Chapter 32 *The Meeting*

561 26 4
                                    

"Aray ko..." Napahawak si Tom sa ulo niya. Tumama kasi ito sa sahig nang bumagsak siya... "Biel.." Hinanap niya agad ang sentinel niya. "Ayos ka lang ba?" tanong niya pero hindi niya ito nakita . "Biel?" Agad siyang tumayo. Nag-alala siya na baka kung anong nangyari rito... "Biel, asan ka? Biel!!!"

"Hoy!"

Natigilan si Tom nang may biglang mag-hoy sa kanya, paglingon niya nakita niya ang kanyang pinsan.."Xavier..."

"Anong nangyari? Bakit nandito ka? Nasaan si Onyx?" sunod -sunod ang tanong ni prince Xavier.

Napailing lang si Tom.

Doon na naisip ng prinsipe kung ano ang posibleng nangyari. "Mukhang pinaghiwa-hiwalay tayo ng pusit na yon!" salubong ang kilay na sabi niya.

Wala namang itinugon si Tom, pero napagtanto niya na tama ang pinsan. Maaaring naisip ng kaaway na mas malakas sila kapag kasama nila ang kanilang mga sentinel kaya pinaghiwa-hiwalay sila nito.

Sa ngayon, nasa gitna sina Tom at Prince Xavier ng isang malawak na silid na gawa sa kahoy.

Walang ideya si Tom kung sino ang kasama ni Biel... pero malinaw sa kanya na sila ni Xavier ang naging magkasama. Napangiti siya sa ideya na iyon.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" inis na puna ni Xavier.

"Naku wala! Natuwa lang ako na magkasama tayo," mabilis na sagot ni Tom.

Lalo nang nagsalubong ang kilay ng prinsipe. "Walang nakakatuwa 'don.." sabi nito.

Ngumiti na lang si Tom. Matagal na rin silang magkasama ng pinsan kaya alam na niya ang ugali nito. Syempre naman hindi ito matutuwa na siya ang kasama. Pero kahit na ganoon ang reaksyon nito, masaya pa rin siya na ito ang makasama sa paghanap kay Desiree.

"Halika na, Xavier hanapin na natin si Desiree... " sabi niya bago siya nanguna sa paglalakad.

"Pahamak ang babaeng yon," sabi ni Xavier bago ito sumunod kay Tom.

Napapangiwi lang si Tom. Sinasabi ng pinsan niya na ipinapahamak sila ni Desiree. Pero halata naman dito na willing itong iligtas ang dalaga.

"Bakit nakangiti ka na naman diyan?" inis na sabi ni prince Xavier matapos makita ang pagngiti ng pinsan.

"Ehehe..." tanging reaksyon ni Tom.

Walang nakuhang sagot si prince Xavier mula sa kanya kaya minabuti na lang nito na magtuloy sa paglalakad. "Ano na bang lugar to?" tanong niya. Kanina pa kasi sila naglalakad pero tila ba walang katapusan ang daan na nilalakaran nila.

"Ito marahil ang tinatawag nila na eternal road. Meron nito sa South Village," sabi ni Tom.

"Sinabi mo bang eternal?" ulit ni prince Xavier.

Tumango si Tom, pero walang bahid ng pangamba sa kanya. Alam niya kasi ang lihim sa likod ng mga eternal road. (Orihinal itong imbensyon ng mga taga Saouth Village.)

"Basta hindi tayo titigil sa paglalakad mararating natin ang hangganan. Ang kaso, mas hahaba ang lalakaran natin kapag huminto tayo," linaw ni Tom.

"Kalokohan..." sabi ni prince Xavier bago niya inunahan sa paglalakad si Tom.

"Sandale, Xavier... hintayin mo ko!" Humabol agad si Tom. Mabilis naman niyang nasundan ang pinsan. Ngayon nga ay sabay na silang naglalakad.

"Wala pang anim na linggo si Desiree dito, pero kung iisipin parang ang dami nang nangyari simula nang dumating siya," sabi ni Tom.

Narinig ni prince Xavier ang sinabi niya pero wala itong itinugon.

"Naalala mo pa ba yung unang beses na nagkita kayo ni Desiree? Doon yon sa palasyo. Ako talaga ang nagsama sa kanya kasi naisip kong gawin siyang sentinel ni Ochan. At mukhang tama ang desisyon ko."

Kiss the PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon