Chapter 17 *Journey to the South*

747 27 6
                                    

Anino.

Para kay Tom, bagay na bagay naman sa kanya ang tawaging shadow prince dahil mula pa noon, anino na siya ng pinsang si Xavier.

Habang nasa hardin siya ng palasyo, hindi niya maiwasan na mapaisip. Naalala niya yung araw na nakasama niya ang iba pang shadow prince. Kahit katulad niya sila na mga shadow may nakakahangang mga kapangyarihan sila. Kung sana ay ganun din siya. Kung nakakalipad lang sana siya o nakakagawa ng mas kapaki-pakinabang na bagay, mas magiging madali sa kanya ang buhay. Napaka makasarili kasi ng kapangarihan niya. Ni sentinel niya hindi niya magawang tulungan.

Kahit nga ang mga magulang niya, walang napala sa kanya.

"Sa kapangyarihang meron ako, walang mangangailangan sa akin," bigla niyang naisip.

"Tom, kailangan ko ang tulong mo!"

Natahimik bigla si Tom sa narinig. Nang lumingon siya, nakita niya si Desiree.

"I-ikaw?"

"Tulungan mo ko!"

Napakunot ng noo si Tom. Si Desiree ba talaga ang nakikita niya?

"Anong ginagawa mo rito? Bakit mo iniwan ang master mo?"

"Hindi ba sabi mo sa sulat, wag akong mahihiyang humingi ng tulong sayo? Kailangan ko ang tulong mo ngayon."

Hindi pa rin makapaniwala si Tom. Talaga nga bang hinihingi ni Desiree ang tulong niya?

"Wala pa akong pera ngayon, Tom... pero wag kang mag-alala, sa oras na bayaran ako ni Ochan, babayaran din kita."

"Teka... hindi kita maintindihan... Ano bang tulong ang kailangan mo sa akin? Importante ba yan? Tungkol ba yan sa kapatid mo?" sunod-sunod na tanong ni Tom. Gusto niyang makatiyak.

Hindi naman nakasagot si Desiree.

Dahil doon kaya nahulaan ni Tom ang klase ng tulong na kailangan niya.

"Hindi yan tungkol sa kapatid mo, tama?" kompirma niya.

Tumango si Desiree.

"Desiree... tumatakbo ang araw mo... Kapag gumawa ka pa ng mga walang kabuluhang bagay, baka mabigo ka na maisama pauwi ang kapatid mo."

"Alam ko ang tungkol don, kaya lang kasi... may kung anong tumulak sa akin na pumunta rito.

"Bakit nga ba?"

"Itong kwintas..." Ipinakita ni Desiree ang kwintas niya.

"Nalaman ko na lahat ng prinsipe meron nito... maliban kay Fisherman."

"Fisherman? Teka... si Ochan ba ang tinutukoy mo?"

"Siya nga," sagot ni Desiree. Sandali siyang tumungo bago ipinagpatuloy ang pagsasalita. "Hindi ko alam kung bakit, pero nang malaman ko na may kumuha sa kwintas niya, bigla kong naisip na bawiin yon."

"Maganda yan, pero... hindi makakatulong para mapalapit sa kapatid mo," linaw ni Tom.

"Alam ko naman yon... kaya lang kasi..." Tumingin si Desiree sa mga mata ni Tom. "Gusto ko talagang makuha iyon para kay fisherman." Mariin ang pagkakasabi niya sa mga huling salita.

"Isa lang ang ibig sabihin niyan... Desiree, may dugo ka talaga ng pagiging sentinel."

Si Biel ang nagsabi non.

Agad siyang nilingon ni Desiree. "Biel!"

"Kailan ka pa nakabalik?" tanong ni Tom.

"Ngayon lang-at narinig ko ang usapan nyo. Pinapahanga mo talaga ko, Desiree." Tinapik niya ang dalaga. "Mukhang naiintindihan mo na talaga ang pagiging sentinel."

Kiss the PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon