CHAPTER 19

692 62 298
                                    

Nakaupo ako sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ang tulog pa rin na si unggoy. Napakagwapo at napakaamo ng mukha nito pagtulog, parang santo kung tititigan sa malapitan. Medyo bumaba na ang lagnat niya, ang kaninang 39.5°C ay 37.5°C na lamang ngayon, kaya nabawasan na ang pag-aalala ko.

Ano kaya ginawa nito kahapon at biglang nagkasakit? Healthy naman siya at hindi rin mukhang sakitin. Hindi kaya sakitin siya kapag tag-ulan? Pero isang malaking kalokohan iyon.

Hindi magkakasakit kung hindi magpapaulan 'di ba? May nagkakasakit din kahit hindi nagpapaulan. Hays, whatever!

"Water.."

Nabalik ako sa katinuan ng biglang magsalita si unggoy. Tumayo ako para kumuha ng tubig sa lamesita na medyo malayo sa kinauupuan ko. Dahan-dahan ko itong pinaupo bago ko ibigay ang isang basong tubig sa kanya. Nanginginig pa ang kamay nito kaya ako na ang nagpainom, "How do you feel?" Tanong ko na tinanggal ang bimpo sa noo niya.

"..I'm cold and my head hurts.." parang batang sagot niya.

"I know, mamawala rin yan kapag nakainom ka nang gamot." Kinuha ko ang lugaw na niluto ni Nanay Cho para sa kanya. "Here, eat this." Sinubuan ko si unggoy para makainom nang gamot dahil hindi pa ito nakakainom mula kaninang umaga. Puro punas ng yelo lang ang ginawa ko para bumaba ang lagnat niya.

Pagkatapos kumain ng lugaw ay pinainom ko na ito ng gamot at muling pinahiga.

"Thanks.." namamaos at nanghihina nitong sabi.

Tumango ako, "Are you still cold?" Tanong ko.

"Y-yeah.."

Tumayo ako para kumuha ng another blanket sa cabinet.

"Y-you better leave or you'll catch my cold." Nauubong sambit niya.

"Huwag kang mag-alala dahil hindi ako sakitin tulad mo." Sagot ko habang kinukumot sa kanya ang pangalawang kumot na kinuha ko. "Malamig pa ba?" Sa kapal ng kumot ewan ko na lang na hindi pa siya uminit at pagpawisan ng matindi niyan.

"No. I'm feeling better now.."

Mabuti naman dahil kung hindi pa magsisiga na ako ng kahoy dito sa kwarto niya para mainitan siya. "Matulog ka ulit para gumaling ka agad." Wala sa bukabularyo ko ang maging nanny niya ng isang linggo.

Muli akong umupo sa gilid ng kama niya at eksakto namang nagring ang cellphone ko, nangunot ang noo ko ng makita ang pangalan ni Luke.

"Hi babe!" Masayang bungad nito pagkasagot ko sa tawag.

Napabuntong-hininga ako, "Don't Hi Babe Me, what do you want?" Diretsong tanong ko sa kabilang linya.

"You. I want you babe!" Natatawang turan nito. Malamang, nantitrip na naman ang siraulo.

"Tsk! Are you at home?" Hindi kaagad sumagot si Luke sa tanong ko.

"Yup! Why babe?" May halong pagtataka sa boses nito.

"Nothing, just stay at home and don't go outside." Sabi ko na akmang papatayin na ang tawag pero biglang inagaw sa akin ni unggoy ang cellphone ko kaya siya na mismo ang pumatay sa tawag. Masama ang tingin nito sa akin na para bang may nagawa ako na hindi niya nagustuhan. "What, why are you looking at me like that?" Sa halip na sagutin ako ay kinuha niya ang kamay ko at hinawakan iyon.

Nanlaki ang mga mata kong napatingin sa magkahawak-kamay namin dalawa. Pakiramdam ko tuloy may ka holding hands akong patay dahil napakalamig ng kamay nito.

"D-don't leave.." Nagulat ako sa mahinang pakiusap ni unggoy. Saan naman ako sa tingin niya pupunta aber?

Tinaasan ko siya ng kilay. "Sinong tanga ang aalis sa ganitong uri ng panahon aber?!" Kung utak Lianna ako baka pwede pa, ang kaso hindi eh.

"Oh, hindi ka aalis?"

Anak ng tutubi! Kung wala itong sakit ngayon ay sapok ang aabutin niya sa akin. "Hindi nga sabe!" Pigil na inis na tugon ko.

"Mm'kay.." bumaba ang tingin ni unggoy sa labi ko. "I want to kiss you.." seryosong sabi niya na siyang ikinalaki ng mga mata ko.

Natahimik ako ng ilang segundo pero natauhan din naman kaagad. "Ha! Ibang klase, ni hindi mo nga magawang hawakang maayos ang baso may lakas nang loob ka pang manghalik?! Pambihira! Magpagaling ka muna!" Huli na nang mapagtanto ko ang lumabas sa bibig ko, kaya inis kong tiningnan si unggoy na nakangisi na sa akin ngayon. Asar!

"Sabi mo yan ah, wala nang bawian." Ngising sagot niya na mas lalong kinainis ko.

"Huwag kang feelingero! Mali ang pagkakaintindi at dinig mo sa sinabi ko." Pairap kong singhal sa kanya.

"May sakit ako pero hindi ako bingi."

"Matutulog ka ba o iiwanan kita?!" Pagbabantang sabi ko. Pag hindi talaga ito tumigil sa kakadaldal tatawagin ko ang kambal para sila ang mag-alaga sa kanya.

Awtomatik nalukot ang mukha nito, "Matutulog na." Sagot niya bago pumikit.

Mabuti at sumunod agad. Nadadaan naman pala sa takutan pahihirapan pa ako. Napasilip ako sa oras ng cellphone ko, twelve noon na kaya pala nagugutom na ako. Mamaya na ako kakain kapag tuluyang nakatulog ang isang ito.

°°°

Thank you for reading po. Please don't forget to vote and comment mwah:)

Perfect Romance [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon