Lianna's Pov
Excited na ako pumunta sa house ni bestie. May tatlong gabi at dalawang araw ako mag stay sa kanila, at mamayang gabi na ako pupunta roon.
Ang usapan namin ay sabado pa ng umaga ako pupunta sa kanila, pero dahil sa hindi na ako makapaghintay na makipagchikahan sa kanya'y aagahan ko na. Tsaka, nakaready na ang daldalhin kong mga gamit.
Syempre, kailangan ko rin mag grocery ng mangangata namin. Kaya naman mamaya ako pupunta sa store after ko maligo.
"Tapos ka na ba riyan iha?"
"Ay kabayo!" Napatalon at napahiyaw ako sa biglang pagsulpot ni manang sa loob ng kwarto ko. "Manang naman, sana kumatok muna kayo bago pumasok 'di ba?" Medyo inis na sabi ko dahil nagulat talaga ako sa kanya. Mabuti na lang wala akong sakit sa puso.
"Kumatok ako iha, marahil hindi mo narinig dahil abala ka sa ginagawa mo." Malumanay na tugon ni manang at napahiya naman ako roon.
"Ay, ganon ba? Sorry po manang, ano po ba ang kailangan niyo?" Magalang na tanong ko.
"Walang anuman iha, dinalahan kita ng meryenda mo." Napatingin ako sa hawak ni manang na tray. "Oh, heto, kumain ka muna." Inabot niya sa akin ang tray at kaagad ko naman iyon kinuha.
"Salamat po manang," ipinatong ko sa lamesita ang tray. "Mamaya ko na po 'yun kakainin pagkatapos kong maligo," dagdag sabi ko pa.
"Kung ganoon, kailangan mo nang maligo dahil lalamig iyan pagkain mo. Masama na pinaghihintay ang pagkain, tatakbo ang grasya palayo sa iyo."
Napakamot ako sa ulo. Kahit kailan talaga napakaraming sinasabi nitong si manang. "Maliligo na po ako kaya pwede na po kayong lumabas sa kwarto ko. Salamat po ulit sa meryenda," tuloy-tuloy na sabi ko habang inaalalayan si manang palabas ng kwarto ko. Hindi ko naman siya pwedeng itulak dahil may katandaan na ito.
"Ikaw talagang bata ka."
"Hindi na po ako bata, dalaga na po ako, manang."
"Naku, napakapilosopo mo na rin ngayon."
"Matagal na po. Salamat po ulit sa meryenda." Hindi ko na hinintay na sumagot pa si manang dahil sinaraduhan ko na siya ng pinto.
Medyo bastos ang dating niyon, pero kasi hindi titigil iyon sa kakasermon hangga't hindi ko nasasarado ang pinto.
Sorry naman guys.. tao lang na nagkakamali.
Nahagip ng paningin ko ang tray na may laman cookies at juice, at doon ko lang naalala na maliligo pa pala ako. Dali-dali akong nagtungo sa closet at kumuha ng maisusuot at pagkatapos dumiretso na ako sa banyo.
Matapos kong maligo at mag-ayos ay bumaba na ako. Hinanap ko si manang sa kasulok-sulukan ng bahay para magpaalam sana sa kanya bago ako umalis pero hindi ko ito makita. Kung hindi ako magpapaalam baka ako naman ang hanapin niya. Mabilis pa man din magpanic iyon bagay na ipinag-aalala ko.
•••
Vianne's Pov
Nang matapos kong gawin ang thesis ay bumaba ako para kumuha ng maiinom. Nahagip ng paningin ko ang malaking orasang nakasabit sa dingding ng sala. Mag alas otso na pala ng gabi at hindi ko man lang namalayan ang takbo ng oras.
Paakyat na ako nang may biglang nag doorbell. Nagtaka ako dahil wala naman kaming inaasahan na bisita ngayon gabi, at kung mayroon man ay bukas pa iyon.
Sa halip na magtawag ng katulong ay kusa akong dinala ng sarili kong mga paa palabas ng pintuan. At mula rito sa kinatatayuan ko ay hindi ko gaanong makita ang mukha nang taong nasa labas ng gate. Kailangan ko pang lumapit para makita ang mukha ng taong ito.
"Hoy, wala ka bang planong papasukin ako?"
Kilala ko ang matinis na boses na iyon, "Lianna?"
Sumilip ito sa nakasiwang na barandilyang gate na bakal, "May iba ka pa bang kaibigang nangangalang Lianna bukod sa akin?!" Naiiritang asik nito.
Nagcross-arms ako at pinandilatan ko siya ng mata. "Ah, ganoon? Kung hindi kaya kita papasukin?" Mataray na sabi ko.
"Bess naman eh, sorry na." Nakangusong aniya.
Inirapan ko siya, "Don't sorry me!"
"Oo na, basta papasukin muna ako, ah."
Nagpacute pa hindi naman cute.
"Bakit nandito ka? Gabing-gabi na naglalakwatsa ka pa!" Galit kunyaring singhal ko sa kanya.
"Anong naglalakwatsa? Hindi ako naglalakwatsa, ngayon na ako mag sleep over sa house niyo."
"Sabado ang usapan natin Lianna, byernes pa lang ngayon." Nakacross-arms na sabi ko.
"Alam ko naman 'yun bess, wala kasi ako magawa at makausap sa bahay kaya pumunta na ako rito. Pero kung ayaw mo talaga uuwi na lang ako."
Nagdrama na naman. At ang masasabi ko ay best actress talagang tunay ang babaeng ito. Dinadaan ako palagi sa pagpapaawa na hindi naman mukhang kaawa-awa.
Pinagbuksan ko si Lianna ng gate. Bumaba ang tingin ko sa apat na plastik bag nitong bitbit ng magkabilang kamay niya. "Pumasok ka na," utos ko.
"Thanks bess.."
"Ano yang mga dala mo?"
"Food. Baka gusto mo rin ako tulungan?" Sarkastikong sabi nito.
"Akin na," kinuha ko ang dalawang plastik bag niyang hawak at naunang pumasok sa loob ng bahay. Sinalubong kami ni Nanay Choling at kinuha ang mga bitbit namin ni Lianna.
"Bess, san ang room ko?"
"Sa kwarto ko."
"Hindi sa guest room?"
Napalingon ako sa sinabi niya, "Pwede ka rin naman sa labas kung ayaw mo talagang matulog sa kwarto ko?" Asik ko.
"Joke 'yun teh, seryoso masyado hindi na mabiro." Sabi niya na sinabayan pa ng pagrolyo ng mga mata.
Hindi ko na siya sinagot, umakyat na ako sa kwarto at iniwan siya sa baba. Aakyat na lang iyon kung kailan niya gusto. Sigurado ako na makikipagtsismisan na naman ang babaeng iyon kay Nanay Choling.
°°°
Thank you for reading po. Please, don't forget to vote and comment. See you next chapter mwahh:)
BINABASA MO ANG
Perfect Romance [COMPLETED]
RomanceYou are the best meaning of perfect romance my love.