CHAPTER 2
Samantha POV
1 week had passed, isang linggo na ako dito sa loob ng kwartong ito. Gabi-gabi akong umiiyak, dalawang beses na akong sumubok na tumakas pero bigo padin ako. Kinukulong nila ako sa kwartong ito hinahatiran lang ako nang pagkain ng mga maid
Tinatanong ko din sa mga maid kung nakita ba nila ang unipormeng pang madre ko, ang sabi ipinatapon daw ito ng triplets. Lagi din nila akong sinasabihan na pag- aari daw nila ako at minsan pag nagigising ako sa umaga nagugulat na lang akong katabi ko na sila
Ewan ko kung totoo ba ang sabi sabi dati na ang Dela Vega triplets daw ay madaling magsawa sa babae, naaawa ako sa mga babaeng nagkagusto sa kanila, dahil ang pagmamahal nila ay mauuwi lang sa wala sapagkat hindi naman sila minahal pabalik.
Hindi ko alam kung anong rason kung bakit nandito ako sa puder ng triplets, alam kung masama ang manghusga ngunit minsan hindi ko mapigilan
" Ma'am Angel?" Napalingon ako sa tatlong maid sa gilid ko
Ni hindi ko napansin kanina dahil siguro sa lalim ng iniisip ko. Ang lakas din kasi ng hangin dito sa balcony, ang sarap sa pakiramdam yung hangin na tumatama sa mukha ko.
" May sasabihin ka?" Sinulyapan ko ito at ibinalik ulit ang tingin sa harap
Sobrang laki ng bahay, tingin ko nga literal na nakatira ako sa Palasyo, maraming na ka men in Black sa paligid. Matataas din ang pader kaya naman kahit gusto kong tumakas ay bigo lagi ako
" M-ma'am kanina pa po kayo pinatawag nang Señiorito, gusto ka daw po nila makasabay na kumain" medyo na utal na sabi nito, tahimik naman ang dalawang maid at kapag sumusulyap sakin ay inirapan ako, hindi ko nalang pinansin
" Ayaw ko silang makita" sabi ko nalang, bukod kasi sa ayaw ko talaga silang makita kinakabahan din ako sa presensya nila
Grabe ang kaba ko kung nandyan lang sila sa paligid, hindi ko alam kung bakit? Pero kung ano ang epekto nang isa pareho lang din ang epekto nang dalawa, is that even possible?
" E-eh ma'am, a-ako po kasi ang malalagot" I sigh, yan nalang lagi ang rason nila pero hindi ko naman sila masisisi. Dahil kung may mali man akong magawa sila ang malalagot bale sila ang magbabayad sa Kasalanang ginawa ko, ayaw ko naman ng ganon
Na- alala ko pa nung tumakas ako tapos tinutulungan ako ng isang maid, pero nahuli din naman ako pero ang maid na tumulong sakin hindi ko na siya nakita. Sinisisi pa nga ako ni Lara ang kaibigan nung maid. Na Kasalanan ko daw bakit nawala ang kaibigan niya, hindi ko maiintindihan paanong nawala?
" Okay" I sigh in defeated, una silang umalis at sumunod nalang ako
First time kung makasalo ang triplets sa hapagkainan. Kinakabahan na naman tuloy ako
Nang nilibot ko ang tingin sa paligid, wala akong masabi kundi ang mapapanganga nalang. Ang ganda ng mansyon halatang milyon-milyon ang halaga ng mga gamit may malaki pang chandelier sa itaas, may mahabang hagdan pa
Pagpasok namin sa dining room. Bumungad sa aking harapan ang malaking mesa na puno ng ibat ibang putahe. Nandoon na din ang Tatlo, si Lucifer ang gumamit sa chair na pang padre d pamilya. Nasa gilid naman ang dalawa
Nang nakita nila ako ay biglang kumislap ang mga mata nila or tingin ko lang talaga siguro yun, naiilang na Umupo ako sa kaliwa ni Lucifer
Nagdasal mo na ako bago kumain, pagmulat ng mga mata ko bumungad sakin ang mainit na titig nila. Nang napansin nilang nakatingin ako ay nag si iwas ng tingin
Grabe sobrang tahimik hindi ako sanay, sa bahay ampunan kasi maingay dahil sa mga bata. Na miss ko na tuloy ang mga bata, sila Sister Clara, at Mother Teresa
" P-pwedeng magtanong" nauutal pa na sabi ko, ano ba yan paano ba ako masasanay na hindi mautal habang nagsalita sa harap nila
" Sure/ go ahead/ spill it" sabay sabay na sabi nila. Tiningnan ko sila isa Isa nakuha ko naman agad ang attention nila habang pa minsan minsang sumusubo
Medyo nag-alinlangan pa nga ako, hindi ko alam kung tama bang itanong ko Ito
" na- curious kasi talaga ako kung anong klaseng sport yun o sport ba ang matatawag yun" panimula ko nang hindi sila nagsalita ay nagpatuloy ako
" Sabi kasi nung sikat na Queen bee sa campus namin dati, kayo daw ay....... magaling sa kama? Ano bang klaseng sport yun, hehe turuan niyo naman ako" nagulat ako ng sabay sabay silang nasamid. Nataranta tuloy akong binigyan sila ng tubig tumulong na din ang ibang maid na nakatayo sa malayo samin nagtataka ang mga tingin
Hala! Namula ang mga pisnge nila pati din ang mga tenga, kaya naman isa isa ko silang sinapo ang mga noo at ang leeg
" O-ok lang kayo? May nakain ba kayong masama, hala! namumula pa kayo lalo" gosh! Nataranta tuloy ako
" Sh*t!/ D*mn!/ F*ck!" Sabay na sabay na sambit nila at sabay na nagsi-alisan. Natulala tuloy akong naiwan, may mali ba sa sinabi ko? Nagtanong lang naman ako?
++++++
Wrong typo's and grammar ahead!!

YOU ARE READING
In The Arms of Dela Vega Triplets
RomanceGENRE: ROMANCE & ACTION -TEASER- The Dela Vega triplet's are well known as a Ruthless Business Tycoon's, a Dangerous Mafia Boss's. They have the same likes, the same hobbies, and also they shared a ONE girl. Lahat ng bagay...