Chapter 12 *Sentinel Exam*

787 36 3
                                    

Papunta na sa opisina ni Examiner Harris sina Desiree nang may maisip siyang itanong. ""Oo nga pala Biel... kung si Tom, nullification ang kapangyarihan, ano yung sayo?"

"Tinatawag yon na mimicry," mabilis na sagot ni Biel. "Physical mimicry," dagdag niya. Siya ang nangunguna sa paglakad. Nasa likuran niya sina Desiree at Tom.

"Ibig bang sabihin non, kaya mong mangopya ng tao? Puwede mo ba iyong ipakita sa kin?" hamon ni Desiree.

"Hinde!" bulalas ni Biel.

"Bakit naman?"

"Nitong mga nakaraang araw, sa tuwing gagamitin ko ang kapangyarihan ko nanghihina ako—-dahil kay Tom."

"Ano namang kinalaman ni Tom?"

Sa tono ni Biel ay parang hindi nila kasama si Tom. Tuloy- tuloy lang siya sa pagsabi ng mga hinanakit.

"Ako ang sentinel ni Tom, kaya naman nakadepende ako sa kapangyarihan niya, pero dahil nga makasarili ang kapangyarihan niya, wala itong magawa para sakin," reklamo uli ni Biel.

            "Teka... sinasabi mo ba na dumidepende ang mga sentinel sa master nila para maging malakas?" tanong ni Desiree.

"Yung mga normal na sentinel hinde. Pero kaming mga pinili ng reyna, oo!" sabi ni Biel, sabay tingin kay Tom. "Hay..." Napabuntong hininga siya. Kasunod noon ang paghinto niya sa paglalakad. Humarap din siya sa lalaki. "Sige, Tom... uuwi na ko. Hindi ko kasi talaga maisip kung bakit kailangan kong tulungan ang babaeng yan." Itinuro niya pa si Desiree.

Ngumiti si Tom bago lumapit at bumulong sa kanya. "Sige... ganito na lang... kapag tinulungan mo ko, ipakikilala kita sa tatlong seksing babae."

"Tatlong seksing babae?" Napangisi bigla si Biel at saglit pa'y nabuhayan ng loob. "O sige na nga... sasamahan ko na kayo." Mabilis nagbago ang pasya niya. Pero dahil sa sinabi niya, nagkaroon din ng katanungan si Desiree.

"Alam mo Tom, nagtataka rin ako... Bakit mo ba ko tinutulungan?" naisip niyang itanong.

Tumingin lang sa kanya si Tom, isang malalim na tingin. "Ang totoo kasi niyan... kapag nabigyan mo ang shadow prince ng North Village ng sentinel, ang kabayaran ay katumbas ng tripleng allowance ng isang original prince sa loob ng isang buwan," sabi ni Tom, sabay kindat pa.

"Teka... Ibig mong sabihin, ginagawa mo ito para sa pera?"

Tumango si Tom.

Bago pa ba yon? Ano pa nga ba ang aasahan ni Desiree? Mukhang hindi pa rin nagbabago si Tom—-mukhang pera pa rin ito.

Pero di bale na. Ang mahalaga makakasama naman niya ang kapatid niya.

 ***

Ilang saglit pa, narating na nila ang opisina ng examiner.

Maliit. Kalbo. May malaking mata at ilong. Iyon ang itsura ni examiner Harris.

"Kung gayon, pinayagan ka pa lang kumuha ng one-day exam para maging sentinel," sabi niya matapos makita ang tatak sa kamay ni Desiree.

Kiss the PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon