"Iniwan na tayo ni Onyx..." sabi ni Tom. Kasalukuyan silang napapalibutan ng maraming Benjo.
"Nakakainis itong mga ito... kung makaasta akala mo naman gwapo... eh ang laki ng lamang ko sa kanila!" angal naman ni Biel.
"Oh pano Biel... simulan na natin?" si Tom.
"Ang alin?" Hindi agad nakuha ni Biel ang ibig sabihin ng master niya.
Ngumiti na lang si Tom. Doon lang nakuha ni Biel ang ibig nitong sabihin.
"Okey... laban na!" sabi ni Biel bago niya ginamit ang kanyang kapangyarihan.
Nagtransform siya bilang si Benjo at pagkatapos ay humalo sa maraming duplicate.
"Nawala. Nasaan na yung isa?" sabi ng mga duplicate.
Ngumiti si Tom. "Wag nyo nang isipin yon..." sabi niya sabay hawak sa duplicate. Bigla itong nawala.
Iyon ang balak gawin ni Tom, ang hawakan ang mga duplicate upang mapaglaho ang mga ito gamit ang kanyang nullification power. Subalit hindi iyon naging madali. Bago niya mahawakan ang isa bigla nang sumugod ang mga duplicate.
"Ah!" Muntik nang masuntok si Tom ng isa sa mga duplicate. Mabuti na lang hinarang ito ng isa pang duplicate.
"Bakit mo siya pinagtatanggol?" tanong ng isa.
Ganoon din ang angal ng ipa pang duplicate.
Ngumisi lang naman ang duplicate na humarang sa suntok. Doon nalaman ng mga duplicate na hindi nila ito kasama. Malamang ito yung lalaking nawala kanina.
At tama sila, si Biel nga ito.
"Hiiyaaah!" sigaw ni Biel kasabay ng malakas niyang suntok. Isa-isa niyang binigyan ng malalakas na suntok ang mga duplicate.
Si Tom naman ay nagsimulang hawakan ang iba pa.
Sa ganoong paraan mabilis nilang natalo ang mga ito.
"Mahal na prinsipe... sigurado po ba kayo na matatalo ng iba pang prinsipe si prince Benjo?" tanong iyon ni Torium kay Prince Benjamin. Kasalukuyan pa nilang binabantayan ang mga mamamayan ng West Village. Katunayan hindi pa rin nila tinatanggal ang ilusyon at maze na ginawa nila.
Sumagot si prinsipe Benjamin sa tanong ng kanyang sentinel. "Alam ko ang ibig mong puntuhin. Iniisip mo na wala silang magiging laban dahil matalino ang kapatid ko, tama ba?"
Tumango si Torium. Ganoon na nga po... at isa pa... nasa West palace siya... malaki ang lamang niya dahil alam niya ang sikreto ng palasyo," dagdag niya.
Hindi nakaimik si Prince Benjamin kaya nagpatuloy pa si Torium sa pagsasalita. "Hindi po ba makabubuti kung sasamahan natin sila? Siguradong may mas magagawa tayo!"
"Alam ko... pero hindi natin sila pwedeng iwan," sabi ng prinsipe sabay sulyap sa mga mamayan na kasalukuyang nasa ilalim ng kanilang kapangyarihan. "Mahalaga ang palasyo. Mahalaga rin si Benjo... pero bilang prinsipe... mas pinapahalagahan ko ang aking mga tao..."
"Kamahalan..."
"Wag kang mag-alala... sigurado naman ako na matatalo siya ng mga taga North Village."
"North Village?" Nanlalaki ang mga mata na tanong ni Torium. "Paano nyo naman po nasabi na kaya nilang talunin si prince Benjo?"
"Madali lang... dahil ang prinsipe at sentinel doon ay nagtataglay ng kapangyarihan ng isip..."
"Ah..." Natigilan si Torium pero doon niya naalala na Memory manipulation nga ang kapangyarihan ni Sapiro samantalang Precognition naman sa master nito. Kung ganoon nga... malamang magagawa nilang labanan si prince Benjo kung isip lamang ang pagaganahin.
At hindi nga sila nagkamali.
Madaling natalo nina Chad at Sapiro ang duplicate ni Benjo na humarap sa kanila.
Oo, matalino ito pero katulad nga ng sinabi ni Prince Benjamin... ang tinataglay na kapangyarihan ng mga kaharap niya ay may kinalaman sa isip.
Isang tingin lang ni Chad dito ay tumilapon na ito at naglaho.
Sa kabilang banda, katulad nina Tom at Biel... sinalubong din ng maraming Benjo sina Ochan, Prince Monmon, Daffo at isa pang Duplicate.
"Para silang mga langgam. Nakakadiri sila..." Napapakamot sa ulo na sabi ni prince Monmon. "Ikaw na lang ang lumaban sa kanila..." sabi niya kay Ochan.
"Inuutusan mo ba ko?" mahinahong tanong ni Ochan.
Biglang naningkit ang mga mata ni Prince Monmon. "Aba... sinasagot mo ko?"
Napatingin sa kanya si Ochan. Sa puntong yon nagsimula ang iringan nila.
"Tayo na lang ang humarap sa kanila..." sabi ni Daffo.
"Sigurado ka... kaya mo silang harapin?" tanong ng duplicate.
Hindi nakaimik si Daffo. Hindi niya rin naman kasi alam kung paano ito lalabanan.
"Naiintindihan kita.. ako na ang bahala!" sabi ni duplicate bago siya sumugod. Isa iyong maling hakbang dahil mabilis siyang natalo ng mga ito.
"Ahhh!" napasigaw lamang si Daffo. Tuluyan na kasing nawala ang natitirang duplicate ni Benjo na nasa katinuan pa.
Doon lang natigil sa iringan ang prinsipe ng South Village at shadow prince ng North.
"Wala na siya..." sabi ni prince Monmon. Nakuha ng sigaw ni Daffo ang atensiyon niya. Medyo naawa rin siya rito. "Hay... O sige na nga... hindi na kita aawayin..." Ang tinutukoy niya ay si Ochan. "Alang-alang kay Desiree haharapin ko na sila!" Naglakad na si Monmon at hinawakan ang duplicate. Naging laruan ito.
Kumpara kay Tom, mas maliksi at malakas si prince Monmon kaya balewala sa kanya kung may sumugod sa kanya na duplicate... mabilis niya rin lang iyon na nahahawakan at nagagwang laruan.
Ganoong na rin ang ginawa ni Ochan.Hinahawakan niya at ginagawang isda ang mga duplicate.
Doon na napangiti si Daffo.
Dito niya lang napatunayan na malalakas ang mga kasama niyang prinsipe. Kung gayon, malaki ang magiging laban nila kay prince Benjo at sa kung sinomang sumanib dito.
Sa madaling salita... malaki ang pag-asa nila na maligtas ang kanyang master.
"Mahusay..." nakangising sabi ni Roro (na ngayon nga ay nakasanib kay Prince Benjo.)
Natalo na ang mga duplicate niya, pero masaya pa rin siya.
"Mukhang malakas kayo... lalo na kapag magkakasama," sabi niya bago siya nagpalabas ng isa pang ngiti. "Tingnan natin kung hanggang kailan yan!" dagdag niya sabay pindot ng mga button.
Kasabay nang ginawa niya ay ang pagbukas ng mga tinutungtungan ng mga prinsipe at sentinel nila.
Sa puntong yon... nagkahiwa-hiwalay sila.
"Prinsipe Oaki?" Hanap agad ni Sapiro. Natigilan siya nang sa halip na si Chad ay si Ochan ang nakita niya.
Sina Monmon at Biel naman ang nagkasama.
A/N Sorry sa delayed at maiksing Update. Busy sa partime eh. Sumali kasi ako sa team ng mga nagce-census! At hindi siya madali... Kaya magpa census na! J
Spoiler: Ang makakasama ni Tom ay si Xavier... Next chapter is about Xavier's Love Interest.
BINABASA MO ANG
Kiss the Prince
FantasiKung hindi sinundan ni Alice ang rabbit, mararating niya kaya ang wonderland?