Chapter 28 *Crisis*

608 24 4
                                    

Halos umusok si Prince Xavier sa galit. Hindi kasi siya makapaniwala na nalinlang siya ng shadow prince ng West Village. Pamilyar yung ganitong pakiramdam. Katulad ito nung naapektuhan siya ng kapangyarihan ni Desiree.

Napapangiwi lang naman si prince Benjamin. Pero hindi na ito bago. Mula pagkabata parati nang may nagagalit sa kanya dahil sa kagagawan ng kapatid. Wala naman siyang magawa kundi ang tanggapin na lamang iyon. Hindi naman kasi ganoon kasama ang ginagawa ng kakambal niya para magalit siya.

"Bwiset!" inis na sabi ni prince Xavier. Ayaw na niyang makita ang pagmumukha ni prince Benjamin. Mas lalo lang siyang naiinis. Palabas na siya nang biglang pumasok ang kamukha ng kinaiinisang prinsipe.

"Kamahalan, may probelma!" sabi nito. Halatang may importanteng bagay itong sasabihin kay prince Benjamim pero bigla siyang natigilan nang makita ang nanlilisik ng mga mata ni prince Xavier. "B-Bakit?" takot na tanong niya.

"Ah, sandale... hindi siya si Benjo!" pumagitan agad si prince Benjamin.

"Ano?" Si Xavier. "Pinagloloko mo ba ko? Ibig mong sabihin, tatlo kayo?"

"Ang kapangyarihan ng kapatid ko ay gumawa ng maraming duplicate. Duplicate niya lang ang isang ito," paliwanag ni prince Benjamin bago siya tumuon sa duplicate ni prince Benjo. "Ano bang nangyari?"

"Si prince Benjo po kasi... may nakasagupa siyang pugita. At sa tingin ko iyon yung kalaban na sinasabi ng reyna!" natatarantang sabi nito.

Mahinahon naman ang naging pagsagot ni prince Benjamin. "Ganun ba... nasaan sila? Masasabi mo kung saan ang eksaktong lugar?"

"Hindi prinsipe. Huli na, dahil nasaniban na siya!"

"Ano?" Namilog bigla ang mga mata ni prince Benjamin. Paanong masasapian ang kanyang kapatid? Imposibleng matalo ito ng pugitang iyon, lalo na dahil matalino ang kapatid niya.

***

Samatala, alalang-ala ang tagasilbi ng reyna matapos mabasa ang isang sulat na nakita niya sa kusina. Agad siyang nagtungo sa trono ng reyna upang ipabasa ang liham na iyon.

"Hawak ko ang shadow prince ng West Village at ang babaeng nagngangalang Desiree. Kung gusto nyo pa silang makitang buhay... papuntahin nyo ang prinsipe ng East Village. Dito ako mamalagi sa West Village." -Roro.

"Hindi maaari..." sambit ng reyna. "Ipatawag ang lahat ng prinsipe at mga sentinel nila, ngayon din!" utos niya.

Hindi pa man natatapos ang araw, panibagong pagpupulong na naman ang dadaluhan nila.

***

Ang buong West Village ay nababalot ng mga Kristal. Kaya nga ang mga mamamayan nito ay maraming ganitong palamuti. Kung nasa mundo sila nina Desiree, mapagkakamalan silang mga genie sa paraan nila ng pananamit. Pagmimina ng Kristal at pangangalakal ang pangunahin nilang ikinabubuhay.

Maging ang desenyo ng palasyo dito ay makikitaan ng mga Kristal. Marami ang nagsasabi na sa lahat ng palasyo sa Akaba, ang West Village ang pinakamahal.

Nasa katawan si Roro ni prince Benjo kaya naman nang pumasok siya sa palasyo, walang humarang sa kanya. Pero may isa na pumasin kung bakit may dala siyang walang malay na babae.

Pero dahil siya ngayon si prince Benjo,walang nakapigil sa kanya na makapasok.

Pagdating niya sa pinaka sentro ng palasyo... inilagay niya lamang sa sahig si Desiree bago siya nagbukas ng isang botelya. May lumabas na kulay lilang usok doon at kumalat iyon sa buong palasyo.

Nawawalan ng malay ang lahat ng nakalanghap noon.

Habang kumakalat ang usok, pumunta si prince Benjo (na ngayon ay nasa ilalim ni Roro) sa lihim na silid.

Kiss the PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon