Chapter 4 *Sapiro Anemone*

1.2K 45 0
                                    

Mula nang dumating si Sapiro Anemone sa mundo ng mga tao, napansin niya na madalas siyang pagtinginan. Katulad ngayon, habang naglalakad siya sa parke ay panay ang tingin sa kanya ng mga tao.

Mali ata siya nang napuntahan.

Malay niya ba na maraming tao rito. Karamihan pa ay mga magsing-irog.

Kaya lang naman siya pumunta rito ay dahil ito ang pinakamalapit na lugar na may mga halaman. Hangga't maaari, gusto niyang mamalagi sa lugar na may mga puno at halaman.

Kung siya ang tatanungin, hindi niya gusto ang mundo ng mga tao. Naaawa nga siya sa prinsipe dahil tumira ito sa ganitong klaseng lugar. Bukod sa polusyon, kakaiba ang kasuotan ng mga tao. Katulad ng mga isinusuot ng taga East at South Village, na talaga namang hindi niya gusto.

Sandali siyang napatingin sa kalangitan.
Hindi ito maganda, malapit nang mawala ang buwan, naisip niya.

Bakas sa guwapo niyang mukha ang pag-aalala. Sa oras kasi na mawala ang buwan, magsasara na ang lagusan na nag-uugnay sa Akaba at mundo ng tao.
Anim na taon muli ang hihintayin bago ito magbukas, pero swertihan pa iyon, kung minsan kahit may buwan hindi nagbubukas ang lagusan. Mabuti na nga lang dahil tinulungan siya ni Tulip.

Matapos manakaw ang prinsipe, nagtalaga ang reyna ng sentinel para sa kanya. Ang napili niya nga ay si Sapiro.

Sa Akaba, ang reyna mismo ang namimili ng mga sentinel na maglilingkod sa mga prinsipe.

Noon pa pangarap ni Sapiro maging sentinel, katulad ng mga magulang niya.
Kaya nga kahit siyam na taong gulang pa lamang siya kumuwa na siya ng pagsusulit para maging karapat-dapat .

Nang mapili siya ng reyna para maging sentinel ng prinsipe, naging napakasaya niya. Karangalan kasi iyong maituturing para sa mga sentinel. Ang problema, kasalukuyang nawawala o maaring patay na ang paglilingkuran niya.

Sa simula umanggal ang mga magulang niya, pero hindi siya. Tinanggap niya ang hamon na maging sentinel ng nawawalang prinsipe.

Pagkalipas ng tatlong taong pagsasanay, sinimulan na niya ang paghahanap rito, ngunit bigo.

Halos nalibot na niya ang buong North Village.

Narating na rin niya pati ang iba pang mga Villages, pero wala talaga. Dito na siya nagdesisyon na gawin ang pinakahuling paraan, isang delikadong pamamaraan-ang makipagkita sa reyna.

"Kamahalan, gusto ko pong humingi ng permiso," sabi niya habang nakaluhod sa harap ng reyna. "Pakiusap, payagan po ninyo akong makaharap si Tulip."

Hindi agad nakasagot ang reyna. Matagal na kasi niyang pinagbawalan ang kahit sino na lumapit kay Tulip. Matapos itong masangkot sa pagnanakaw sa prinsipe, nagpasya siya na ikulong ito nang panghabambuhay. Kinuha rin niya ang kapangyarihan nito.

"Hindi mo ba kayang hanapin ang prinsipe na wala ang tulong niya?" tanong ng reyna.

"Ayoko man sabihin, pero oo ang kasagutan. Kung wala ang kamahalan sa Akaba, siguradong napadpad siya sa ibang mundo. Gusto ko iyong tiyakin kay Tulip."

Dahil sa determinasyong nakita ng reyna ay pinayagan na rin niya si Sapiro. Agad na ngang tinungo ni Sapiro ang pinaka malaking kulungan sa Akaba. Matatagpuan iyon sa pinakapusod ng Main Village. Napakalamig doon, pero hindi ininda ni Sapiro. Walang ibang laman ang isip niya kundi ang makita si Tulip.

***

Iminulat ni Tulip ang kanyang mga mata nang may marinig siyang mga yabag.

Kiss the PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon