Epilogue

1K 52 12
                                        

Isang taon.

Iyon ang lumipas simula nang makabalik si Desiree kasama si Chad sa mundo ng mga tao.

Normal na muli ang buhay niya---ang buhay nila... ngunit alam ni Desiree na may parte sa kanya na nakakaalala sa Akaba. Paano niya nga ba malilimutan ang lugar na iyon? Doon siya nagkaroon ng mga kaibigan. Doon niya rin nakilala ang una niyang pag-ibig.

Aminado siya... namimiss niya ang Akaba.

"Ate Desiree!" tawag ni Chad. Papunta sila noon sa amusement park nang mapansin ni Chad na parang nabablanko ang kapatid. "Ayos ka lang ba?"

"Ha? O-oo naman," sagot ni Desiree. Namimiss niya talaga ang Akaba pero ayaw niya iyong ipaalam kay Chad. Pero kahit hindi niya sabihin, alam naman iyon ni Chad.

"Hindi pala kita masasamahan ngayon sa amusement park. Ayos lang ba?"

"Hindi mo ko sasamahan, bakit?"

"May usapan kasi kami nina Jobeth na maglalaro ng computer games," sabi ni Chad.

Napasimangot si Desiree pero hinayaan na lang niya. Sa tingin niya kasi ay mas mabuti ito... na meron nang kaibigan si Chad. Ang mga naging kaibigan pa nga nito ay yung mga kaaaway niya dati.

Nang makabalik kasi sila galing Akaba, bumalik na rin ang ala-ala ng lahat tungkol kay Chad. Hindi rin namalayan ng lahat ang pagkawaa nila. Dahil iyon sa mahika na ginamit ng reyna. Bukod sa pagkakaroon ng kaibigan ni Chad, napansin din ni Desiree na nagiging malapit na ito sa mama niya. Katunayan... nang makabalik sila... bigla na silang yinakap ng kanilang ina.

Ang sabi nito. "Hindi ko alam kung bakit... pero pakiramdam ko ang tagal nyong nawala. Wag na uli kayong aalis ha."

Sa isip nito, hindi sila nawala... ngunit alam ng puso ng kanilang ina ang katotohanan.

***

Ang akala ni Desiree mag-eenjoy siya sa amusement park kahit mag-isa lang siya. Di niya akalain na lalo lang siyang malulungkot. Hindi lang dahil mag-isa siya kundi dahil kahit saang sulok siya tumingin naaalala niya ang Akaba.

May lugar na parang East Palace. Merong parang South Village. Meron ding katulad ng West at meron pang train na gaya ng tren sa Akaba. Iyong huli niyang nakita ay isang lugar na parang North Village.

Ang North Village...

Para tuloy gustong maiyak ni Desiree.

Pero bakit nga ba siya nangungulila sa Akaba? Bakit naman si Chad hindi?

Siya na rin ang nakaisip ng sagot. Baka dahil si Chad may mga kaibigan na, siya wala pa. Mukhang kailangan niyang makipagkaibigan. Siguro tatawagan niya ang mga kaklase niya. Tatanungin niya kung sino ang pwedeng makasama niya ngayon.

Kukunin na niya ang kanyang cellphone nang may bigla siyang matanaw na prinsipe. Oo, may nakita siyang prinsipe sa di kalayuan.

Halos lumuha ang mga mata niya nang makilala ang prinsipeng iyon...

"Tom!"

Si Tom nga.

Si Tom Edelweiss ng North Village.

Agad siyang tumakbo palapit dito.

"Desiree..." sabi nito.

"Anong... anong ginagawa mo rito? Paano ka napunta rito?" sabik na sabik na turan ni Desiree.

Isang malapad na ngiti ang itinugon sa kanya ni Tom, sabay akbay sa kanya. "Picture tayo," sabi pa nito. Kasunod noon ang pagkuha sa kanila ng litrato ng isang photographer. "Ayos! 150 pesos lang yon!" sabi ni Tom.

Kiss the PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon