Sino nag set up nito?
Ahm. Sila. Ng may biglang lumabas na mga lalaki. At yun ay sina Xyrus,Cedrick,Clarence,at nandito rin si John.
Uyy, John! Sabay takbo ko at yakap sa kanya. Long time no see!!
Namiss kita ng sobra! Sabi nya sakin sabay yakap ng mahigpit.
Hi Cedrick. How are you? Kamusta na kayo ni Mae?
Okay lang ako,okay lang kaming dalawa. Pwedeng pa hug din?? Namiss kasi kita eh.
Ah.... Sure..... Why not?lumapit siya sakin at niyakap nya ako.
Hi Batwoman........sabi ni Xyrus.
Tsk, yun parin ba ang tawag mo sakin hanggang ngayon?
Namimiss ko lang yung dati kong girl friend.sabay ngiti nya.
Ahh guys wait lang ah. May sasabihin lang ako kay Raymond. At tumango naman sila.
(Raymond anong ginagawa nila dito?) Pabulong kong tanong kay Raymond.(Hayaan mo na) at humarap na kami sa kanila. Pagharap namin nakita ko na may hawak silang cake na malaki.
Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday,happy birthday. Happy birthday Iyah!...
How did you know? Agad nilang tinuro si Clarence.
Happy birthday. Sabay ngiti nya.
Paano mo nalaman ang birthday ko?
From your diary.
What? Lumapit ako sa kanya at sinabing. Give me back my diary. At hiniga ko ang mga palag ko. Ang tagal kong hinanap yun,nasa iyo lang pala! Sandali pano napunta sayo yun?!
Nung first year high school tayo. Nalaglag mo toh sa field tapos ako ang nakapulot. Kesa magalit ka sakin, mag thank you ka nalang.
EDI THANK YOU,KASI IKAW ANG NAKA PULOT.THANK YOU KASI BINASA MO YUNG NAKA SULAT.
Binuksan ko yun para malaman ko kung sino ang may ari nito. Sabay abot nya sakin nung diary ko.
Bakit di mo man lang sinabi sakin nasa iyo toh?
Kasi umalis na kami nun pumunta na kami sa Singapore. Kaya yan na yung diary mo. Mauna na ko Guys ah may gagawin pa kasi ako.at naglakad na siya palayo.
Ikaw kasi Iyah eh,sinabihan mo pa siya ng ganun nagalit tuloy. Xyrus.
Nabigla lang naman ako ah..
Pero napagalit mo siya,baka hindi na nya ituloy ang panliligaw sayo.Cedrick.
Iyah nagbago ka na, naging masungit ka na,dapat nga mag thank you ka pa kasi siya ang nakapulot.John.
Sige na kasalanan ko na. Anong gusto nyo sundan ko? Sige walang problema. Umalis ako palabas ng room. Pero ang totoo hindi ko susundan si Clarence ano ko tanga? Bakit ko naman susundan yun??
Naglakad lakad ako hanggang sa napadpad ako sa isang nakakatakot na lugar.
Nasaan na ba ako? Nang may nakita akong 5 lasing na lalaki at yung isa wala pang suot ng damit tapos yung isa ang laki ng tiyan.
Uyy, pare ang sexy nung babae ohh,ang kinis ng legs! Ang ganda pa!! Boy 1
Raymond nasaan ka na ba,tulungan mo ko!
Hindi na dadating yang Night and shining armor mo! Whahahaha. Boy 2
Grabe nakakatakot naman yung halakhak nito. Para maliwanagan kayo idedescribe ko lang ang suot ko. NAKA SANDO,NAKA SHORT NA MAIKLI,AT NAKA DOLL SHOES.
Ohh,tara na mukang masarap to ah!
Palapit sila ng palapit habang ako naman paatras ng paatras. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko ng makasandal na ako sa pader.
At nang maramdaman ko nalang na may humahawak na sa braso ko.
(PLEASE HELP ME)Pabulong kong sabi.
Pagdilat ng mata ko yung lalaking humahawak sa braso may hawak ding kutsilyo.
----------------CLARENCE'S POV------------------
Habang naglalakad ako pauwi nakita ko nalang ang 5 lalaki na may kanya kanyang hawak na patalim at nakita ma babae silang pinalilibutan. Agad akong tumakbo at tinulungan yung babae. Sinapak ko nang sinapak yung mga lalaki at nang biglang.......... Nasaksak ako nung isang lalaki.
IYAH'S POV*************
May biglang tumulong sakin at yun ay si Clarence. Pero nasaksak siya ng isang lalaki. Tapos tumakbo na yung mga lalaki.
Oh my god, clarence!,tulong tulungan nyo kami tulong!!
Agad nalang may humintong sasakyan samin at kamukha nung kay Raymond. At tama nga ako kay Raymond. Lumabas siya ng sasakyan at binuhat nya papasok sa sasakyan si Clarence. Sumakay narin ako ng kotse.
Dalhin natin siya sa ospital. Sabi ko habang naka ulo si Clarence sa mga binti ko.
Ano bang nangyari?
Nasaksak siya sa tiyan!
Hindi ang ibig kong sabihin bakit siya nasaksak?
Kasi may 5 lasing kanina na pinag interesan yung katawan ko. Tapos nakita ko nalang si Clarence na nakikipag sapakan dun sa lima tapos bigla nalang siyang sinaksak. Then umalis na yung mga lalaki. Yun.
Akala ko ba nag usap kayo ni Clarence kanina?
Hindi noh,joke ko lang yon. Pero alam mo kahit gusto kong gumanti dito sa mokong na toh,nakokonsensya parin ako eh. Mahal ko parin talaga toh.habang nagsasalita ako napatingin ako kay Raymond at parang nalungkot siya.
So ano itutuloy mo parin yung plano mo?sabay tingin nya sa salamin.
Hindi ko nga alam eh. Pero bilisan mo malapit na tong mamatay!
Eto na,nandito na tayo sa ospital.
Baba na natin. Clarence konting tiis nalang maooperahan ka na. Kapit ka lang ha? Wag kang bibitiw!
I-iyah.narinig ko nalang na tinawag ako ni Clarence.
Oh ano yun?
H-happy birthday s-sayo. Sabi nya habang tinatakbo namin si papuntang operating room. M-ma-mahal kita.
Basta pangako mong mabubuhay ka?tumango nalang siya at ipinasok na siya sa operating room.
*CLARENCE POV*
Lord kung hindi man ako makaligtas sa operasyong ito. Alam kong may mag aalaga kay Iyah at yun ay si Raymond. Alam ko pong maaasahan ko siya. Kaya kung kukunin mo na ako lord hindi ako magrereklamo dahil alam kong wala na akong kalalagyan sa mundong ito lalo na kung hindi mapupunta sakin ang taong mahal ko.
--------- IYAH'S POV-----------
Dyos ko lord please,iligtas nyo po si Clarence. Hindi ko po kayang mawala siya sakin,alam ko pong hindi siya bibitiw kakayanin nya. Mahal na mahal ko po siya.
Iyah,makakaligtas siya. Hindi siya bibitiw,hindi ka niya iiwan. Sabay hawak nya sa kamay ko. Ang pag ibig natatapos sa Happy Ending.
Hindi lahat ng Pag ibig natatapos sa happy ending. Sa ending may nawawala may nasasakta.
Hindi ka nya iiwan matapang si Clarence, kayang lagpasan yung pagsubok. Kakayanin nya!
BINABASA MO ANG
THE 3 MASTERS
Novela JuvenilThe three Master! Damn! Sobrang nakakabwiset na grupo ng kalalakihan. Sobrang hari sila ng Campus,crush din ng campus girls well except Iyah. She really didn't like the boys. Pero paano kung malaman pala ni Iyah na mayroon siyang malalang sakit sa p...