Thirteen

102 6 0
                                    

Chapter 13





Pagbaba ni Zac sa lower deck kung saan naroroon ang men's toilet. Ay di nya na nakita pang muli ang dalawang sinusundan ng hanapin nya ang mga ito.

Nawala na lamang basta ang dalawa. Marahil pumasok ang dalawa sa isa sa mga private rooms doon sa baba.

Nagpalakad lakad Sya sa ibang bahagi ng barko at pilit na hinanap ang dalawa. Ngunit di nya na mahanap pa ang mga ito roon. KaYA laking dismaya syang napabalik sa kanilang mesa ni Selene.

Hanggang sa bumaba sila ay di na muling nakita pa ni Zac ang dalawang hinahanap.

Nang sumunod na araw ay muli syang nagpabalik-balik sa lugar kung saan nakadaong ang barkong pinagkainan nila. Tanging information lamang sa pag-o-operate ng resto-ship ang nakalap ng kanyang mga tauhan.

At naka disclose ang anumang information ng mga customers at ng may-ari noon. At ang ikinamangha nya pang lalo ay ang walang regular na mga crews na nagsisilbi sa barko.  Maliban syempre sa Capitan noon. Lahat nakatikom ang mga bunganga ng mga taong may related sa floating restaurant na iyon.

Kaya nman lalo syang naging curious sa bagong restaurant na kanilang kinainan. Wala daw nakakaalam ng may -ari noon. Pero ng magbagong bukas iyon ay trabahante ng Golden Hill Company ang unang customers ng naturang restaurant.

So, it means connected ito sa nasabing kompanya. At kilala nya ang isa sa mga may matataas na position ng nasabing kompanya.

Sa  pagkakaalam nya ay widow na ang may-ari ng naturang kompanya ayon sa kanyang pinsan. Ngunit walang nakakakilala sa kanya o mass tamang  sabihing wala pang nakakitang mga regular employees ng kompanya sa widow ng yumaong Chairman ng Golden Hill company.

Maraming speculation na matanda na ito at May iba ding nagsasabi na napakabata pa nito.
Kahit nman nakita ng mga tauhan ng kompanya ang babae. Ay di agad agad mag-di-disclose ng information ang mga tauhan ng kompanya. Dahil sabi ng husband ng pinsan nya ay may private agreement  ang lahat ng empleyado ng kompanya na huwag maglabas ng anumang information tungkol sa may- ari  noon.

So, lahat ay curious malaman kung Sino ang biyudang may-ari ng nasabing malaking kompanya.

Dahil nasa  tabi ang barKo ay malaya syang nagmasid roon.
Nasa malapit lamang Sya ng manila bay. Dito pinapaakyat ang mga customers ng barko papunta sa harapan ng mall of Asia.

Ilang sandali pa syang nag-abang at nagbabakasakaling makikita muli ang babae roon kahit alam nyang walang kasiguraduhan iyon.

Pangalawang pagkakataon na ang kanyang pinalampas. At sa muli nilang pagkikita ay di nya na ito papalampasin pang muli. Kinakailangan gumawa sya ng hakbang para magkaharap silang dalawa.

Nang mga sandaling iyon ay may pumaradang sasakyan sa di kalayuan at bumaba ang babaeng may suot na floral dress na walang sleeves.
Nililipad ng hanging dapat ang mahaba nitong damit.
Nakaflip-flop lamang yapak nito sa paa. At ang buhok ay nakabun ng higher sa ulo nito.

May simple na make-up sa mukha at isang simpling earrings sa tainga. Na lalong nagpalutang sa natural nitong ganda.

Bigla syang binundol ng kaba at nakaramdam ng excitement sa kanyang dibdib kaya nman ay napatingin sya sa kanyang paligid.

At nakita nya ang babae na mabilis na naglalakad patungo sa kanyang direksyon. Muling napasikdo ng malakas ang kanyang puso. Halong bumilis ang pintig ng kanyang puso habang napatitig Sya sa direksyon ng papalapit na babae na bahagyang nakayuko. Natuon ang tingin nito sa nilalakaran nito. Kaya  di nya masasalubong ang tingin ng babae. Papaano sya nito mare-recognized?

' I thought I won't even see you again here! Luck is really on my side this time.'ang nausal nya sa sarili kahit may kunting disappointment sa mukha.

Lumampas lamang ang babae sa kanyang tabi at langhap nya ang mabango nitong gamit na pabango. Di nya napigilang huwag mapapikit ang mga mata ng malanghap ang bango nito. Nanghinayang nag lang sya na di ito napasulyap sa kanyang tabi ng dumaan ito. May kausap kasi ito sa phone kaya di ito nag-abalang tumingin sa paligid nito.

"I want you to make sure it will deliver on time before the boat sail off! No! Tell him to be here at the exact time we agreed on! If not he better hides in whichever cave he wanted to hides himself or else! Don't blame me!"anito sa kausap ng lampasan Sya nito.

Tila sya natuka ng ahas ng mapadaan ito sa kanyang tabi. Pagkalipas ng ilang Segundo ay mabilis syang napahabol rito ng mabalik sya sa reyalidad.

"Miss! Excuse me!"malakas ang tinig na agaw-pansin nya sa atensyon ng babae.
Ngunit tila di sya nito naririnig na nagpatuloy lamang sa paglalakad. Kaya mabilisan syang napatakbo sa harapan nito sabay harang  sa daanan  ng babae.

"Excuse me?!"ang nagulat nitong saad sabay napahinto sa kanyang harapan. Muntikan na itong sumubsob sa kany ang katawan kung di ito mabilis na nabalanse ang katawan.

Kasabay niyon ay naputol ang pag-uusap nito at ng nasa kabilang linya dahil sa kanyang ginawang hakbang na nagpagulat sa babae.

Napahigpit nman ang pagkakahawak ni Armiya sa kanyang phone.
Isang  hakbang lamang ang pagitan nilang dalawa at masusubsob na sana sya sa katawan nito mismo kung di lamang sa mabilis nyang reflexes kanila. Napataas sya ng tingin rito at sandaling pinadaanan ng mata ang mukha ng malaki. Pagkatapos ay malamig nyang tiningnan ito kasabay ng  hihintay naagpaliwag ito kung anu ang kailangan nito sa kanya. At kung bakit sya nito hinarang na lamang basta.

Natameme si Zac ng nagsalita ang babae. Tila nabato-Balani na lamang ito sa harapan ni Armiya. Kaya napataas ang kilay ng babae rito. At may inpatient na muling pinagsabihan ito.

"Excuse me, Mr? Nakaharang ka  sa daraanan ko!"May malamig nyang saad rito sa naiinis na tinig. Lalo lamang nadagdagan ang kanyang iritasyon ng makitang walang katinag tinag na nakatitig pa rin sa kanya ang lalaki na biglang sumulpot sa kanyang harapan!

Ilang segundo ang lumipas ay patuloy lang na nakatitig sa kanya ang lalaki kaya nman umalsa na ang kanyang tinitimping galit rito.

"I think he's not on earth right now!  His soul might not in his body at this moment!"wala sa loob na murmur nya sabay humakbang patagilid upang lampasan ito. Ayaw nyang masira pang lalo ang kanyang araw ng hapong iyon!

Subalit laking gulat nya pa ng bigla na lamang sya nitonģ hinawakan sa isang braso.
"You don't remember me? You don't recognize me anymore? "Ang mga katagang lumabas sa bibig nito.

Nagsalubong ang mga kilay na napatingin sya sa lalaki ng pumasok sa pandinig ni Armiya ang sinabi nito. At napakunot noo syang napatitig sa mata nito kung nagsasabi ito ng totoo.
Sanay na sya sa gabing approach ng mga lalaki kaya di na unusual sa kanya ang gabing eksena.

OUR ROADS WILL CROSS AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon