianne's Pov

"Anne anak, nariyan ang mga kaibigan mo sa baba." Saad ni nanay choling na nasa labas ng pintuan ng kwarto ko.

"Sige po nanay, pakisabi na lang po na pababa na ako." Magalang na sagot ko sa kanya. Nanay tawag ko sa mga kasambahay namin lalo na kapag may edad na sila.

Niligpit ko muna ang mga gamit ko bago ako bumaba, ayaw ko kasi ng makalat.

Speaking, ano naman kaya ang ginagawa ng dalawang iyon dito? Wala ako maalala na may naging usapan kami ngayon araw.

Sa kalagitnaan pa lang ng hagdan ay naririnig ko na ang bunganga ni Lianna na akala mo ay bingi ang kausap.

"Anong ginagawa niyo dito?" Pambungad kong tanong habang nakacross arms sa harapan nilang dalawa.

"Hi bess," si Lianna na peke pang ngumiti.

Sinulyapan ko naman ang katabi niya.

"Hi babe," nakangiting aniya ni Luke.

Pacute na naman ang isang ito.

"Hindi niyo pa sinasagot ang tanong ko. Anong ginagawa niyo rito?" Pag-uulit sa tanong ko kanina at seryoso silang tinitigang dalawa.

"A-ano kasi bess.. gusto namin mag movie marathon kasama ka kung ayos lang sana sa'yo." Nauutal na paliwanag ni Lianna.

Hindi muna ako sumagot gusto ko pang makita ang reaksyon nilang dalawa.

"Luke, parang ayaw niya naman ata, uwi na lang siguro tayo. Sayang naman yung mga pinamili natin kung hindi rin naman pala magagamit." Mahabang litanya ni Lianna na may pakonsensya pang kasama. Patayo na sila ng magsalita ako.

"Sino bang may sabing ayoko?" Tanong ko habang seryoso kunong nakatingin sa kanila at awtomatikong nag aliwalas ang mukha ng mga ito.

"Kung ganon, tara na sa room mo bessy nang makapag start na tayo." Magiliw na saad ni Lianna at sabay dampot sa mga pinamili nila. Tumayo na rin si Luke para tulungan siya. Ako? Heto tinitingnan ko lang silang dalawa na umakyat sa hagdan papunta sa kwarto ko.

Pagkaakyat nila ay napabuntong hininga ako. Ngayon ko lang napagtantong nawalan na pala ako ng time sa mga kaibigan ko. Sila na nga nag-effort ako pa ang itong pa chossy sa kanila. Kunsabagay hindi pa naman huli para bumawi, and this is the right time para makabawi.

Nakangiti akong pumasok sa kwarto dahil sa mga naiisip ko.

"OH EM GE! Ngumiti siya ngumiti siya nakita mo ba iyon Luke? Ngumiti si bessy."

"Awe!" Nakangusong ungot ni Lianna ng batukan ko at nginitian ko lang siya at saka ginulo ang buhok.

Nanlalaki ang mga mata niya na parang hindi makapaniwala sa ginawa ko.

Parang tanga! Napaka OA.

"Ano ba Lianna, umupo ka na nga para kang timang dyan!" Inis kunyaring sabi ko. Umupo naman si lukaret na wala pa rin sa sariling katinuan.

"Babe, anong panunuorin natin?" Tanong naman nitong si Luke habang naghahalungkat ng mga binili nila.

"Horror or comedy," ani ko. Pero bet ko ang zombie movies. "Baba lang ako saglit magpapahanda ako ng meryenda," tumango lang ito at lumabas na ako ng kwarto para hanapin si nanay Cho.

"Nak, may kailangan ka ba?" Tanong ni nanay ng makita niya ako na papasok sa kusina.

"Opo nay, magpapaakyat lang po sana ako ng meryenda namin sa taas." Magalang na sagot ko.

"Sige iha, magpapaakyat ako." Nakangiting tinanguan ko si nanay bago bumalik sa kwarto.

Pagpasok ko nag umpisa na silang manuod kaya umupo na rin ako sa tabi nilang dalawa. Hindi ko alam ang title ng pinapanuod namin dahil hindi ko naman ito nasimulan. But base sa reaction nitong dalawa ay kinikilig silang pareho. Seriously? Kalalaking tao nitong katabi ko kinikilig?! Yung isa naman kulang na lang maglupasay sa sobrang kilig at tili pa ng tili. Ang haharot! Ano naman ang nakakakilig sa pagkikiss?

Hindi ako bitter na tao ah, nagsasabi lang ako ng totoo. Hindi naman talaga sweet iyon.

Hanggang ngayon hindi pa rin napapansin ng dalawa ang presensya ko dahil tutok at seryoso silang manuod.

Maya-maya'y nakaramdam na ako ng antok at hindi ko na napigilan mapapikit.

°°°

Happy reading to all.. Thank you!

Perfect Romance [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon