Chapter 13 *Five steps*

683 34 1
                                    

Hindi sigurado si Desiree, pero sa tingin niya kaya ni Biel talunin ang dragon.

"Hindi puwede si Biel." Binasag agad ni Tom ang iniisip niya. "Sa tingin ko hindi makakatulong ang kapangyarihan niya para talunin ang dragon."

"Gaun ba... Eh ikaw?" 

"Ako?"

"Tama!" Napapitik pa ng daliri ang dalaga. "Diba mag-nullify... ang kapangyarihan mo? Bakit hindi mo na lang i-nullify ang kapangyarihan ni examiner Harris para mawala bigla yung dragon."

Napataas ng kilay si Tom. "Ibig mo bang sabihin, okey lang na halikan mo ko?"

"Eh?" Natigilan si Desiree.

Pumikit-mulat pa si Tom. *__*  "Alam mo kasi virgin pa ang mga labi ko, at hindi rin ako masyadong magaling humalik."

"Ano bang sinasabi mo dyan?"

"Hehe, biro lang." Nagumiti siya nang malaki at nag-peace sign pa. "Ang ibig kong sabihin kahit ako ang halikan mo, balewala rin dahil hindi tumatalab sa akin ang kahit anong kapangyarihan."

            "Oo nga pala..." Bumaba ang tingin ni Desiree. Saglit pa siyang nag-isip. "Kung hindi kayo puwede ni Biel... eh sino?"

 "Dapat yung puwedeng umatake!" singit ni Biel.

"Puwedeng umatake?" Natigilan si Tom. "Sandale..." May bigla siyang naisip. "Tama, alam ko na!"

Dahil sa sinabing iyon ni Tom, napataas na nang tingin si Desiree. "May naisip ka na?"

"Si Xavier! Siya na lang ang halikan mo!"

"Si Xavier?" Loading pa si Desiree.

"Oo, siya nga."

"Ano?" Sa pagkakataong yon, nag-sink-in na iyon sa kaniya.

"Siryoso ka ba sa sinasabi mo? Yung pinsan mo ang hahalikan ko?"

Hinawakan ni Tom sa magkabilang balikat si Desiree. "Si Xavier ang kinikilalang pinaka malakas na SA sa buong Akaba, kaya siguradong matatalo niya ang dragon."

 "Pero evil prince siya... ayoko siyang halikan!"

"Huwag ka nang umarte. Halika na bago pa maubos ang oras natin."

"Pero Tom..."

"Kaya lang naman tinawag na evil prince si Xavier ay dahil wala siyang patawad pagdating sa pakikipaglaban... pero sa tingin ko saktong-sakto siya para matalo nang mabilis ang dragon," dagdag ni Biel. "At tsaka diba...sabi mo ready ka nang magsakripisyo..."

Hindi agad naka-usap si Desiree, pero napapahanga siya kay Biel. Noong una talaga akala niya hindi ito maaasahang sentinel, pero sa mga sinabi nito... nagbabago na ang tingin niya.

            "O sige, gagawin ko na." Nag-desisyon na siya. "Pero hindi ba tayo mapapahamak? Sa mga kuwento niyo kasi parang masahol pa si Xavier sa dragon."

Ngumiti si Tom.

Doon naalala ni Desiree na natalo nga pala nito si Xavier... Ang patunay doon ay ang kapa ng prinsipe na nakuha niya.

"Alam ko na!" Lumiwanag ang mukha ni Desiree. "No match si Xavier sayo dahil kaya mong i-nullify ang kapangyarihan niya."

"Oo."

Napangiti nang malaki si Desiree.

"Pero malakas siyang manuntok kaya no match pa rin ako..." Napapakamot sa ulong sabi ni Tom.

Napakunot tuloy ng noo si Desiree. Tanong pa rin tuloy sa kanya kung paano nito nakuha ang kapa.

"Pero don't worry, Desiree... may naisip na akong limang hakbang para mapagtagumpayan mo ang exam na ito," si Tom. "Unang hakbang—hanapin si Xavier. Isang lugar lang naman ang kinaroroonan niya..."

Kiss the PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon