CHAPTER 2

1.6K 135 606
                                    

Vianne's Pov

*KRING KRING KRING*

Inabot ko ang alarm habang nakapikit saka pinatay ito. Kinapa ko ang paborito kong unan pero parang ang tigas naman yata? At ang haba pa? "Ano ba besh wag ka ngang magulo asdfghh." Luh, nagsasalita pa tapos besh daw? Nung marealize ko na hindi unan iyon napadilat agad ako.

"Ahhh!" Sigaw ko ng makita ang pangit na mukha ni Lianna.

BOGSH

"Sunog sunog may sunog, help!" Nakapikit pang sabi ni Luke na nahulog pa sa couch.

"Bess umalis na tayo may sunog na nagaganap sayang ang ganda natin kung magtatagal pa tayo dito!" Hinihila ni Lianna ang kamay ko habang sinasabi niya iyon kaya hindi ko na napigilang humagalpak ng tawa.

"Ha ha ha ang epic ng mukha niyo.Hindi ko inaasahan na mapapasaya nila ang gising ko.

Tiningnan nila ako ng masama pero deadma ko lang sila. Pasimpleng tumayo ako sa kama at dumiretso sa banyo para maligo. Bago ko isarado ang pinto ng banyo ay nakita ko pa ang mga pamatay na tingin ng dalawa. Parang gusto ko na naman tuloy matawa dahil naalala ko kung gaano ka-epic ang itsura nila.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako para kumain ng agahan. Naabutan ko ang dalawa na kumakain na.

"Morning po, nay." Masayang bati ko kay nay Choling.

"Magandang umaga din sa iyo iha, umupo kana riyan sa hapag-kainan ng masaluhan mo ang mga kaibigan mong kumain." Tango at ngiti ang ginanti ko kay Nanay Cho bago ako umupo sa harapan nila Luke at Lianna.

Tiningnan na naman nila ako ng masama at nakipagtitigan ako habang nakataas ang mga kilay, "Anong inaarte niyong dalawa?!" Inis kunyaring tanong ko.

Aba't hindi talaga nagsalita! Parang mga bingi lang ah!

"Isa!" Kapag nagbilang ako ay alam na nilang galit na ako.

"Sorry huh?!" Sarkastikong sabi ni Lianna na mas lalong ikinataas ng mga kilay ko.

Ganyan pala gusto niyo ah!

"Apology accepted." Nakakalokong sagot ko sa kanya na ikinabusangot ng pangit niyang mukha. "So anong plano niyo today?" Tanong ko para maiba ang usapan.

"Mall tayo," suhestyon ni Lianna.

"How about you?" Baling ko naman kay Luke.

"I can go with you guys and since sunday naman ngayon why don't we enjoy the whole day?" Luke suggested too kaya napangiti ako.

"Good idea. Magbibihis na ako magready na rin kayo," sabi ko at sabay silang tumango. "Ops.." pahabol ko bago umakyat ng hagdan. "Kotse ko ang gagamitin natin at hintayin niyo na lang ako sa garage," dagdag sabi ko pa saka ako tuluyan umakyat sa kwarto para magpalit.

FAST FORWARD

"Kain na muna tayo gutom na mga bulate ko." Nagrereklamo na naman ang patay gutom na si Lianna.

"Walang segundo minuto at oras na hindi ka gutom!" Inis na sagot nitong si Luke.

"Aba hoy, huwag kang kakain ha! Kapag nakita kitang kumain malilintikan ka sa akin damuho ka!" Nanggigigil na asik ni Lianna na umuusok pa ang ilong at tenga.

"Sa ganyan mo talaga pinapakita ang pagmamahal mo sa'kin dinadaan sa pananakit!" Luke retorted to her na mas lalong ikinainis ni Lianna.

"You!"

"STOP!" Pigil ko sa pagtatalo ng dalawa at masamang tingin ang ipinukol ko sa mga ito. "Kanina pa kayo pinagtitinginan ng mga tao!Kunting hiya naman para sa mga sarili niyo!" Inis na singhal ko habang palinga-linga sa paligid. Akala mo mga taga bundok magkalapit lang nagsisigawan pa.

"Kasi naman bess eh.."

Sinenyasan ko si Lianna na tumahimik dahilan para hindi matuloy ang sasabihin niya.

"Huwag na mag sisihan dahil pareho kayong mali. Mag bati kayo ngayon din!" Si Luke na ang unang humingi ng sorry at ang maarteng si Lianna naman ay todo pakipot pa kaya tinitigan ko siya ng masama.

Simula ng dumating kami sa mall wala na sila ibang ginawa kundi ang magbangayan. Aasarin ni Luke si Lianna at itong Lianna naman ay mapipikon. Bagay na bagay sa kanilang dalawa na tawaging aso't pusa at hindi na rin nakapagtataka na silang dalawa ang magkakatuluyan.

"Where do you want to eat?" I asked while staring at them.

"Mcdo/Jollibee" Magkasabay na sagot ng dalawa. For sure magtatampo ang isa kapag hindi sa Mcdo at magtatampo rin yung isa kapag hindi sa Jollibee. Tinitigan ko silang parehong na nag-iirapan sa isat-isa. "Chinese resto tayo," sabi ko na ikinalaki ng mga mata nila (hahaha.. isip ko 'yung tumatawa) "May angal ba?" Tanong ko sa mga ito na umiling lang. Kung ganyan ba naman sila palagi magkakasundo kami.

Just got home at dumeritso na ako sa kwarto ko. 'Yung dalawa umuwi na sa mga bahay nila. Nagpalit muna ako ng damit pantulog bago nahiga sa malambot kong kama.

Hindi ko na ikukwento ang iba pang nangyari dahil ang masasabi ko lang happy ako na kasama ko sila.

°°°

Happy reading to all.. Thank you!

Perfect Romance [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon