Lahat ng bagay, kayang i-summon ni Onyx, ngunit meron siyang mga kahinaan. Una na roon ang limitasyon ng katawan niya. Sa bawat pagsummon, nababawasan siya ng pisikal na lakas... kaya nga hind niya ito dapat gawin nang sunod-sunod.
Ang kaaway na si Roro ay nasa katawan ngayon ng matalinong si Benjo, kaya nagawa niyang mapansin ang kahinaan ni Onyx...
Bukod doon, sinubukan niya rin paglaruan ang isipan nito.
"Kaya mong lampsan ang prinsipeng yan... alam mong kaya mong gawin yon!" udyok niya.
"Hoy... Onyx!" tawag ni prince Xavier.
Tahimik pa rin si Onyx... ilang saglit pa bigla itong tumawa nang malakas.
Naningkit ang mga mata ni Roro. "Anong nakakatawa?"
"Baliw ka ba? Sa tingin mo ba makakaya kong pagtaksilan ang prinsipe namin? Mukhang wala kang alam tungkol sa mga sentinel. Wala ka rin alam tungkol sa pinagsamahan namin ni prince Xavier. Kaya ang mabuti mong gawin... tumahimik na lang!"
Napangisi si Roro. "Magandang litanya... tama ba, prinsipe Xavier?" sabi niya sabay tingin sa prinsipe.
Nanatiling tahimik si prince Xavier.
"Sayang... ang akala ko pa man din magagawa ko kayong paglabanin..." sabi pa ni Roro. " Pero kung hindi uubra... tatapusin ko na lang kayo!"
"Gawin mo kung kaya mo!" matapang na usal ni Onyx.
Napangisi naman si Roro. "Alam ko na ang kahinaan mo!" pagyayabang niya, dahil alam na niya na kapang nag-summon pa uli si Onyx... tuluyan na itong manghihina.
"Itong para sayo!" Inihampas niya ang hawak na latigo.
Umilag si Onyx... pero dahil nga pagod ang katawan niya, naging mabagal ang pagkilos niya. Nahuli pa rin siya ni Roro.
"Tapos ka na!"
Napapikit na lang si Onyx.
"Anong?" Gulat na gulat si Roro nang biglang harangin ni prince Xavier ang latigo gamit ang kanan niyang braso.
Napanganga siya.
"Tama ka... hindi malakas ang pisikal na resistensiya ni Onyx... pero ibahin mo ko!" matapang na sabi ng prinsipe. Kitang-kita na dumadaloy ang kuryente sa mga braso nito, ngunit hindi nito iniinda.
Doon lamang napagtanto ni Roro na kaya palang makipaglaban ni prince Xavier gamt lamang ang pisikal na lakas.
Ang totoo, hindi iyon madali para sa prinsipe. Nasanay kasi siya na laging dumedepende sa kanyang Earth Manipulation. Salamat sa lolo niya. Minsan siya nitong sinubukan na wag gamitin ang kapangyarihan sa loob ng isang linggo. Di niya akalain na magagamit niya ang pagsasanay na iyon sa sitwasyon ito.
Habang hinaharang ni prince Xavier ang latigo ni Roro, nagawa ni Onyx na makabawi ng lakas... nagsummon siya uli ng mga Kristal.
Iyon ang kanilang Power Combination. Pinapalakas nila ang kahinaan ng isa't-isa.
Kasabay ng pagtama ng Kristal sa dibdib ni Roro ay ang tuluyan nitong paglalaho.
"Sabi na nga ba... duplicate lang siya," nasabi ni Onyx.
Kasunod noon ang pagbalik ng kinalalagyan nilang lugar sa normal. Isang silid sa palasyo.
***
Samantala, nagkakagulo pa rin ang mga mamamayan ng West Vilallage.
"Palabasin nyo kami! Aalis na kami!" Iyon ang sigaw nila. Kanya-kanya sila ng gawa ng paraan upang makalagpas sa nakaharang na pader ... Gamit nila ang kanilang mga kapangyarihan, subalit wala itong epekto sa malaking pader. Sa huli, sila-sila na ang nag-away at nagtalu-talo...
![](https://img.wattpad.com/cover/733207-288-k871723.jpg)
BINABASA MO ANG
Kiss the Prince
FantasyKung hindi sinundan ni Alice ang rabbit, mararating niya kaya ang wonderland?