Chapter 36 * Goodbye*

754 37 1
                                    


Kailan lang naman nagkakilala sina Desiree at Tom. Sa natatandaan niya una niya itong napansin nang tulungan siya nito ayusin yung mga nagsabog niyang gamit.

"Salamat," sabi ni Desiree.

Isang malamang ngiti ang ibinigay sa kanya ni Tom. Doon na niya napagtanto na mahilig sa pera ang lalaki.

Pero nag-iba ang pagkakakilala niya sa binata nang makasama niya ito sa Akaba.

Naging malapit sila kaya naman mabigat sa puso niya na wala na ito.

Humihikbi pa rin si Biel.

Nakasapo naman ang mga palad ni Desiree sa kanyang mukha. Siya rin ay hindi maitigil ang pag-iyak. Nasa likod niya si Prince Xavier. Aminado ito na hindi sila naging malapit ni Tom, kaya nagtataka siya kung bakit nasasaktan din siya sa pagkawala nito.

"Ang mabuti pa, umuwi na tayo..." sabi ni Monmon. Gusto na niyang matigil ang nasasaksihang iyakan----hindi dahil ayaw niyang makisimpatiya kundi para makapagpahinga na sila at mabigyan ng desenteng libing si Tom. Kahit kailan hindi sila naging malapit ng shadow prince na ito, pero hindi ibig sabihin ay masaya siya na wala na ito. Nalulungkot din siya.

"Aaah!" napasigaw si Chad. Naiinis siya. Naiinis siya dahil wala siyang nagawa para mailigtas si Tom.

"Kamahalan..." Si Sapiro. Alam niya ang nararamdaman ng kanyang master.

Maging si Ochan at ang iba pa ay katulad din naman ni Chad ang naiisip. Namatay si Tom dahil sa kakulangan nila sa kakayahan.

"Sige... umuwi na tayo..." biglang sabi ni Biel. Sa puntong yon, huminto na siya sa pag-iyak. Humarap siya sa lahat taglay ang magandang ngiti.

"Hindi gusto ni Tom ang mga madramang eksena kaya tama na ito."

Ang sinabing yon ni Biel ang nagpatunghay kay Desiree.

Sa kabilang banda, naayos na ni Prince Benjamin ang problema sa mga nagkakagulong mamamayan. May duplicate din si Prince Benjo na dumating para magpaalam sa kanya sa mga nangyari sa palasyo.

***



Gumawa si Ochan ng espesyal na sisidlan mula sa mga Kristal para paglagyan ng katawan ni Tom.

"Patawad sa kaguluhan na nangyari. At salamat. Salamat sa tulong nyo," nakayukong sabi ni Prince Benjo. Yumuko rin ang sentinel niya.

Si Monmon lamang ang tumugon sa kanila. Hindi pa rin kasi makapaniwala ang lahat sa pagkawala ni Tom.

"Tayo na..." sabi ni Prince Xavier.

Paalis na sila nang biglang magliwanag.

Napahinto ang lahat nang dahil sa liwanag na iyon.

"Ang mahal na reyna..." sambit ni Onyx matapos makita si queen snow na nakalutang sa alapahap.

"Kamahalan!" sabay-sabay nilang nasabi.

Tiningnan ng reyna ang Kristal na pinaglagyan kay Roro. Hawak iyon ni prince Benjo.

Sa isang kumpas ng reyna ay bigla nang napunta sa kanya ang lagayang iyon.

"Ako na ang magtatabi nito," sabi niya.

"Kailangan nyo siyang parusahan!" mataas na tonong sabi ni Biel. "Dahil sa kanya namatay ang master ko!" dagdag niya.

"Namatay?" ulit ng reyna sabay tingin kay Tom. Nakita niya nga na nakahiga ito at tila wala nang buhay. "Nagawa niya palang pabagsakin si prinsipe Tom."

Napakunot ng noo si Prince Xavier. "Yan lang ba ang sasabihin mo? Patay na si Tom. Patay na ang pinsan ko!" giit niya. Hindi niya kasi nagustuhan ang sinabi ng reyna. Tila ba wala itong pakiramdam. Hindi man lang ba ito nalungkot sa pagkawala ng isa sa mga prinsipe na pinili niya?

Kiss the PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon