Chapter 27 *Prince Benjo*

647 27 6
                                    

A/N Sorry for the long wait. Busy Sched. Typhoon. Death of my best friend... so many things happened.

Anyway... here's my update. I think its longer than usual :p I'll try to post chapter 28 sa Friday.



Isang nilalang na kayang kumontrol ng isip. Ganoong uri ang nagbabadyang manakop sa Akaba. May ideya na ang reyna tungkol sa nilalang na ito. Pero mas naging malinaw pa ito dahil sa pangitain ni Chad.

"Ah!" Namilog ang mga mata ni prinsipe Chad.

"May problema po ba kamahalan?" nag-aalalang tanong ni Sapiro.

"Ano bang nangyayari?" tanong ni Vihyel, sentinel ni prince Monmon.

Ngayon nga ay nasa conference room na ang mga prinsipe at mga sentinel nila. Naandon na rin ang reyna.

Tanging sina Desiree, prince Xavier at prince Benjamin na lang ang wala.

"Wala na akong makita. Puro kristal na lang..." sabi ni Chad.

"Kristal?" magkasabay na wika ng mga sentinel mula sa West Village. Ang bayan kasi nila ang natatanging bayan sa Akaba na nababalutan ng Kristal.

"Sinasabi mo ba na ang bayan namin ang uunahin niyang sakupin?" tanong ng shadow prince ng West Village. Duplicate lang siya pero kung kumilos siya ay tila orihinal.

Hindi nakasagot si Chad. Hindi pa kasi malinaw sa kanya ang kanyang pangitain kaya nga bumaling na lang siya sa reyna.

"Mahal na reyna..." tawag ni Chad.

"Sa totoo lang kanina ko pa iniisip kung ano ang kahulugan ng iyong pangitain..." mahinahong sabi ng reyna. Magsasalita pa sana siya nang mapansin ang mga bakanteng upuan.. "Nasaan ang iba?"

"Wala nga dito sina Desiree..." puna ni Tom. Masyado silang naging interesado sa pangitain ni Chad kaya di nila agad napansin iyon.

***

"Prinsipe!" tawag ni Desiree sa prinsipe ng West Village. Gusto niya sana itong tulungan pero hindi niya alam kung paano.

"Aaah... umalis ka diyan!" sigaw ng prinsipe sabay hatak sa pugita. Gamit ang lakas niya naihagis niya ito. "Mabahong pugita!" sabi niya pa. Inis na inis siya sa ginawa ng pugitang iyon.

Mabilis naman itong gumapang palayo.

"Tumatakas siya!" habol pa ni Desiree.

"Pabayaan mo na siya!" sabi ni prince Xavier sabay hawak sa braso ni Desiree.

Napatingin ang dalaga rito. Sa puntong yon, nagtagpo ang mga mata nila.

Pakiramdam pa nga ni Desiree ay parang may gustong sabihin sa kanya ang lalaki.

Kung meron nga, gusto niya iyong marinig.

"Mukhang kailangan nating ipaalam sa reyna ang tungkol sa pugitang yon!" biglang sabi ni prince Benjamin.

Doon na binitiwan ni Xavier si Desiree. Umiwas na rin ito ng tingin.

"Hindi pwedeng palagpasin ang ginawa ng pugitang yon. Isa iyong paglapastangan!" dagdag pa ni prince Benjamin.

Nagpasya na agad siya na bumalik sa palasyo upang makausap ang reyna. Sumunod sa kanya sina Desiree at prince Xavier.

"Kausap po ng mahal na reyna ang iba pang mga prinsipe at sentinel. Sa tingin ko po kayo na lang ang kulang," sabi ng tagapagsilbi ng reyna matapos itong tanungin ni prince Benjamin.

Napakunot si prince Benjamin ng noo. Maging sina Desiree at prince Xavier nagtaka kung bakit biglang pinulong muli ng reyna ang mga prinsipe.

Nagmadali na lamang sila sa pagpunta sa conference room.

Kiss the PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon