#48 POOR IYAH

21 2 0
                                    

Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan ko si Raymond.

Hello, Raymond. May hihingin sana akong pabor sayo? Okay lang ba?

Ohh sige ano ba yun?

Si Iyah kasi.....

Bakit?

Nasa Jay-Jay's bar. Lasing na lasing. Papasundo ko sana sayo. Kung pwede?

Sa Jay-Jay's bar?! Eh madaming lalake dun ah!

Ulol. Bar nga eh. Sige na sunduin mo na. Kasi pag ako pa ang sumundo dun baka mapilitan akong wag umalis. Saka tingnan mo yung kalagayan ko hindi naman mangyayari yun ng dahil sa kapabayaan nya eh.

Oh sige,sige.

Binaba ko na yung cellphone at nakapag isip isip.

" Hay,Iyah bakit ka ba nagkakaganyan? Sorry ah hindi ko na matutuloy ang panliligaw ko sayo pag nagsimula na ang pasukan. Gusto kong malaman mo na kahit malayo ako sayo. Nandito parin ako bilang isang kaibigan mo. Hindi ko na hahayaang mag kita pa ulit tayo. Kasi pag nagpatuloy yun baka mapilitan akong wag lumayo sayo. Mahal kita."sabi ko sa larawan namin ni Iyah na hawak ko.

-----------RAYMOND'S POV-----------

Tumakbo ako papuntang labas at humanap ng taxi. Ano ba kasing pumasok sa kokote ng babaeng yung at nagplanong mag lasing. Madalas gaga rin yun. Pero kahit ganun yun Mahal ko yun.

Manong,sa Jay-Jay's bar po tayo. Paki bilisan lang.

Pumunta na kami sa Jay-Jay's bar. At nung makarating ako dun tumakbo agad ako papasok dun.

Nilibot ko ang mga mata ko at tumingin ako sa second floor at dun ko siya nakita.

Grabe dun pa.... At talagang nakikipaglandian pa sa MGA lalake ha! Humanda ka ngayon.

Umakyat ako sa hagdan at lumapit sa kanya.

Iyah. Umuwi na tayo.

Sandali nga sino ka ba?Hindi mo ba nakikita. Umiinom pa kami nila Iyah. Boy 1.

Im,sorry. Pasensiya na kayo kailangan ko ng iuwi ang GIRLFRIEND KO.

OWW. Nandito pala ang BOYFRIEND NYA. Sorry. Siya kasi ang nag aya samin dito eh. Pinilit nya kami, so but shes really sweet,kind, beautiful,and arrogant. Shes perfect. Ang swerte mo sa kanya.

Thank you. Iyah tara iuuwi na kita. Kinuha ko ang kamay nya at inakbayan siya hanggang sa makalabas kami ng Bar.

Hoy babae ano bang pumasok sa kokote mo at naisipan mo toh. Di mo ba kung anong oras na? Its already 12 pm.sabi ko habang siya ay tulog.

Bakit ba kasi ikaw ang nandito? Asan si Clarence?

Nasa Ospital.

Ha? Anong ginagawa nya dun? Ayy, oo nga pala. Pinahamak ko siya. Tanga ko kasi eh di ko pinagtanggol ang sarili ko yan tuloy nadamay siya. Tanga ako diba? Bobo.

Shhh, wag kang magsalita ng ganyan hindi sinasadya ang nagyari. Aksidente yun.

Tsskk. Ako parin ang may kasalanan.

Hay,tama na. Tara ipi-piggy back kita.

Ayoko. Gusto ko si Clarence.

Lintek. Napaka choosy mo naman!! Ako nanga ang nagpiprisinta ayaw mo pa. Dali na.hinila ko yung kamay nya para maka-kapit sa leeg ko at makasampa ang katawan nya sa likod ko.

Saan mo ba ako iuuwi?

Sa bahay ko.sagot ko.

Bahala ka.sagot nya sakin habang unti unting nakakatulog. Habang natutulog siya may sinabi ako sa kanya.

Im going to let you go. Ibibigay na kita kay Clarence,pero hindi ganun kadali yun para sakin. Nasasaktan ako kapag malungkot ka. Kaya ibibigay ko ang makakapag pasaya sayo. Kapag nakabalik na si Clarence dito sa pilipinas ako naman ang aalis. Im sorry Iyah pero mukhang tuluyan nang mawawala ang kaibigan mo.

I love you Clarence.

Tsk,iba pala toh pag lasing. Nag sasalitang mag isa.

Nang makarating na kami sa bahay. Binaba ko siya sa sofa para punasan ng maligamgam na tubig.

Hay nako Iyah. Lasinggera ka talaga.habang nagsasalita ako bigla nalang dumilat yung mga mata nya.

Mukhang hingal na hingal. Hindi man lang kumukurap yung mga mata. Ano ba toh zombie?

Okay ka lang?

Nanaginip ako ng masama.

Ano yun?

Bukas na daw aalis si Clarence. Tapos hindi na siya babalik dito sa pilipinas. Paano na ako?sabay bagsak ng luha nya.Iiwan nalang nya ako basta basta. Hindi ba nya alam na Mahal ko siya?

Alam nya. Alam nyang kunwari mo lang siyang mahal. Kaya siya aalis kasi ayaw nyang masaktan yung feeling nya kapag nakita ka nyang may kasamang iba. Kaya lalayo nalang siya.

Hindi. Mahal ko na talaga siya. As in totoo. Pupuntahan ko siya. Tumayo agad siya sa kinahihigaan nya.

Hinawakan ko yung kamay nya.

_______IYAH'S POV________°°

Raymond please. Mahal ko siya.

Ano bang nagustuhan mo sa kanya na wala ako?!

Wala,basta gusto ko siya. Ang pagibig hindi kailangan ng dahilan para magustuhan mo siya. Parang ikaw. Dati gusto kita kasi, matalino ka. Hindi tunay na pag ibig yun. Im sorry. Pero will you let go of my hand?

Binitawan naman agad nya yung kamay ko at tumalikod sakin.

Im really sorry. Tumakbo agad ako palabas ng pinto para puntahan si Clarence sa ospital tumakbo nalang ako dahil wala ng mga sasakyan sa kalye.

Pagdating ko sa ospital pumunta agad ako sa second floor. At pumunta agad sa room nya nung pumasok ako dun nakita ko siya nagbabasa ng libro.

Clarence.

Tiniklop nya yung libro at humiga.

Umalis ka na.

Please naman wag mo na akong pagtabuyan. Kanina lang ang bait mo sakin tapos ngayon.........

Ikaw ang may kasalanan.(kung hindi ka lang naglasing edi sana tuwang tuwa akong nandito ka.) Bulong nya.

Iiwan mo na ba talaga ako? Aalis ka na ba at hindi na babalik?

Paano kung Oo? Malamang papayag ka. Akala mo siguro hindi ko malalaman yung plano mo.

Im sorry. Hindi na toh biro. Totoo na toh.

Alin ang hindi biro? Alin ang totoo?? Ang labo mong kausap.

Ang totoo? Yung feelings ko.

Lahat ng feelings ng tao nagbabago. Tingnan mo bukas magbabago nayang feelings mo ulit.

Hindi kahit kailan hindi na ulit toh magbabago. Iyong iyo na toh.

Kung mahal mo talaga ako mag hihintay ka.

Kaya ko. Kahit ilang taon. Kahit tumanda pa kong mag isa. Magpakita ka lang ulit sakin.

Umuwi ka na. Magkita nalang ulit tayo after 3 years. Pangako yan.sabay talikod nya sakin.

Lumabas ako ng kwarto nya at naglakad palabas ng ospital.

After 3 years babalik siya.sabi ko habang naka ngiti. Babalikan nya ako.

THE 3 MASTERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon