CHAPTER 22

668 58 387
                                    

Lianna's Pov

Malayo pa lang kita ko na ang maliwanag na awra ni bessy, mas maliwanag pa sa sikat ng araw sa umaga. At blooming tignan si ate girl today, siguro may magandang nangyari sa buhay nito.

Hindi kaya sila na ni future husband? Malakas ang radar ko na may kinalaman ang nakakasilaw niyang awra sa love life nilang dalawa. "Bess," sabi ko ng makalapit ito sa akin. "May extra shades ka ba?" Tanong ko na ikinakunot naman ng noo niya.

"Hindi naman tirik ang araw mag susuot ka ng shades? Anong trip mo?!" Singhal ni bessy.

Huhu.. bakit hindi niya magets.

"Eh kasi nakakabulag ang liwanag ng awra mo ngayon," nakangusong sagot ko. "Kaya kailangan kong mag suot ng shades para protektahan mata ko sa liwanag." Natigilan ng ilang segundo si bessy sa tinuran ko pero nakarecover naman agad.

"Lianna," mariing sita ni bessy, tanda na hindi niya gusto ang biro ko.

Dapat pala blooming ang ginamit kong salita, ayan tuloy nagalit.

Napanguso ako, "Biro lang 'yun bess kaya kalimutan muna na may sinabi ako sayo." Sagot ko na tinaasan lang ako ng kilay.

"Whatever! Wala pa si Luke?" Pag-iba ni bess sa usapan.

Oo nga, nasaan na ba ang animal na iyon? Anong oras na wala pa. Nambabae na naman siguro ang kupal.

"Haynako bess wag mo nang hanapin ang taong wala." Napapabuntong hiningang sagot ko. "Punta na lang tayo sa starbucks." Suggest ko.

"Sure, my treat."

Napamaang ako at pa simpleng tinitigan si bess. Anong mayroon at manlilibre ang bruha? May himala bang naganap na hindi ko alam? Pero talagang may na sesense akong kakaiba sa kanya ngayon at dapat na malaman ko iyon bago magdilim.

"Anong klaseng tingin yan Lianna? Nagbabalak ka ba na gawan ako ng masama?"

Nanlaki ang mata ko sa narinig, ganoon ba ako tumingin? Parang hindi naman, gawa kwento lang ito si bessy eh. Tumikhim ako bago magsalita, "Grabe ka naman mag-isip sa'kin bess. Pero pwede ba ako magtanong?" Naiilang na sabi ko dahil hindi ko na talaga kayang pigilan pa.

"Tsk, ano ba 'yon?"

"Wag ka sanang magagalit bess."

"Magagalit ako kung patatagalin mo pa." Mabilis niyang sagot.

"No secrets tayo 'di ba?" Sabi ko habang pinagdidikit ang hintuturo ko. "Kayo na ba ni future husband, I mean mag on na ba kayo ni Ken?" Diretsang tanong ko.

"What made you say that?"

"Eh kasi kita ko sa mukha mo na may something talagang nangyari, tapos parang bigla kang nag glow sa paningin ko." Ewan ko na lang kung hindi pa ito umamin. "Hala! Baka naman na totomboy na ako sa'yo bess?" Madramang sabi ko pa sa huli.

"Bilib na talaga ako sa radar mo."

Nanlaki na naman ang mga mata ko. Confirmed, mag on na nga sila. Oh gosh, nauna pa sa akin ang bessy ko magkaroon ng love life.

"Omg kyah!" Nagtatalon ako sa tuwa. "Bess, let's celebrate sa first boyfriend and relationship mo." Kinikilig kong sabi. Pero teka lang may nakalimutan pa akong itanong. "Kailan pa naging kayo?" Nakita kong ngumiti si bessy at napangiti rin ako.

"Last week lang," aniya. "Punta na tayo sa starbucks."

Buti pinaalala ni bessy dahil nawala na sa isip ko na pupunta pala kami sa starbucks. "Basta treat mo ah.." tugon ko at tumango naman ito.

Pumunta na si bessy sa kotse niya, ako naman sumakay na sa bago kong kotse. Ang bessy ko ang pumili nitong baby ko kasi wala raw akong taste sa pagpili. Oh, 'di ba sobra niya talaga akong laitin. Tsaka, iyong super pricey ang napili niya pero super ganda naman.

•••

Vianne's Pov

Kasalukuyan akong nakahilata sa kama. Maghapon kaming nag lakwatsa ni Lianna dahil kaliwa't-kanan ang shopping na ginawa ng bruhilda. Kaya ng makauwi ako sa bahay ang sakit ng mga paa at binti ko sa kakalakad at kakaikot sa mall. Para tuloy akong nalantang halaman na hindi nadiligan. Amp, parang ang sagwang pakinggan ng sinabi ko.

TOK TOK TOK

Huwag kayong ano, katok sa labas ng pinto yan.

Inis akong napalingon sa pintuan, "Pasok!" Sigaw ko.

Bumukas ang pinto at.. .

"What happened to you?"

Tumambad ang gwapong mukha ni unggoy, nakacross arms itong sumandal sa gilid ng pintuan habang pinag-aaralan ang kalagayan ko.

Bumangon ako at umupo sa kama. "Napagod lang.." walang ganang sagot ko. Totoo naman na napagod talaga ako.

"And why are you tired? What did you do all day?" Naglakad ito palapit sa akin.

Anong klaseng tanong naman iyon? Dapat ko pa bang isa isahin sabihin sa kanya ang ginawa namin ni Lianna? Masyadong madami iyon mapapagod lang ako magsalita.

"Shopping.." maikling sagot ko. "And please, no more questions," dagdag ko pa.

"Okay, no more questions." Sagot niya na kiniss ako sa noo.

"How's work?" Tanong ko na humiga ulit sa kama, dinamayan ako ni unggoy sa pagkakahiga.

"Work pa rin," pilosopong sagot niya na mabilis kong hinampas sa braso. "Sinimulan na namin itayo ang bagong proyekto na inaprubahan ng daddy mo. For sure, matutuwa iyon pag nakita niyang tapos na."

"Para sa charity iyon 'di ba?"

"Yeah. Kumain ka na ba?"

Bigla akong nakaramdam ng gutom sa tanong niya. "Hindi pa. Ikaw?" Umiling ito. "Sige, sabay na tayong kumain." Bumangon ako at hinila ang kamay niya patayo. Pero natigilan ako ng bigla niya akong yakapin.

"I love you.." masuyong bulong niya sa tainga ako.

Shem, hindi ko inaasahan na sasabihin niya agad ang magic words.

Alam kong napakabilis ng pangyayari pero hindi na ako magpapakipot pa. "I love you too.." Nakangiting sagot ko dahil ganoon din ang nararamdaman ko para sa kanya.

Narealize ko iyon noong time na nagkasakit siya, doon ko nalaman na gusto ko siya, na mahal ko na pala talaga siya, na hindi ko na magawang itanggi pa ang feelings ko for him. Kaya para saan pa ang pagpapakipot, pagtanggi at pagtatago kung parehas naman kami magiging masaya sa huli. Mas mabuting maging honest na lang sa sarili hindi ba?

°°°

Thank you very much for reading po! Stay safe guys, and see you next chapter mwah:)

Perfect Romance [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon