CHAPTER 20

686 62 255
                                    

Yuan's Pov

Napabangon ako ng makita kong wala na si Vianne sa gilid ng kama. Napatingin ako sa bintana, mataas na ang sikat ng araw at wala ng ulan. Pinakiramdam ko ang aking sarili kung may masakit pa ba sa akin pero mukhang wala na. Napangiti ako sa isiping magaling ang nag-alaga sa akin dahil isang araw lang ay gumaling kaagad ako. Napa-unat ako ng katawan bago tumayo sa kama at naglakad patungong banyo para maligo.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako.

"Oh iho, magaling kana ba? Wag ka mo nang magkikilos baka mabinat ka." Salubong sa akin ni Nanay Choling.

"Magaling na magaling na nay, magaling ang nag-alaga eh." Pabirong sagot ko.

"Ikaw na bata ka! Tinakot mo kami lalo na ang kapatid mo. Halos ayaw ka niyang iwanan mag-isa, kaya siya na mismo ang nagpresintang bantayan at alagaan ka."

Natuwa ako sa sinabi ni Nanay Choling dahil kahit ubod ng sungit ang babaeng iyon ay may kabaitang naman pa lang tinatago at maalagain pa.

"Pasensya na kung pinag-alala ko kayo hindi na 'yun mauulit. Nasaan po ba si Vianne?" Pag-iiba ko dahil mukhang wala ito sa bahay.

"Ah! Sinundo ni Luke kaninang umaga. Hindi ko alam kung nobyo ba iyon ng kapatid mo dahil wala itong nababanggit sa akin."

Bahagyang nag-igting ang panga ko sa narinig. "Ganon ba? May nasabi ba sa inyo kung anong oras ang uwi niya?" Tanong ko.

"Mukhang gabi na ang uwi ng dalawang iyon kaya masanay kana sa kapatid mo iho."

Tsk! Masanay na lalaki ang palaging kasama? Palibhasa, spoiled brat! "Sige Nay Cho, ituloy niyo na yang ginagawa niyo." Napapabuntong-hiningang saad ko na tumalikod na sa kanya at pumasok sa kusina. Naabutan kong may nakahanda nang pagkain sa lamesa kaya umupo na ako at nagsimulang kumain mag-isa.

•••

Eksaktong ala-una ng madaling araw kong natapos pirmahan ang lahat ng papeles ng kompanya na dapat sana noong nakaraang gabi ko pa ginawa at tinapos. Napaunat ako ng katawan at napapikit ng mata pero napadilat din kaagad ng maalala ko si Vianne kaya tumayo ako at lumabas ng kwarto.

Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya at hindi nagtagal bumukas ito. Salubong ang kilay at nagtatanong ang mga mata nitong nakatitig ng diretso sa akin.

"Bakit gising ka pa? Bawal pa sa'yo ang magpuyat." Nakacross-arms na sabi niya.

What the?! Ano ko bata para bawal magpuyat? Nakalimutan ata ng babaeng ito ang pagitan ng edad namin dalawa. "Kauwi mo lang?" Kaswal na tanong ko. Gusto kong magtanong kung saan sila nagpunta ng lalaking iyon pero baka masamain at magalit pa kaya mas mabuting huwag na lamang banggitin.

"Mm! Nagyayang mag bonding si Lianna kaya pinagbigyan ko na." Paliwanag niya na para bang nababasa ang laman ng isip ko.

"I see.."

"Mm.."

"By the way, thank you for taking care of me."

"Wala 'yun," mabilis niyang sagot. "Gusto mong pumasok?" Sinenyas niya ang loob ng kwarto kaya tumango ako.

Hinila ko siya sa loob at sinarado ang pinto saka ko siya niyakap ng mahigpit. Pakiramdam ko isang linggo kaming hindi nagkita, kahit ang totoo nakita at nakasama ko siya kahapon.

Ramdam ko ang pagyakap ng braso niya sa likod ko kaya napangiti ako. "Sorry kung pinag-alala kita," sambit ko na siniksik ang ulo ko sa leeg niya.

Humigpit ang yakap niya. "Tinakot mo ako, akala ko napano kana! Wag mo nang uulitin 'yun dahil hindi na kita aalagaan pa." Napangiti ako ng todo dahil lumalabas na naman pagkamasungit niya.

"Hindi ko maipapangako pero tatandaan ko ang sinabi mo." Humiwalay siya sa yakap at pinitik ang ilong ko.

"Mabuti naman dahil lahat ng pangako ay napapako."

"Kaya nga hindi ako nangako eh."

"Good. So, what are we?"

Natigilan ako sa direktang tanong niya. "Anong what are we?" Of course, alam ko ang sinasabi niya, gusto ko lamang ng kumpirmasyon mula sa kanya.

"Tayo, ano tayo? Gusto mo ba maging tayong dalawa?" Nakangising tanong niya na tinuro pa ako at ang sarili niya. "Ikaw at ako.." mapang-akit na bulong niya sa tenga ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinawakan ko ito sa batok at kinabig palapit sa akin at saka marahang hinalikan sa labi. Tumugon ito sa halik ko kaya ikinawit ko ang dalawang braso niya sa leeg ko. Mapanuksong kinagat ko ang ibabang labi niya at ramdam ko ang pag ngiti nito. Napakapilya!

Nakangiting humiwalay si Vianne sa halikan namin dalawa. Pinagdikit niya ang ilong namin at saka sabay na pumikit. Napakabilis ng pangyayari. Hindi tuloy ako makapaniwala kung nangyayari ba talaga ito ngayon.

°°°

Thank you for reading po! See you next chapter mwah:)

Perfect Romance [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon