Tumayo si Desiree.
"Maglaban tayo," matapang niyang usal.
Napataas si Vihyel ng kilay. "Siryoso ka ba sa sinasabi mo?"
"Sa palagay mo ba magsasawalang-kibo na lang ako pagkatapos mong insultuhin ang master ko?"sabi niya.
"Kung yan ang gusto mo..." sagot ni Vihyel.
Biglang nagtayuan ang mga maniking. "Kayo na ang bahala sa kanya." Pagkasabi niya noon, nagsimula nang lumapit ang mga maniking kay Desiree. Ngumiti naman si Vihyel bago tuluyang umalis.
"Teka... sandale..." habol pa si Desiree pero nataranta na siya... dudumugin kasi siya ng mga buhay na maniking. "Biel-gumising ka... " Inuga niya si Biel. "Tulungan mo ko rito..."
Gising naman si Biel, pero sobra ang panghihina nito kaya hindi makagalaw.
Naisip na lang ni Desiree na tumakbo palayo.
Pero wala na siyang ibang mapupuntahan. Walang ibang daan palabas sa silid kundi ang nilabasan ni Vihyel-nahaharangan iyon ng mga maniking.
Ito na ata ang katapusan ko. Iyon ang nasa isip ni Desiree nang biglang magbagsakan isa-isa ang mga maniking.
"A-Anong nangyari?" nagtataka niyang tanong. Bumalik sa pagiging mga manika ang mga taong kanina ay sumusugod sa kanya.
"Ayos ka lang ba?"
Nanggaling ang boses sa may pintuan.
Pamilyar ang boses na iyon. Sabi pa ni Desiree bago siya tumingin sa may puntuan. "Tom."
"Mukhang nahuli na ako ng dating," mahinang sabi ni Tom.
"Tom!" sigaw ni Desiree bago siya patakbong lumapit sa lalaki. Buong higpit niya itong yinakap. "Dumating ka. Salamat. Iniligtas mo ang buhay ko," mangiyak-ngiyak niyang sabi.
Yinakap din naman siya ng kaibigan. "Wag ka nang mag-alala, ligtas ka na."
Hindi talaga inasahan ni Desiree ang pagdating ni Tom. Ang akala niya kasi ay nagalit ito... pero mukhang hindi sila nito natiis. Talaga ngang maaasahan si Tom.
"Oo nga pala, si Biel," naalala ni Desiree.
Sabay nilang pinuntahan ang nakabulagtang si Biel.
"Kinuha nung babaeng kapangalan niya ang kapangyarihan niya. Hindi ako sigurado, pero sa tingin ko parehas kami. Gumagana ang kapangyarihan sa pamamagitan ng halik."
Walang naging tugon si Tom. Tutok lang ito sa pagtingin kay Biel.
"Tom, ayos ka lang ba?" tanong ni Desiree. Para kasing ang dilim ng mukha ng kaibigan. "Tom?"
"Nandito ka pa, hindi ba? Lumabas ka." Ikinagulat ni Desiree ang sinabing iyon ni Tom. Mas nagulat din siya nang makita ang matatalim na mata ng lalaki. Ngayon niya lang nakita na ganito si Tom. Si Tom pa nga ba ito?
"Ang sabi ko, lumabas ka!" malakas na sabi ni Tom.
Isang malakas na tawa ang umalingawngaw sa buong silid. "Magaling... magaling ka, prinsipe Tom." Si Vihyel iyon. Bigla itong nagpakita, pero hindi bilang siya kundi si Desiree. Ginaya nito ang itsura ng dalaga.
"Kinoypa niya ang itsura ko," bulalas ni Desiree.
"Magaling ka... dahil sa nullifying ability mo... nagawa mong ipawalang-bisa ang kapangyarihang ginamit ko para buhayin ang mga maniking." Ibinuking ni Vihyel (na nasa anyong Desiree) ang pamamaraan ni Tom.
"Mukhang marami ka nang kapangyarihang nanakaw..." sabi ni Tom habang dahan-dahang humaharap kay Vihyel. "Pati ang pagbibigay-buhay sa mga manika... meron ka rin? Hindi ba't bahagi ito ng kapangyarihan ni Monmon?"
BINABASA MO ANG
Kiss the Prince
FantasyKung hindi sinundan ni Alice ang rabbit, mararating niya kaya ang wonderland?