"WHAT?!" Gulat na tanong ko habang nag palipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Nakakaramdam na rin ako ng sobrang pagkainis. 'Yung sabihin nila na may kapatid kuno ako ay matatanggap ko pa. Pero ang tumira sa iisang bubong kasama ang ampon nila ay hindi ko na iyon matatanggap. At kahit gustohin ko man magalit sa mga oras na ito ay hindi ko magawa dahil hindi angkop ang lugar na ito sa ganitong usapin pampamilya.
Saglit akong tumalikod sa kanila para huminga ng malalim at pakalmahin ang sarili bago ako muling humarap at tumingin ng sersoyo sa mga magulang ko. "Wala ba siyang condo?" Pigil ang inis na tanong ko. Ayokong isipin nila na hindi ko gusto ang ampon nila. Which is true na hindi ko talaga ito gusto!
"Anak, gusto lang namin ng daddy mo na magkakilala kayo kaya nagpasya kami na pansamantala sa bahay na muna tumira ang kuya mo." Kalmadong pagpaintindi ni mommy. At kapag siya na ang nakiusap awtomatik na lalambot ang puso ko.
"Okay mom," sobrang labag sa loob na pagsang-ayon ko. Ayoko na rin makipagtalo at magmatigas pa sa kanila dahil hindi rin naman ako mananalo.
•••
Prente akong nakahiga sa kama habang nag-iisip ng mga importanteng bagay at hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na kasama ko ang ampon na iyon sa iisang bubong.
Teka nga! Bakit ko ba ini-istress ang sarili ko sa lalaking iyon?! Kung tutuusin walang mawawala sa akin kung dito titira ang dumuhong iyon! Ano ba naman kasi itong inaarte ko at may gagalit-galitan pa kong nalalaman! Letse! Makatulog na nga!
Nagising ako sa tawag ni Lianna kanina dahil nagyaya si Luke na mag bar kami. So heto ako ngayon naghahanap ng maisusuot. Kung tatanungin niyo naman kung kumusta kami ng kuya ko kuno ay madalang kami magkita at kung magkita man ay ngitian lang ang way namin. Syempre ka-echoosan ko lang ang ngiting iyon, napaplastikan nga ako sa sarili ko kapag ginagawa ko iyon. Tsaka sa kanya pinagkatiwala ni daddy ang business namin dito sa pilipinas dahil ang magaling kong mga magulang pagkatapos nilang ibunyag ang long-long years secret nila ay bumalik kaagad sa america. Oh, 'diba napakagaling.
Nakabihis na ako, simpleng black ripped jeans and white fitted sando with matching black leather jacket ang outfit ko. Mas komportable ako sa ganito kaysa mag suot ng bistida.
Sumulyap muna ako sa salamin bago bumaba. Hinayaan ko lang nakalugay ang mahaba kong buhok na kulot ang dulo. Hindi rin ako naglalagay ng kung ano-ano sa mukha like make-up or etc dahil liptint lang kabog na.
Bumaba na ako dahil baka ratratin na naman ako ng bunganga ni Lianna kapag nahuli sa oras ng usapan namin tatlo. From the love of heaven ay bigla akong napahinto sa paghakbang ng may isang gwapong nilalang na este na may isang pangit na lalaking nakatayo sa gilid ng pinto. At para hindi mahalatang na amaze ako sa kapangitan niya ay pasimpleng dinaanan ko lang siya, kunware hindi ko siya nakikita.
"Where are you going?" Tanong nito nang palabas na ako sa pinto.
"Hanging out with friends," tipid kong sagot na hindi tumitingin sa kanya.
"Take care!"
"Yeah, thanks." Sagot ko bago ako lumabas.
Wala pang isang oras nang dumating ako sa bar. Siniguro ko na naka-locked ang pinto ng kotse ko bago pumasok sa loob.
Papasok pa lang pero naaamoy ko na ang samut-saring amoy na hindi maipaliwanag. Sa dami ng nagsasayawan at inuman hindi ako makahanap ng daraanan at kailangan ko pang itulak yung ibang nakaharang para makadaan lang.
Nakita ko naman agad ang table nila Lianna kaya lumapit ako sa mga ito. Nagbeso kami sa isa't-isa bago tuluyan umupo.
"Am I late?" Tanong ko.
"No babe," Luke retorted.
"Anong drinks mo bess?"
"Whisky," sapat lang ang tama sa akin niyan, super light inumin.
Umalis na yung dalawa para kumuha ng maiinom. Hindi ako palainom ha, gusto lang namin mag enjoy na mag babarkada. Nakakamiss din kasi ang ganito na wala kang iisipin na problema lalo na sa lovelife dahil wala naman ako niyon.
"Hey babe," si Luke na sabay lapag sa table ng drinks na kinuha nila.
"Wui bess, nagpaalam ka ba sa kuya mo?"
"Nah, why would I? Besides we are not siblings!" Diin kong sabi.
"Kdot. Kailan mo kami balak ipakilala sa kuya mo? Malay mo siya pala ang future husband ko." Taas din ng pangarap ng bruhang ito. Kumikislap-kislap pa ang mga mata niyan habang sinasabi ang katagang future-husband-ko hindi man lang kinilabutan.
"Ambisyosa!" Sabay na sabi namin ni Luke na ikinatawa pa namin pareho kaya sinamaan kami ng tingin ng bruha.
"Don't pout you look like a monkey." Luke said to Lianna na mukhang nainis sa narinig.
"Nakakita ka na ba ng monkey na nakapout?" Inis na tanong ni Lianna.
"Oo, kaharap ko pa." Nakakalokong sagot nitong si luke na pinaghahampas ngayon ni Lianna.
"Baka kayo magkatuluyan niyan," mapang-asar na singit ko kaya napatigil si Lianna sa kakahampas kay Luke.
"NO WAY!" They said in unison.
"See? Meant to be nga kayo." Sabi ko pa sa mga ito. Suss! Mga in denial, obvious naman na gusto nila ang isa't-isa.
"Lasing ka na bess?"
"No, I'm not." Duh! Ako malalasing? Sanay ako sa inuman pero natatamaan din naman ako ng pagkahilo.
"Are you sure babe? Namumula na kasi ang mukha mo eh."
"Don't worry, ayos lang ako." Sagot ko kay luke.
Naparami na rin ang inom ko at si Lianna naman ay lasing na. Kanina pa niya kinukulit si Luke na halatang iritable na sa ginagawa niya.
Okay, umiikot na ang paningin ko. Masasabi ko bang lasing na ko o tipsy lang? Lasing na nga ata ako dahil medyo naduduling na ang paningin ko. "Hey Luke, would you be able to drive us home? I can't drive." Pag-amin ko dahil hindi talaga ako nagmamaneho kapag ganito ang lagay ko.
"Sure babe, unahin natin ihatid ang isang 'to." Turo niya kay Lianna at nag thumbs up lang ako bilang sagot.
°°°
Happy reading to all.. Thank you!
BINABASA MO ANG
Perfect Romance [COMPLETED]
Storie d'amoreYou are the best meaning of perfect romance my love.