Chapter 1 *Her Real life Prince*

3.3K 77 4
                                    

"Tapos na?"
Napakunot ng noo si Desiree Mandrake matapos mabasa ang huling pahina ng Angela's Prince.

Happy ending naman ito, pero parang nabitin siya.

Si Desiree Mandrake ay isang magandang dalaga na may mahaba at kulay itim na buhok. Para sa kanya, asset niya ang kanyang buhok dahil mukha itong laging bagong rebond kahit na never pa naman niya itong napagalaw sa salon.
Twenty One years old na si Desiree ngayon at nag-aaral sa college.

Alas kuwatro ng hapon ang uwian nila, pero alas singko na ay nasa paaralan pa rin siya.
Dito kasi niya binasa ang libro na nabili niya noong nakaraang araw.

Lunch break nang simulan niyang basahin ang last three chapters nito. Ang unti nga lang nang nakain niya.
Binasa niya uli ang libro pagkatapos magpaalam ang teacher nila sa last subject.

Nagtagumpay naman si Desiree na tapusin ang pagbabasa, ngunit hindi siya kontento.
Gusto niya pa ng kasunod.
Gusto niya pa ng sequel.

Isinara na ni Desiree ang libro.

Pagkasara niya nito ay saka niya lang napansin na mayroon pa pala siyang kasama sa classroom. Narito pa pala ang kamag-aral niyang si Tom Edelweiss.
Mga limang silya lamang ang pagitan nila.

Nakita ni Desiree na tulad niya ay nagbabasa rin ito.  
Pinagmasdan ni Desiree ang binabasa ng lalaki.
Napaawang siya ng labi nang mapagtanto na parehong libro ang hawak nila.

"Aba Tom! Binabasa mo rin pala ang Angela's Prince?" bulalas ni Desiree.

Napatingin sa kanya si Tom.

"Nagandahan ka rin ba? Ako kasi medyo nabitin," sabi ni Desiree.

"Nabitin din naman ako, pero ayos lang kasi meron na akong book two," sagot ni Tom sabay pakita sa isa pa niyang libro.

Biglang napatayo si Desiree.

"May book two na pala?" Hindi makapaniwala ang dalaga. Kung gayon pala ay matagal nang na-published ang libro.

Lumapit siya kay Tom. "Patingin naman ako niyan," sabi niya sabay abot sa libro.

"Teka!" Inilayo ni Tom ang libro. "Bayad muna."

"B-Bayad?"

"Oo." Biglang ngumisi ang lalaki.

Dito na naalala ni Desiree ang isang importanteng bagay--na itong classmate niya na si Tom Edelweiss ay mukhang pera.

Mula nang mag-transfer ito sa school nila four months ago, wala na itong ginawa kundi mamera. Parati itong nag-aalok ng tulong sa assignments, mga projects, pagbili ng lunch at kung anu ano pa, pero lahat ay may katumbas na halaga.

Bukod sa pagiging mukhang pera, mahilig din itong um-absent.
Hindi nito nakukumpleto ang isang linggong attendance.

Sayang  ang lalaki, gwapo pa man din ito sa paningin ni Desiree. Pahabain lang nang kaunti ang buhok ay para na itong prinsipe na nakaguhit sa picture book na madalas niyang basahin noong bata pa siya.

"Ano, gusto mo ba itong libro?" tanong ni Tom.

"Di bale na lang," sagot ni Desiree. Ayaw niyang pauto sa kaklase. Bumalik na lang siya sa kanyang upuan at inayos ang mga gamit.

"Sigurado ka, ayaw mong mabasa ang book two?" tanong pa ni Tom, pero hindi na ito pinansin ni Desiree.

Isinukbit na ng dalaga ang itim niyang shoulder bag.

"May new character dito!" dagdag ni Tom.

"N-New character?" Sa puntong iyon ay muli nang napatingin si Desiree sa lalaki.

Kiss the PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon