Chapter 8 *History of Akaba*

911 38 4
                                    

Biglang tumahimik.

Wala rin lobo na sumalakay, kaya naman napamulat na si Desiree. Natigilan siya nang makita niya si Chad. Sa paligid nito ay nakabulagta ang tatlong lobo.

 "C-Chad..."sambit ni Desiree. Ninais niya agad lapitan ang kapatid.

"Hanggang diyan ka na lang!" babala ni Chad na nagpahinto sa dalaga.

"Chad naman..." may pagtatampo ang tono ni Desiree, pero nakikita niya talaga sa kapatid ang pagiging siryoso. "Chad... wag ka namang ganyan."

"Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung paano ko nagawang pabagsakin ang mga lobo?"

Doon lamang napatingin si Desiree sa mga lobo. Masyado siyang nasabik makausap ang kapatid kaya hindi na niya iyon napansin.

"Ginamit ko ang kapangyarihan ko," sabi ni Richard.

"Ano, ang kapangyarihan mo? Pero..." Napakunot ng noo si Desiree. Ang kakayahan kasi ng kapatid niya ay ang malaman ang hinaharap kaya papano nito magagawang pabagsakin ang mga lobo.

"Nagtataka ka ba?" Si Chad.

"Ha?" Tanging sambit ni Desiree.

Totoo iyon, nagtataka siya. Ngunit hindi naman siya interesado roon. Walang ibang importante sa kanya kundi ang makasama ang kapatid. Subalit nagpatuloy sa pagpapaliwanag si Chad.

"Makinig kang mabuti sa sasabihin ko. Sa maiksing panahon ko dito sa Akaba, may mga natuklasan na ako tungkol sa sarili ko... at isa roon ang tungkol sa kapangyarihan ko." Bahagyang bumaba ang tono ni Richard Napatungo rin siya habang nagpapaliwanag.

 "Bukod sa Precognition o pag-alam sa mangyayari sa hinaharap, nalaman ko na tinataglay ko rin pala ang Probability manipulation. Ang ability na ito ay kayang lumikha ng mga kakaibang pangyayari gaya ng lindol o kaya'y kamatayan."

"Ano, kamatayan?" Naguguluhan si Desiree.

 "Sa madaling salita, may kakayahan rin akong magtakda ng trahedya at kamatayan," linaw ni Chad.

"Ha?" Hindi pa rin makuha ni Desiree.

Tiningnan ni Chad ang mga lobo. "Halimbawa na lang ang mga lobong ito... sa pamamagitan ng pagtingin ko sa mga mata nila, naitakda ko ang oras ng kamatayan nila."

"Sandale... hindi ko pa rin maintindihan."

"Alam kong hindi mo agad makukuha ang ibig kong sabihin, pero hindi na naman mahalaga na maunawaan mo pa iyon... basta ang malinaw dito, mapanganib ako... kaya lumayo ka sa akin. Umuwi kana." Tinibayan ni Richard ang pagsasalita. Kahit anong mangyari,kailangan niyang makunbinsi ang ate niya na umuwi na, dahil kung hindi, baka mangyari ang pangitain niya.

Noong araw matapos niyang malaman ang tungkol sa Akaba... isang pangitain ang gumimbal sa kaniya. Nakita niya na namamatay ang mga tao na tinitingnan niya.

Sa tulong ni Sapiro, naunawaan niya ang ibig sabihin noon—Tumutukoy iyon sa kanyang kapangyarihan. Bukod sa Precognition tinataglay niya rin ang Precognition Probability Manipulation.

Ang tulad niya na may Precognition Ability ay kayang malaman kung ano ang mangyayari sa hinaharap, halimbawa alam niya na magkakaroon ng lindol o kaya mamamatay ang isang tao—-pero ang totoo hindi niya kayang malaman kung kailan at paano mangyayari yon.  Doon gumagana ang probability manipulation, kung saan hindi aware ang user na siya na mismo ang magtatakda ng oras at pamamaraan kung paano mangyayari ang trahedya.

Sa madaling salita hindi talaga niya nahuhulaan ang mga trahedya, bagkos siya ang gumagawa nito.

Para kay Richard, napakadelikado ng kapangyarihan niyang iyon. Kaya naman hindi na siya dapat manatili sa daigdig ng mga tao. Mas makabubuti rin na lumayo siya sa kapatid dahil baka pati ito ay magamitan niya ng kapangyarihan.

Kiss the PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon