CHAPTER 5

1.3K 109 411
                                    


Yuan's Pov

Kanina pa ako naghihintay na umuwi ang kapatid ko na hindi ko alam kung saan lupalop nagsusuot. Madaling araw na pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya.

Kagaya niya hindi ko rin gusto na makasama siya sa iisang bubong, nahihiya lang talaga ako na tanggihan ang mga magulang namin. Napakalaki ng utang na loob ko sa mga magulang niya kung hindi dahil sa kanila wala sana ako sa kinatatayuan ko ngayon.

Sila ang naging dahilan nang pagkakaroon ko ng magandang buhay kaya gusto kong suklian ang kabutihan ginawa nila. Bukod pa roon minahal nila ako na parang totoong anak at ni minsan hindi nila pinaramdam na ibang tao ako kaya napakaswerte ko na sila ang kumupkop sa akin.

BEEP BEEP BEEP

Napatigil ako sa pagsesentimyento sa malakas na busina na nagmumula sa labas. Kaya sumilip ako sa bintana para makita kung kaninong sasakyan ang nagbubusina. Nagmadali akong bumaba nang makita kong kapatid ko ang nasa labas at may kasama pang lalaki na sa tingin ko ay kaedaran niya.

"Hey babe, can you walk by yourself?"

Babe? Oh, may boyfriend na pala ang kapatid ko.

"Of course, do I look like paralyzed to you?!"

Tss! Walang palya ang kasungitan.

"You can go now, ako na ang bahala sa kapatid ko." Pagtataboy ko sa lalaki nung makalapit ako sa kanilang dalawa. Nababagot ako panuorin at pakinggan ang walang kwentang usapan nila.

"Hi brother, why are you still awake? Did you wait for me?" Malamang dahil sa akin ka hinabilin ng mga magulang mo.

Lasing siya kaya hindi ko sinagot ang tanong niya.

"Luke!"

Tawag nito sa lalaki na agad naman lumingon sa kanya.

"Yes babe?"

Tsk!

"Ingat kayo ni Lianna sa pag uwi at sa pag drive."

"Yeah yeah, I'll be careful."

Aba't ngumiti pa talaga sa kapatid ko!

Oras na para tapusin ang usapan ng dalawang ito,"Let's go inside Vianne, it's cold here." Tumango lang ito sa sinabi ko. Bumaling naman ako sa lalaki, "Umuwi kana rin," hindi ko na hinintay na sumagot pa ito dahil pinasok ko na ang kapatid ko sa loob.

"Why are you doing this?" Biglang tanong ni Vianne pagkaupo nito sa sala.

"Doing what?" Tanong ko pabalik. "Ikukuha kita ng mainit na maiinom para mahimasmasan ka." Sabi ko bago pumunta ng kitchen para ipagtimpla ang mahal na prinsesa ng kape.

"Drink this," inabot ko sa kanya ang isang tasang kape na kinuha niya kaagad at ininom ng isang inuman lang. Hindi naman yun mainit kaya hindi siya mapapaso.

"Thanks," nakangiting sambit niya.

Damn. Hindi ka dapat ngumiti ng ganyan lalo't lalaki ang kasama mo sa bahay.

"Sit here," aniya na tinitigan pa ako at may nalalaman pang pa taptap sa tabi niya. "Ui, Yuki o Yuwei?"

Umupo ako ng medyo malayo sa kanya, "Yuan Y-U-A-N K-EN" Pagtatama ko at pinagdiinan ko pa ang bawat letra para hindi niya makalimutan.

"Dahil sa hindi naman kagandahan ang pangalan mo Ken na lang ang itatawag ko sa'yo." Natatawang sabi niya kahit walang nakakatawa.

Laitera! Hindi rin naman kagandahan ang pangalan niya.

Nakangiting napatitig ako sa mukha ni Vianne. Sa totoo lang napakacute niya kapag nagsusungit siya dahil pasimpleng sinasabayan niya yun ng pagnguso.

"Stop smiling, you look like a maniac!" Nakangusong sabi nito at mas lalo tuloy ako napangiti.

"Ang gwapo ko naman maniac," sagot ko at sabay gulo sa buhok niya.

"Ano ba!"

Ang arte talaga.

"Tutulog na ako," mahinang sabi niya kaya tinulungan ko siya makata-TSUP.

Parehong nanlaki ang mga mata namin sa gulat nang aksidenteng mapayakap at mapadikit ang labi niya sa labi ko.

Ako ang unang humiwalay sa yakap at sa kiss dahil kailangan ko pa siyang tulungan na makatayo.

Dug.. Dug.. Dug.. Dug.. Dug.. Dug..

Napakabilis ng tibok ng puso ko nung maghiwalay ang labi niya sa labi ko.

"Uh, sorry," nakayuko at nahihiya niyang sabi at saka nagmadaling umakyat sa taas.

Yeah, me too.

Madami na ang nahalikan ko pero hindi katulad ng nangyari kanina na parang may kuryenteng dumadaloy sa buong katawan ko. Simpleng halik lang yun sa labi pero kakaiba ang hatid na sensasyon sa akin.

°°°

Happy reading to all.. Thank You!

Perfect Romance [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon