Namangha si Desiree sa ganda ng reyna. Hindi naman naiiba ang itsura nito sa mga dyosang napapanood niya sa telebisyon pero para sa kanya, may iba talaga rito.
Napakaputi nito at nababalutan ng diamante. Idagdag mo pa ang napakatamis nitong ngiti.
"Masaya ako na muli kayong makita..." bungad ng reyna bago siya umupo sa pinaka sentrong upuan. Mula roon ay kitang-kita niya ang mga prinsipe at sentinel.
"Aba... meron palang bago." Napatingin siya kay Desiree.
Bigla namang napalunok ang dalaga. Siya ba talaga ang tinutukoy ng reyna?
"Siya po ang sentinel ni prinsipe Ochan," sabi ni Sapiro.
Subalit hindi iyon sapat sa reyna. Oo, alam na nito na may sentinel na ang shadow prince ng North Village, pero hindi niya pa ito kilala.
Kinabahan si Sapiro.
Kung malalaman kasi ng reyna ang tunay na sitwasyon ni Desiree, may posibilidad na magalit ito... at mapapahamak siya dahil may kinalaman siya kung bakit nakapasok sa Akaba si Desiree. Kaya nga nag-isip siya agad ng paraan para malusutan ito. Kung sana'y naisip niya na pwede itong mangyari. Eh di sana noon pa siya nakaisip ng pwedeng i-alibi... pero huli na, nandito na siya... at wala siyang maisip na idadahilan. Mukhang malalagot na siya.
"Desiree ang pangalan niya, sentinel ng shadow prince ng North Village, may kapangyarihang kumontrol ng damdamin. Hindi pa ba yon sapat? Imbes na nagtatanong ka diyan... simulan mo nang sabihin kung ano talaga yung dahilan at pinapunta mo kami rito." Si Prince Xavier ang nagsabi noon.
Napatingin ang lahat sa kanya.Hindi dahil sa pagpapakilala niya kay Desiree kundi sa pamamaraan niya ng pagsasalita. Sa kanilang lahat, siya lang talaga ang may kakayahan na magsalita ng ganoon sa harap ng reyna.
Pero iyon na ang hinahanap na sagot ni Sapiro. Dahil kasi sa sinabing iyon ng kilalang evil prince, hindi na nagtanong pa ang reyna tungkol kay Desiree. Napatawa na lang ito sa pamamaraan ng pakikipag-usap sa kanya ni Prince Xavier.
"Hindi nakakatawa..." sabi ng reyna taglay ang pilit na ngiti. "Pero sige... magsisimula na ako. Syempre, tungkol pa rin ito sa ating kaharian... Kung natatandaan nyo, noon---"
"Ito na naman po kami..." nasabi iyon ni Biel. Madalas kasi kapag may pagpupulong sila gaya nito... binabanggit muna ng reyna ang kasaysayan ng Akaba bago tumuloy sa pinaka punto niya.
"Sige...tama na ang tungkol sa kasaysayan...Ang gusto ko talagang banggitin sa inyo ay ang tungkol sa power combination."
"Power combination?" ulit ni Chad. Ito naman talaga ang gusto niya. Dagdag na kaalaman sa kung paano magagamit ng tama ang kapangyarihan.
Pero kung si Chad natuwa, iba si Xavier. Biglang naningkit ang mga mata nito. Pamilyar na kasi siya sa power combination. Madalas na nila iyong ginagawa ng kanyang sentinel na si Onyx. Kaya naman sa tingin niya hindi na nila iyon kailangan.
"Kung iniisip nyo na nagawa nyo na ang power combination... nagkakamali kayo," sabi ng reyna na nasentro ang paningin kay Xavier.
"Kamahalan, mawalang galang na pero... ano ba ang deskripsiyon ninyo sa tinutukoy nyong Power combination?" Si Lotus ng South Village ang nagtanong noon.
"Ito ay ang pagsasanib ng dalawa o higit pang kapangyarihan. Halimbawa na lang ang kapangyarihan mo prinsipe Xavier at ang kapangyarihan ng iyong sentinel..."
"Kaya naming pagsamahin ni Onyx ang kapangyarihan namin ng walang kahirap-hirap..." may pagmamayabang na sabi niya.
Hindi umimik ang reyna.
BINABASA MO ANG
Kiss the Prince
FantasiKung hindi sinundan ni Alice ang rabbit, mararating niya kaya ang wonderland?