CHAPTER 17

706 64 355
                                    

Lianna's Pov

Kanina pa ako naiinis, alam niyo ba kung bakit? Umuulan ng malakas at wala pa ang sundo ko dahil nasiraan daw sa kalagitnaan ng kalsada. Kaya heto ako ngayon nganga sa paghihintay kung kailan masusundo ni manong driver.

Bakit naman kasi kahapon pa nagloko ang kotse ko. Kay bago-bago may sira agad ang peste. Kapag nagkaroon ako ng time pupuntahan ko talaga ang kompanya ng gumawa sa kotse ko at pababagsakin ko ang kompanya nila. Charot lang! Kasi naman eh, nakakainis, masyadong perwisyo.

Kinuha ko sa bag ang phone ko para itext si bessy ko na maaasahan sa lahat ng oras.

To: Bessy
Bess, help!

Ilang minuto lang ay nagreply agad si bestie.

From: Bessy
What?!

Kahit sa text ay masungit pa rin siya. Nagtype na ko ng irereply kay bessy.

To: Bessy
Wala pa ang driver ko.

Nakangusong sabi ko. Sigurado maiinis na naman ito.

From: Bessy
So?

Aba't?! Wala ba siyang pake sa akin?! Wala talagang puso!

To: Bessy
Bess naman eh..

Pag inabandona niya ako puputulin ko ang ugnayan namin dalawa. Pero hindi magagawa sa akin ni bessy iyon dahil alam kong mahal niya ako.

From: Bessy
Saan parking lot ka?

Sabi ko sa inyo eh, maasahan talaga siya. At hindi niya rin ako matitiis na abutin ng gabi rito sa school.

To: Bessy
Parking lot 2

Hindi na nagreply si bessy, papunta na siguro siya rito. Napabuntong-hininga akong napatingin sa maitim na langit. Nanuod naman ako kagabi ng balita pero walang sinabi ang pagasa na uulan ngayon. Mukhang bagyo na yata ito dahil napakalakas ng hangin.

Ilang sandali pa ang lumipas ng makarinig ako ng malakas na pagbusina kaya napangiti ako ng makita ko ang kotse ni bessy.

Lumapit kaagad ako sa kotse niya. "Bess!" Napasigaw ako sa sobrang tuwa. Binuksan ni bessy ang bintana ng kotse niya at kunot-noong nakatingin sa akin.

"Pasok," utos niya kaya kaagad kong binuksan ang pinto ng front seat at saka umupo roon.

"Thank you very very much bess, you're my savior." Masayang sabi ko kahit irap ang itinugon niya sa akin.

"Tsk! Ibasura muna ang kotse mong pinagyayabang mo sa'kin." Panunuya niya. "Wala naman silbi! Nagsayang ka lang ng pera." Dagdag pa niya.

"Eh? Grabe siya oh.. oo na kotse mo na ang maganda." Nakangusong sagot ko.

Peste talaga! Pinagyabang ko pa man din iyon kay Luke. Kapag nalaman ng kurimaw na iyon ang nangyari sa kotse ko paniguradong tutuksuin niya ako ng isang linggo.

Tahimik lang kami ni bess habang nasa byahe. At medyo matagal din nakarating sa bahay dahil sa lakas ng ulan at sa matubig na kalsada ng village namin. Pero naihatid niya naman ako ng maayos.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay sinalubong ako ng nag-aalalang si manang na tila ba napanatag ito ng makitang niyang maayos ang lagay ko. Sa totoo lang may pag ka oa rin 'tong si manang eh. Parang ako exaggerated sa lahat ng bagay. Atleast, aminado ako sa sarili ko.

•••

Yuan's Pov

"Good bye sir," nakangiting bungad ng secretary ko pagkalabas ko sa office.

Tinitigan ko ito mula ulo hanggang paa. Simula noong bumisita rito si Vianne at tinawag itong clowntary ay naging maayos na ang pananamit nito. Mabuti na lamang hindi na ito katulad ng dati na pag nakikita ako ay binibigyan ako ng malanding ngiti at nakakaakit na titig na hindi naman ka akit-akit sa paningin ko.

"Good bye," kaswal na sagot.

Pumasok na ako sa elevator at pinindot ang ground floor na kung saan diretso ang bagsak sa parking lot. Hindi ko na kailangan pang maglakad ng malayo dahil aksaya lamang sa oras iyon.

Pagkarating ko sa parking lot ay kaagad akong pumunta sa kotse ko at saka pumasok sa loob.

Pagkalabas sa parking ay sumalubong ang malakas na hangin at ulan na may kasama pang pagkulog at kidlat. "May bagyo ba?" Tanong ko sa sarili. Wala namang binalita sa tv o radyo kagabi na may bagyong parating ngayong araw.

Binuksan ko ang radyo at baka sakaling masagot ang tanong ko pero pulos kantahan ang maririnig dito. Ang masaklap pa love songs ang tugtugan na binagay talaga sa masamang panahon.

Bigla kong naalala ang kasabihan ng millennials na pagmaulan daw ay "Cuddle Time" at para lamang iyon sa may love life.

Napahugot ako ng malalim na hininga sa mabagal na usad ng mga sasakyan dahil sa basa at madulas na kalsada. Pero maya-maya lang ay napamura ako ng may biglang tumama sa likod ng kotse ko.

Gigil akong napalingon at napamura sa ikalawang beses ng makita ang puting kotse na bumundol sa sasakyan ko. Umuusok ang harapan nito.

"Sir?"

Inis kong nilipat ang paningin sa bintana, isang matandang lalaking nakatayo na kumakatok ng paulit-ulit sa bintana ng kotse ko. Binuksan ko ito, "Yes?" Kalmadong tanong ko.

"Sir, pasensya na sa nangyari. Bigla kasing nagkaproblema sa preno ng taxi ko kaya tumama sa likod ng kotse niyo. Huwag niyo sana ako edemanda sir. Pero kung papayag kayo sir, ako na ang gagastos sa pagpagawa sa likod ng kotse niyo." Paliwanag ng matandang lalaki.

"Hindi na ho manong, ako na ang bahala." Muli akong sumilip sa likod, umuusok pa rin ang kotse ni manong. "Mas kailangan niyo ho ng tulong ko na maayos ang kotse niyo dahil maaaring makasagabal tayo sa ibang dumadaan." Sana naman makuha ni manong ang ibig kong sabihin. Dadagdag pa siya sa traffic at mas lalong babagal ang pag-usad.

Ngumiti ng alanganin si manong, "Nakakahiya naman sir. Eh, kayo na nga itong napirwisyo ko ako pa itong tutulungan niyo. Napakabait mong bata kung ganoon." Parang naiiyak na tugon nito.

"Ganon ho talaga ang mga pilipino manong, nagtutulungan." Pagkasabi ko niyon ay lumabas na ako sa kotse para tingnan at makita ang problema ng sasakyan ni manong.

Batay sa ID na suot ni manong ay isa itong taxi driver. Sa halip na maawa ay bumilib ako rito. Dahil kahit matanda na ay nagpupursige pa rin magtrabaho para mabuhay ang kanyang pamilya.

°°°

Kudos sa mga taxi driver na katulad ni manong. So ayun, maraming salamat po sa pagbabasa! Godbless you all:)

Perfect Romance [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon