Nanatili muna si Tom sa bahay-tuluyan. Hindi pa rin kasi siya pinayagan makapasok sa palasyo. Naisip niya rin na mas mabuting wag na muna siyang magpakita kay Xavier dahil baka mainit pa ang ulo nito.
Wala siyang kamalay-malay na nagpa-plano na pala ang grupo ng pinsan niya para makaganti sa kanila.
Pinuntahan ng tatlo ang bahay ni Tandang Salvia.
Madali nila itong natunton dahil tinulungan sila ng dagang pinalabas ni Onyx gamit ang kanyang kapangyarihan.
Nanlaki ang mga mata ni Lily nang makita ang batang itsura ni tandang Salvia.
Nagkataon pa na nakita nila ito na kasama si Tulip.
"Anong masamang hangin ang nagdala sa inyo rito?" bati ni Salvia.
Agad siyang kinuwelyuhan ng prinsipe.
"S-Sandale... bakit?"
"Itigil nyo yan," Sinubukan pang umawat ni Tulip, pero hindi niya rin nagawa. Sino bang nilalang ang magagawang harapin ang kilalang evil prince? Idagdag mo pa ang sentinel nito na kayang mag-summon ng kahit ano.
"Kung ayaw mong ilibing kita ng buhay, sabihin mo sa akin kung paano tatalunin ang babaeng yon!" mariing utos ng prinsipe.
"B-Babae? Sinong babae?" basag ang boses ni Salvia.
Si Onyx ang sumagot. "Ang tinutukoy ng kamahalan ay si Desiree Mandrake. Yung babae na kasama ni Prinsipe Tom."
"Bakit? May ginawa ba siya?" tanong ni Tulip.
"Hindi na mahalaga kung anong ginawa niya. Sabihin nyo na lang kung paano magagapi ang kapangyarihan niya," utos ni Lily.
Napatingin si Tulip kay Salvia.
Hindi naman ito makausap. Nasa baba lang ang tingin nito.
"Hindi ka ba magsasalita?" Pinandilatan siya ni Prince Xavier.
Doon na siya umusap. "Dalawang bagay lang naman ang makaka-kontra sa kapangyarihan niya."
"Ano ang dalawang bagay nayon?" magkasabay na tanong nina Onyx at Lily.
Maging si Tulip, naging interesadong malaman iyon.
"Ang una... isang SA na nagtataglay ng nullifying ability."
"Nullifying? Katulad ng kay Prinsipe Tom?" kompirma ni Lily.
"Tama. At ang pangalawa—-sa lalaking iniibig niya."
"Lalaking iniibig?" ulit ni Lily.
Bigla nang inihagis ni Xavier si Salvia.
"Ayos lang po ba kayo?" Si Tulip. Agad niyang pinuntahan si lola Salvia.
"Umalis na tayo rito," deklarasyon ni Xavier.
"Pero kamahalan..." si Lily.
"Sa tingin ko, mas mabuti kung takutin ko na lang si Tom... siya ang gagamitin ko para magantihan ang babaemg yon."
"Pero kilala naman natin si prinsipe Tom... napaka tuso niya. Baka mahirapan tayo."
Napakuyom ng kamao si Xavier. "Wala akong pakialam! Basta kailangan nilang magbayad. IBABAON KO SILA SA LUPA!"
"Meron po aong naisip..." si Lily pa rin.
Sandaling napakalma ng sinabi niya ang prinsipe.
"Tutal nahalikan na rin kayo nung babae, bakit hindi kayo bumawi sa ganoon ding paraan?"
BINABASA MO ANG
Kiss the Prince
FantasiKung hindi sinundan ni Alice ang rabbit, mararating niya kaya ang wonderland?