Chapter 9 *Prince of East*

898 35 3
                                    

Hindi masyadong nasaktan si Desiree dahil sa damo siya bumagsak.

Dahan-dahan siyang bumangon, pero hindi niya nakayanang tumayo... Sobrang sakit na ng paa niya. Doon niya lang naalala na wala nga pala siyang suot na sapatos. Pero hindi niya iniinda ang sakit. Mas nasasaktan siya sa ideya na magkakahiwalay na sila ni Chad. Oo, sinabi niya kay Tulip na handa na siyang pakawalan ito... pero mahirap pa rin tanggapin iyon.

Halos kalahati ng buhay niya, nakasama na niya ito.

"Hoy, Ayos ka lang ba?"

May humawak sa balikat ni Desiree. Nang lingunin niya ito, nakita niya ang kanyang kaklase.

"Tom?"

Nasesntro ang mata ng lalaki sa namamaga niyang paa."Mukhang masama na ang lagay ng paa mo," sabi nito.

"Bakit nandito ka?" iyon ang tanong ni Desiree.

Ngumiti lang naman si Tom.

"Tinatanong ko kung bakit ka nandito. Diba sa ibang Village ang punata mo?

"Nakatulog kasi ako. Nang magising ako namalayan ko na lang na nakalampas na pala sa South Village, at umikot na uli ang tren, kaya dito na lang ako bumaba. Naisip kitang sundan baka kasi kung san ka na napunta."

"Ang ibig mong sabihin... nag-alala ka sakin?" Naitanong ni Desiree dahil naramdaman niya ang pagiging concern ng kaklase... pero hindi. Hindi siya puwedeng magpa-uto rito. Siguradong pagkakaperahan lang ang nasa isip nito.

"Ah, Tom, wala akong pera... kahit gustuhin ko man na tulungan mo ko, hindi rin kita mababayaran."

"Ano ka ba naman... hindi naman sa lahat ng pagkakataon maniningil ako."

"Oows?" Di bilib si Desiree.

"Oo. Pupunta ba naman ako dito kung hindi malinis ang intensiyon ko?"

"Kung gayon, nagpunta ka talaga dito dahil nag-aalala ka?"

Tumango si Tom. "Kaklase kita, kaya nag-aalala rin ako kahit papano..."

Hindi pa rin kombinsido si Desiree. Dapat niya bang pagkatiwalaan ang taong ito? Pero kung sa bagay... bukod kay Richard, ito lang naman ang kilala niya.

"Kumusta pala ang paghahanap mo sa kapatid mo?"

Napatungo lang si Desiree. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong na iyon...

Pero sa reaksyon niya, nagka-ideya na si Tom sa mga nangyari.

"Kung hindi ako nagkakamali, si Oaki ang kapatid mo,diba?" tanong nito.

"Oo, iyon ang tawag nila sa kanya—pero sa amin Chad ang pangalan niya."

"Siya ang prinsipe ng North Viilage. Kaya sa tingin ko imposible talaga na maisama mo siya, maliban na lang kung gugustuhin niya talaga."

"Alam ko... kaya nga sumuko na ko." Napatungo si Desiree. "Hindi ko na siya pipilitin bumalik. Ang totoo, nagpasya na kong umuwi."

"Uuwi kana? Pero paano mo gagawin yon, wala nang lagusan."

"Tungkol sa bagay na yan...  ang sabi sa akin ni Tulip makakauwi ako pagkatapos ng six weeks.

"Six weeks?"

"Meron pa raw kasi akong kapangyarihan kaya dito muna ako."

Napaisip si Tom. Kung tatagal ng six weeks ang kapangyarihan  niya... ibig sabihin binigay lang iyon ng isang SA na may power bestowal. Ngayon, malinaw na sa kanya kung saan galing ang kapangyarihan ni Desiree.

Kiss the PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon