Chapter 3 *Akaba*

1.2K 44 0
                                        

"Chad, nasaan ka na?"

Tinext na ni Desiree ang kapatid.

Limang minuto ang lumipas, wala pa rin itong respond.

Tumawag na si Desiree, ngunit hindi sinasagot ni Richard.

Dito na siya nagpasya na balikan na lang ang kapatid.
Pabalik na si Desiree sa mall nang matuon ang mga mata niya sa isang burger stand.

Tama ba ang nakikita niya? Ang mukhang pera niyang classmate ang bantay sa tindahan?

Biglang humakbang ang mga paa niya palapit dito.

"Hoy Tom! Nagta-trabaho ka pala rito?" bungad niya.

"Uy! Classmate! Bibili ka?" nakangiting tugon nito.

Mukhang masarap naman ang tinda nitong burger kaya naingganyo na si Desiree. "Sige, bigyan mo ko ng isang order ng cheese burger. Orange juice ang drinks."

"Okay."

Inihanda na ni Tom ang order.

Naupo naman si Desiree ."Hindi ko alam na pumapasok ka rito, kaya pala minsan absent ka."

Walang tugon si Tom.

"Kailan ka pa nag-start dito?"

"Three months na."

"Oh, I see."

"Eto na ang order mo."  Ipinatong ni Tom sa lamesa ang cheeseburger at orange juice.

"Wow, ang bilis. Thank you, ha."

"60 pesos lahat."

Napataas ng kilay si Desiree. Oo, alam niya na kailangang magbayad, pero iba talaga ang dating sa kanya ni Tom kapag bumabanggit ng tungkol sa pera.

Pagka-abot ng bayad, sinimulan na ni Desiree ang pagkain. "Tagasaan ka ba, Tom?" Tuloy pa rin ang pagtatanong ni Desiree.

"Diyan lang sa malapit," sagot ni Tom.

"May kasama ka ba?"

"Kapag nagtanong ka pa, sisingilin na kita."

"Ikaw naman, parang hindi tayo classmate."

"Kung bibilhin mo iyong libro ko, sasagutin ko ang mga tanong mo."

Biglang napakunot ng noo si Desiree. Ayan na naman kasi si Tom. Pagkakaperahan na naman ang nasa isip.

"Magkano ba iyon?"

Napangiti ang lalaki. "Bibilhin mo na ba?"

"Depende."

"Dahil classmate kita, bibigyan kita ng discount.  250 iyon, pero gagawin ko na lang 240 para sayo."

"Ang laki ng discount mo ah," naiiritang sagot ni Desiree.

"Ano, kukunin mo na ba? May dala akong kopya ngayon."

"Parang ayokong bilhin kasi ang mahal, di ba second hand na iyon?"

"Hindi pa naman iyon masyadong nagagamit at may pirma pa iyon ng author."

"Kahit ano pang sabihin mo hindi ko pa rin iyon bibilhin," sabi ni Desiree. Isusubo na niya ang burger, pero hindi niya naituloy nang mapansin ang biglang pagsimangot ng kaklase.
Naalala niya rito iyong namatay nilang tuta ni Richard. "Hay, o sige na nga. Ibigay mo na sa akin iyong libro mo."

Biglang napangiti nang sobrang laki si Tom. Kinuha niya agad ang libro sa bag niya.

Sige, bibilhin ko na, tutal curious na rin naman ako sa new character sa kuwento, naisip ni Desiree.




Kiss the PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon