Naging magulo kay prince Xavier ang mga pangyayari pagkatapos niyang makita ang sarili kasama ang isang babae. Agad siyang bumalik sa palasyo para malinawan. Pagdating niya, lumuhod agad sa paanan niya ang kanyang mga sentinel. Humingi agad si Onyx ng tawad dahil napabayaan niya ang kanyang kamahalan.
Agad siyang kinuwelyuhan ng prinsipe at inutusang ipaliwanag ang mga nangyari.
Halos lumabas ang lahat ng litid sa gwapong mukha ng prinsipe nang marinig ang paliwanag ni Onyx.
Kinikilig pang inilahad ni Lily ang naging asal niya nang mga panahong iyon.
Napailing siya. Kasunod noon ang kanyang pagsigaw—na nagresulta ng pag-yanig. "Huwag na huwag nyong ipapakita sa akin ang tatlong yon—Ang walang kwentang si Tom, ang walang silbe niyang sentinel at ang pangit na babaeng yon!" galit na banta ng prinsipe. Napasuntok siya sa pader.
Naiintindhan naman ni Onyx ang sitwasyon nito. Kahit siya, nagagalit din. Hindi niya mapaniwalaan na pagtataksilan sila ng ganoon ng Shadow prince.
"Kamahalan, huminahon po muna kayo," sabi ni Lily bago niya hinawakan ang kamao ng prinsipe na nagdugo dahil sa pagsuntok sa pader. Pinagaling iyon ni Lily.
"Hindi ako papayag na hindi ako makakaganti..." tila nagliliyab ang mga matang sabi ng prinsipe. "Pagbabayarin ko si Tom. Pati na ang babaeng yon."
***
Agad na tumakbo si Sapiro papunta sa tarangkahan matapos sabihin ng tagapagsilbi na naandon ang Shadow Prince ng East Village.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ito kasama si Desiree.
Kahit hindi pang-prinsipe ang suot ni Tom, alam niyang ito ang Shadow Prince.
Mas nabigla pa si Sapiro nang makita niya na nakasunod sa likuran niya ang kanyang Prince Oaki.
"Chad..." tawag ni Desiree.
Bahagyang natigilan si Chad, pero sandali lang. Umalis din ito kaagad.
"Sandale Chad!" habol pa ni Desiree.
"Hoy Teka!" Katulad ng dati, humarang na naman si Sapiro. "Nandito ka na naman ba para manggulo?" Binigyan nito ng masamang tingin ang dalaga.
"Sapiro, hindi kayo ang sadya namin."
Ang sinabing iyon ni Tom ang nagpatahimik kay Sapiro. Napaisip siya kung ano pa ang puwedeng dahilan kung bakit sila nagpunta sa North Palace.
"Hinahanap namin si Ochan," diretsong sagot ni Tom.
"Si Ochan?" May pagtataka sa tinig ni Sapiro.Doon niya naalala na recruiter nga pala ng mga sentinel itong si Tom. "Sandale... huwag mong sabihing..."
"Puwede na ba namin siyang makita?" tanong ni Tom.
Napailing si Sapiro. Mukhang tama ang hinala niya. Tungkol ito sa sentinel ng kanilang Shadow Prince.
Napatingin siya kay Desiree. Mukhang mautak ang babae. Para lang mapalapit sa prinsipe nila, ginamit pa nito ang shadow prince ng East Village.
"Nasaan si prince Ochan?" tanong uli ni Tom.
Kahit naiinis, wala rin nagawa si Sapiro kundi sabihin kung nasaan si Prince Ochan.
"Nasa tore siya ngayon."
May kahabaan din ang inakyat nina Desiree bago nila narating ang tore.
"Ayun siya," turo ni Tom. Kasalukuyan ngang nakatayo roon ang prinsipe. Nakatingala ito habang nakapikit.
Katulad ni Tom, nakasuot din ito ng damit pang-prinsipe.
BINABASA MO ANG
Kiss the Prince
FantasiaKung hindi sinundan ni Alice ang rabbit, mararating niya kaya ang wonderland?