CHAPTER 9

971 83 438
                                    

Lianna's Pov

Nandito ako ngayon sa cafeteria, hinihintay na dumating ang dalawa kong kaibigan. Kalahating oras na ako nakaupo rito at ni umorder ay hindi ko pa magawa dahil hinihintay ko nga silang dumating para sabay-sabay kaming kakain.

"Five more minutes," sambit ko nang makaramdam na ako ng pagkainip.

Tumingin ako sa relos kong suot saka sa entrance nitong cafeteria at may dalawang minuto pa silang natitira.

Sa dalawang minuto, nilibang ko ang sarili ko sa pagtingin sa mukha ko sa maliit na salaming dala ko. "Ang ganda ko talaga," nagpacute pa ako bago ko tinago ang salamin sa bag ko.

Muling tumingin ako sa entrance at wala pa rin sila, "Paano nila nagagawang paghintayin ako ng ganito katagal?" Inis na bulong ko.

Akmang patayo na ako nang may biglang kumalabit sa akin mula sa likuran ko. Humarap ako para makita sila.

"Are we late?" Sabay na tanong ng dalawa. Sa halip na sumagot ay sinamaan ko sila ng tingin.

"Sorry na, traffic kasi eh." Si Vianne.

Magsasabi na lang ng sorry hindi pa bukal sa loob niya. Hindi pa rin ako sumagot. Manigas sila!

"Hey, galit ka ba?" Nakangusong tanong ni Luke.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Ano bang nakikita mo?" Inis na sabi ko.

"Nakikita ko ang pangit mong awra."

Awtomatikong binatukan ko si Luke sa sinabi niyang iyon.

"Aw!"

"Aw-aw mo mukha mo! Kung hindi dahil sa inyo hindi papangit ang awra ko!" Singhal ko na muli ko na namang babatukan pero nakailag ang loko.

"Bleh! Kala mo ha. Bakit ka ba nagagalit samantalang nakaupo ka lang naman, ah?"

"Ha! Kung ikaw kaya ang paghintayin ko ng matagal matutuwa ka ba?! Ha?! Sagot!"

"Lianna," Mariing tawag ni Vianne sa pangalan ko na seryosong nakatingin sa akin.

"Oh?!" Galit kunyaring tanong ko.

"Anong inaarte mo?!" Ang kaninang seryosong tingin ay napalitan ng mataray na tingin.

Tinaasan ko siya ng kilay at saka nagcross-arms sa harapan nila. "Wow?" Namamanghang ani ko. "Wala ba akong karapatan magreklamo, magalit, mainis o mabadtrip man lang? Kayo lang ba dapat? Ako hindi pwede? Ganoon ba 'yun?! Nasaan ang hustisya?! Nasaan?!" Mukhang napasobra ang nasabi ko pero wala akong pakealam. Sa galit ako eh, bakit ba?

"ANG OA MO!"

Napanganga at nanlaki ang mga mata ko sa sagot ng dalawa kong magaling na kaibigan. Ang haba ng sinabi ko tapos iyon lang ang sasabihin nila? "Oa, ako?" Tanong ko na tinuro ko pa mismo ang sarili ko.

Sabay pa silang tumango, "Sobra!"

Oa ba talaga ako? Parang hindi naman eh.

"Wag ka nang mag-isip, wala ka naman isip." Pang-asar pang banat ni Vianne.

"Pfftt.."

"Subukan mong ituloy yan," banta ko kay Luke na dinuro ko pa ang bibig niya. Kaya naman umasta siyang sinirado ang bibig niya. Nilipat ko ang paningin kay Vianne na parang boryong-boryo sa kadramahan ko. "Duh! May utak ako kaya may isip ako. Paano ko ba kayo naging kaibigan? Mga walang puso!" Angil ko pa rin.

"Tsk! Mag order kana, gutom lang yan."

Ang pangit talagang bumanat ng babaeng ito palaging wala sa timing! Kainis! Ang kapal pa ng mukha! Kung makautos sa akin akala mo utusan niya ako.

"Baldado ka ba?" Banat ko rin na ikinasama ng mukha niya.

Ganti-gantihan lang yan mga bess.

"Ako na ang mag oorder babe. Anong gusto mong kainin?" Malambing na tanong ni Luke kay Vianne.

Napangiwi ako sa isiping na walang pag-asa ang isang ito kay bessy.

"Kahit ano basta nakakain."

"Gusto mo ako na lang?"

Napaubo ako sa walang kwentang banat ni Luke. Literal na inubo talaga ako kaya naman nang tumingin ako sa direksyon nila ay masama ang tingin sa akin ni Luke. "Oh, anong tingin yan? Sa inubo ako eh, hindi ko mapigilan." Pigil tawang sabi ko at sabay iwas ng tingin sa kanila.

"Sige na mag order ka na Luke."

"Okay."

Tumikhim ako, "Cafe latte and 'yung pinakamasarap na cake ang akin, ha."

"Mag order kang mag isa mo!" Asik ni Luke bago kami talikuran.

"Ang sama ng ugali nito," mahinang singhal ko.

"Pwede bang umupo kana," sita ni bess sa akin kaya umupo ako sa tabi niya.

Pero maya-maya'y lumapit ako at bumulong sa kanya, "May nangyari bess?"

"Ano ba?!"

"Ang sabi ko kung may nangyari ba kako?" Ulit ko.

"Ano naman mangyayari?" Parang naiinis pang tanong niya.

"Mamatay ka nang letche flan ka! Sarap mong kausap eh 'no?" Angil ko at sabay nguso.

"Kung ikaw ang patayin ko?!"

"Joke lang naman," nag peace sign ako sa harap niya. "Eh, kasi naman ang tamlay mo kaya ng dumating ka. Nag-aalala lang naman ako sa'yo, tsaka bakit magkasama kayo dumating nung kunehong 'yun?" Tinapunan ko pa ng tingin ang direksyon ni Luke.

"Ang ingay mo!"

"Grabe," yan na lang ang nasabi ko.

Nag-aalala talaga ako kay bessy saka ang gusto ko lang naman ay magsabi siya sa akin. Para kung may pinagdadaanan man siya ay matulungan ko at mabigyan na rin ng pamatay na payo. Hindi 'yong ganito, ano pa't naging mag best friend kami kung maglilihiman lang din naman pala sa isa't-isa di'ba? Hayhay, buhay nga naman!

°°°

See you next chapter mwah! Keep supporting my story, alright?

Perfect Romance [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon