A/N Nag update ako ngayon kasi I'll be gone tomorrow and in Saturday.
Matagal nang pinangarap ni Desiree na makilala ang kanyang prinsipe. Syempre si prince Eric ng paborito niyang libro ang pangarap niya. Ganun pa man alam naman niya na hanggang pangarap lang yon. Pero ngayong napunta siya sa Akaba at nakilala si prince Xavier tila nabuhayan siya.
Naniniwala na siya na ang dating pangarap ay pwedeng magkatotoo.
Ang kaso nasira ang pangarap na yon. Sinira iyon ng mga bagay na narinig niya.
Gusto pala siyang paghigantihan ni Xavier?
Huminga muna siya nang malamin bago siya nagsalita sa harap nito.
"Hindi ko sinasadyang gawin yon."
Nakita ni Desiree na nagsalubong ang mga kilay ng prinsipe.
"Ang tinutukoy ko ay ang paggamit ko ng kapangyarihan ko sayo dati," linaw niya. "Hindi ko yon ginusto... kinailangan lang."
"Bakit mo ba sinasabi sa akin yan?" pabalang na tanong ni prince Xavier.
"Dahil narinig ko kayo... na dahil sa ginawa ko gusto mong maghiganti!" diretso ni Desiree. Walang sinabi ang prinsipe, katunayan bigla itong tumalikod. "Please pakinggan mo ko... kailangan mong malaman ang dahilan ng--- Ah!" Hindi na natapos ni Desiree ang sasabihin, may matulis na bato kasing dumaplis sa pisngi niya. Natigilan siya dahil doon.
"Kahit ano pang dahilan mo... ipinahiya mo pa rin ako!" biglang sabi ni prince Xavier.
Nakatalikod ang prinsipe kaya hindi siya nakikita ni Desiree, ganunpaman alam niya na talagang galit ito.
Galit ito sa ginawa niya. Hangal siya dahil hindi niya iyon naisip. Hindi niya naisip na may hinanakit pala sa kanya ang prinsipe.
Sana sinabi niya. Hindi iyong nagpanggap pa siya na mabait.
Tama. Hindi dapat siya pinakitaan nito ng kabutihan. Pero kung sabagay, kasama iyon sa plano ng prinsipe. Ayon sa narinig niya, balak siya nitong paibigin at pagkatapos ay tanggalan ng kapangyarihan.
"Iyon ang plano mo, hindi ba?" sabi ni Desiree. Inulit niya ang mga narinig. "Kaya ka nagpanggap na mabait... dahil binalak mo na mahulog ang loob ko sayo, at pagkatapos kapag nangyari na yon hahalikan mo ko para mawala na ang kapangyarihan ko!" pinagdiinan iyon ni Desiree. Sinabi niya iyon kahit pa mabigat yon sa loob niya. Hindi kasi talaga siya makapaniwala na magagawa iyon ng prinsipe---ng prinsipe na nagsisimula na niyang magustuhan. "Ganyan ba ang paraan mo ng pagganti? Ganyan ba ang gawain ng isang prinsipe?"
"Tumahimik ka na!" sigaw ni prince Xavier sabay taas sa kamay niya.
Napapikit si Desiree. Kasabay kasi ng pataas ng kamay ni prince Xavier ay ang maraming matutulis na bato na sumugod sa kanya.
Katapusan ko na.
Iyon ang naisip ng dalaga. Masyado kasi siyang naging madaldal. Nakalimutan niya na ang kinakausap niya ay ang binansagang evil prince.
Ilang saglit pa, napamulat na si Desiree. Wala kasi siyang naramdaman na mga bato na tumama sa kanya. Nang tingnan niya ito, nakita niya na nakalutang lamang ang mga bato.
Tila tulala rin ang prinsipe.
"Prince Xavier..." iyon lamang ang nasabi niya.
Napakapit sa noo niya ang prinsipe. Kasabay noon ang isa-isang pagbagsakan ng mga bato sa makakapal na nyebe.
BINABASA MO ANG
Kiss the Prince
FantasyKung hindi sinundan ni Alice ang rabbit, mararating niya kaya ang wonderland?