Chapter 19 *Tom's Power*

654 29 5
                                    

"Ah!" Biglang napaupo si Tom.

"Tom bakit?" tanong agad ni Desiree.

Natigilan si Tom.

"Bakit?" patuloy na tanong ni Desiree. Sa puntong yon, alalang-alala na siya.

"A-Ang lason... umi-epekto na..." Halatang nahihirapan nang makahinga si Tom.

"Tom...?

"May mga dayo pala." Isang tinig.

Dahil doon, napalinga si Desiree. "Sino yan?"

"At sinaktan nyo pa ang sentinel ko," sabi nito.

"Teka... ikaw ba si... "

"S-Si Monmon." Bahagyang tumayo si Tom.

"Tom , ayos ka lang ba?"

"Oo... nalalabanan ko naman ang lason. Ang mabuti pa umalis na kayo rito ni Biel. Sige na."

"Pero Tom, paano ka? Hindi ka namin puwedeng iwan."

Malalim na buntong-hininga ang naging tugon doon ni Tom. Sa totoo lang, wala talaga siyang ideya kung paano lalabanan ang prinsipe ng South Village lalo pa ngayon, na nalason siya. "Kapag kumalat nang tuluyan ang lason, hindi ako makakakilos... siguradong lagot ako... paano na?"

"Hindi ako makapaniwala na may makakagapi sa sentinel ko nang ganun-ganon na lang..." pagpapatuloy ng tinig. Sa pagkakataon na iyon ay sigurado na sina Desiree kung saan ang pinanggagalingan ng boses. Natiyak din ni Tom na papalapit na ito. Bagay na nagpaiba sa pakiramdam niya. Hindi siya sigurado kung takot nga ba ang nararamdaman niya, subalit bigla na siyang pinagpawisan.

Paano nga naman kasi niya lalabanan si prinsipe Monmon? Bukod sa pumapangalawa ito kay Xavier sa pagiging malupit na prinsipe, ito rin ang taong pinaka kinaiinggitan niya.

Tandang-tanda niya pa. Ilang taon na rin ang nakakalipas... noong kaarawan ng kanyang ama marami ang pumuri sa kanya. Bilang anak ng prinsipe, nasa kanya ang lahat ng atensiyon.

"Napakagwapong bata."

"Halatang matalino ka... manang-mana ka sa iyong ama."

"Siguradong ikaw rin ang hihirangin na susunod na prinsipe."

Nakakataba ng puso ang mga papuring naririnig niya, subalit napatahimik siya sa sumunod na tanong.

"Alam mo na ba kung ano ang kapangyarihan mo?"

Ang totoo hindi pa niya iyon alam pero sigurado naman siya na malakas iyon dahil nga ang prinsipe ng East Village ang kanyang ama.

Sandaling nagpaalam ang batang si Tom sa mga panauhin. Idinahilan niya na napagod siya at magpapahinga lang sandali, ngunit ang totoo gusto lang talaga niyang umiwas sa usapin tungkol sa kapangyarihan. Kung bakit kasi sampung taong gulang na siya hindi pa rin niya alam kung ano ang kapangyarihan niya.

Naglalakad siya sa may hardin nang mamataan niya ang isang batang lalaki na nakaupo sa may fountain. Kaedad niya lamang ang lalaking iyon at kung hindi siya nagkakamali pinsan niya ito.

"Tama. Ikaw yung anak noong pinsan ng pinsan ni ama, tama ba?" tanong niya sa batang lalaki.

"Xavier ang pangalan ko," mabilis nitong sagot.

"Ah, Xavier pala. Ako naman si Tom," pagpapakilala niya bago siya naupo sa tabi nito.

"Kilala kita. Ikaw ang anak ng prinsipe," sagot ni Xavier.

"Ganun na nga. Ano pa lang ginagawa mo rito, bakit ka nag-iisa?"

"Pinapauwi na ako ng tatay ko."

Kiss the PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon