OUR ROADS WILL CROSS AGAIN
Chapter 43
Kapwa pa napatingin sa isa't isa ang dalawa ng mabasa ang bilin ni Armiya sa kanila. Lalo na lamang na napadalangin ang dalawa na sana ay di sila ang mapagtuunan ng galit mamaya ng sinumang magtatangkang maghahanap sa big boss.
Ilang oras na walang may nagtanggang gumambala kay Armiya sa loob ng kanyang opisina. Matapos nyang palayasin si Galen at pagbilinan ang dalawang nasa labas ng kanyang office ay seryoso nyang itinutok ang buong atensyon sa kanyang trabaho ng araw na iyon.
Nang muli syang magtaas ng tingin ay tamang tama lunch time na kaya tinawagan nya ang assistant para magpaakyat ng pagkain galing sa cafeteria ng kompanya.
Ilang sandali pa ay nakarinig sya ng mga katok sa labas noon. Sa pag-aakalang ang assistant iyon ay balewala nyang pinagbuksan ang nasa likod ng pintuan.
At gayon na lamang ang kanyang pagkagulat ng biglang tinulak ng taong nasa labas ang pinto na hawak nya sabay pasok sa loob ng kanyang opisina ng walang pasubali."What the hell ?!"napapamurang bulalas nya sa taong pumasok.
Nang mabistahan ang mukha ng taong basta na lamang pumasok sa loob ng kanyang office ay lalo lamang syang nangalit-bagang at galit itong hinarap.
"What are you doing here?"aniya sa pagitan ng galit at panggigilas."Huh! You dare to ban me to enter your office!"anitong umuusok sa galit matapos nitong isara ang pinto ng kanyang opisina. Magkaharap na silang dalawa sa gitna ng kanyang malawak na opisina.
Di na sya nag-abala pang paupuin ito sa upuang nasa loob ng office nya dahil di rin nman ito magtatagal roon!
"At bakit Hindi? I have the right to do so! This is my personal space. Whoever I want to ban here is my right! "Nakataas-noong saad nya rito na di nagpatinag sa galit ng lalaki sa kanya."Oh?it's that so now, Madam?"anitong mino-mocked sya.
"Why are you here? "Tanong nyang di pinansin ang pasaring nito sa kanya bagkus ay tiningnan nya ito ng masama.
"Well, I wanted to see you myself that's why I'm here!"pagkasabi noon ay mabilis itong maupo sa mahabang sofa na nasa loob ng kanyang opisina. Pagkatapos ay nakangiting pinagkrus nito ang isang paa sa pagkakaupo roon. May maganda itong ngiti sa mga labi ng tiningnan nya ito muli. Wala na sa mukha nito ang inis at galit na nakalarawan roon kanina ng pumasok ito sa loob.
Di sya gumalaw mula sa kanyang kinatatyuan. Naroon lamang sya at nakasunod ang tingin sa mga kilos ng lalaking pinabanned nya!
"Well, I don't wished to see you Mr. Right now, you seen me already. I think it is time for you to leave my office!"aniyang medyo pinaamo ang mga boses para sundi sya nito.Ngunit walang kwenta iyon sa lalaki dahil tiningnan lamang sya nito mula ulo hanggang paa. At huminto iyo sa kanyang mukha matapos sya nitong sinuyod ng tingin ang kanyang kabuuhan.
Nakasuot sya ng all white office attire. Tanging shoes lamang ang itim sa kanyang suot. Nakalugay ang kanyang mahabang buhok na nilagyan nya ng isang pares ng silver clip sa malapit sa kanyang tenga. Wala syang ibang accessories maliban sa kanyang suot na white watch sa isang kamay.
Pagkaraan ng ilang sandaling pagtitig nito sa kanya ay nakita nya itong napatayo mula sa kinauupuan nito. At naglakad palapit sa kanya ng unti unti. Kaya naman ay awtomatik syang napahakbang paatras ng di nya namamalayan.
Ilang hakbang lamang ang kanilang distansya, kaya ng makitang patungo ito sa kanya ay mabilis syang nataranta. Hanggang sa tumama ang kanyang likuran sa wall ng kanyang office. At wala sa loob na nakorner sya nito sa wall na nasa likuran nya lamang. Mabilis ang kilos nito kaya kahit anung bilis nyang kumilos ay nalalamangan pa din sya nito.
BINABASA MO ANG
OUR ROADS WILL CROSS AGAIN
Romance#1-pursuit #2-takingchances #2-domineering #5-quarrel #7-annoying Armiya got pregnant at the age of 18. Due to her mom working in Canada as a company chef. She decided to apply on her own and follow her after she graduated from high school. Without...