CHAPTER 15

781 66 329
                                    

Vianne's Pov

"Don't steal my first kiss, you maniac!" Sinubukan kong itulak si unggoy pero parang magnet kung makahawak sa akin ang buset! "Let me go!" Nagpupumiglas ko pang sabi sa kanya na binabalewala lang nito.

"I.."

Sinamaan ko siya ng tingin pero seryoso siyang nakatitig sa mukha ko. "What.." hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil bigla kong naramdaman ang pagdampi ng labi niya sa labi ko.

What the! He's kissing me. The monkey is kissing me! Uwahh! My first kiss.

Kumabog ng mabilis ang puso ko. Nakaramdam ako ng kakaibang sensasyon sa katawan na para bang may gustong kumawala sa buong pagkatao ko. Pero hindi ko mawari kung ano iyon dahil bago lamang sa akin ang ganitong klaseng pakiramdam.

Bigla akong natauhan ng kagatin niya ang ibabang labi ko. Kaya naman buong pwersa ko siyang itinulak at nagtagumpay naman ako sa ginawa ko. "Y-YOU!" Panduduro ko sa kanya na hindi malaman ang sasabihin. At ang hudas seryoso lang nakatitig sa akin. "W-what did you do?!" Gitil na tanong ko. Hinalikan ka niya gaga! Bakit ganoon, gusto kong magalit pero hindi ko magawa. Alam kong mali ang ginawa niya pero bakit parang nagustuhan ko naman? Hala, iba na talaga ito nagiging madumi na ang pag-iisip ko.

"I kissed you and I like it." Diretsang sagot ni unggoy na ikinabigla ko.

He what?! Alam niya ba kung ano ang sinasabi niya?!

"Nahihibang ka na ba?! Magkapatid tayo, kahit pa sabihing ampon ka ay magkapatid pa rin tayo."

"We were not, and you know it Vianne." Mabilis nitong tugon na seryoso pa ring nakatitig sa akin.

"Pero mali pa rin na gawin ito. Ano na lang ang sasabihin ng parents natin pag nalaman nila na.." na ano nga ba? Pati tuloy utak ko nabablangko na. Napasabunot ako sa buhok ko sa pagkadismaya. Agaran kong pinigilan ang akmang paglapit ni unggoy sa akin. "Kumain kana, matutulog na ako." Sabi ko saka ko siya tinalikuran.

Bago pa man ako makalabas sa kusina ay narinig ko ang mahinang pagtawag niya sa akin. Nagpatuloy ako sa paglalakad at binalewala ang pagsusumamo niya. Pagod na pagod ang utak ko sa buong maghapon at magdamag na pagrereview sa nalalapit na final exam, kaya hindi na kayang iproseso pa ng utak ko ang mga sasabihin niya.

Napabuga ako ng malalim na hininga pagkapasok ko sa kwarto. Napaupo ako sa kama at tumingin sa kawalan. Ano bang nangyayari sa unggoy na iyon at naging wirdo. Pwede naman siyang magsabi kung may problema eh, hindi 'yong manghahalik na lang ng biglaan ang buset. Dahil nabanggit ko na naman, biglang uminit ang ulo ko ng maalala ang kiss na iyon. Hindi ko talaga matanggap na sa unggoy napunta ang first kiss ko.

Sa ikalawang pagkakataon ay muling napasabunot ako sa buhok ko. Malapit na talaga ako magaya kay Lianna, magiging dalawa na kami na parehong may sapak sa utak.

Kasalanan ito ng San Mig Light! Kung hindi niya ako tinukso na inumin ko siya sa condo ko hindi ako magkakaganito. Alak pa more! Mark my words, hindi na ako iinom maliban sa tubig.

•••

Maaga ako umalis sa bahay para pumunta sa bahay nila Lianna. Ayoko mo nang makita si unggoy ngayong araw baka masira lang ang araw ko. 

"Bess, anyare sa'yo ba't ganyan mukha mo? Nag adik ka ba kagabi? Pasok ka bess.." bungad ni Lianna ng pagbuksan ako ng gate.

Pumasok muna ako bago sumagot sa kanya, "Sana nga nag adik na lang ako," wala sa sariling sabi ko. Sumunod ako kay Lianna na pumasok sa loob ng bahay nila at diretso kaming umupo sa sofa.

"Ano bang nangyari bess, nag-away ba kayo ng kapatid mo?" May halong pag-aalala sa tono nito.

Mabuti naman hindi niya tinawag na future husband si unggoy.

Umiling ako, "Sana nga ganon na lang." Napapabuntong-hiningang sagot ko at napatakip ng bibig si Lianna.

Umandar na naman ang pagkaOA niya.

"Hala bess, seryosong usapan ba 'to?" Pinitik ko ang noo niya sa tayong niyang iyon. "Aray naman bess, masakit 'yun, ah!" Nagrereklamong angil niya habang hinihimas ang noo.

Inirapan ko siya, "Ay hindi joke lang 'to." Sarkastikong saad ko.

Kahit kailan talaga ang utak ng babaeng ito nasa talampakan niya.

"'Di na mabiro. Oh siya, open na tainga ko at handa na 'kong makinig sa kwento mo."

"It's complicated," tipid kong sagot.

"Wow ha?!" Gulat akong napatingin kay Lianna. "Ano ka in a relationahip at may it's complicated ka pang nalalaman." Pairap niyang sabi na mas lalong kinagulat ko."Ang taray mo bess, ah." Pairap niya pang sabi, kaya naman nakatikim siya sa akin ng batok.

"Ouch! Para sa na naman 'yun bess?!" Inis na tanong niya na ngumuso pa sa harap ko.

"Para maalog ang utak mo!" Asik ko.

"Grabe siya sa'kin, oh! 'Di kana mabiro, bestfriend." Nakangusong sabi niya.

"Kung magbibiruan lang din tayo maghapon, mas mabuting umuwi na ako." Saad ko na patayo na sana pero pinigilan agad ako ni Lianna.

"Hindi na bess. Magseseryoso na ako." Tinitigan ko siya at mukhang nagsasabi naman ng totoo. "Tungkol ba 'to kay future husband?" Seryosong tanong niya kaya tumango ako. "Oh my goodness! Nagtapat na siya sa'yo? Sabi ko na nga ba eh." Kung kanina ay seryoso ang mukha ni Lianna, ngayon naman ay napalitan ito ng nakalolokong ngiti.

Ano bang sinasabi ng babaeng ito? "Huwag ka ngang OA! Anong nagtapat ang sinasabi mo? Walang ganon nangyari!" Sagot ko. "H-hinalikan niya ako kagabi," diretsong sabi ko at sabay iwas ng tingin sa bruha.

"OH MY GOD!" Gulat na naman akong napatingin kay Lianna dahil sa malakas na boses nito. "Oh My God.." aniya na tumayo pa at nagtatalon sa sala.

"Ano ba! Umupo ka nga." Saway ko rito. "Hindi halatang masaya ka ano? Ikaw ba ang nahalikan?!" Asar na tanong ko na binalewala lang nito.

Umupo na si Lianna at nakangiting tumingin sa akin. "Hindi nga ako ang hinalikan pero alam ko nang mangyayari 'yun." So ganoon siya kasigurado sa radar niya? Nice! "Sus, ako pa ba? Bulag ka lang talaga dahil hindi mo nakikita at napapansin ang kakaibang tingin at titig niya sa'yo." Bahagyang umawang ang bibig ko sa daming nalalaman ni Lianna. "Noong nag stay ako sa bahay niyo, nakita ko kung paano ka niyang pinagmamasdan at tinititigan, at hindi normal ang ganun, bestfriend. Kaya doon pa lang nalaman ko na agad na may feelings siya for you." Hindi ako makapaniwala sa talas ng mata at radar ng babaeng ito. Kakaiba, Marites na Marites talaga amp. "Ang tanong bess, ano ba ang lagay niya sa'yo? May nararamdam ka rin ba para sa kanya?" Seryosong tanong ni Lianna habang nakatitig ng diretso sa mga mata ko.

Napayuko ako. "I-I don't know.." tugon ko. Bago lang sa akin ang ganitong klaseng pakiramdam kaya hindi ko pa masasagot ng maayos ang tanong ni Lianna ngayon.

"It's okay bess, hindi mo kailangan magmadali para riyan." Pinatong ni Lianna ang kamay niya sa parte ng puso ko. "Ito mismo ang magsasabi sa'yo ng pagmamahal mo para sa kanya." Madramang sabi niya kaya naman pinitik ko ang ilong niya. "Aray naman bess! Nakakarami kana ah!" Sa halip na sumagot ay niyakap ko si Lianna at ginantihan niya naman ako ng yakap pabalik.

Kahit ganito ang ugali ni Lianna na kung minsan isip bata, at madalas atakehin ng saltik niya sa utak. Hindi ko pa rin maitatanggi na the best siya sa lahat ng the best. Hindi pa niya ako iniwan kapag may kadramahan din ako sa buhay. Masasabi kong napakasarap sa pakiramdam na naging parte sa buhay ko ang nag iisang Lianna Castro.

°°°

Thank you po sa pagbabasa at sa pag vote and comment! Ingat kayo lagi! See you next chapter mwah:)

Perfect Romance [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon