[ITAODVT] CONTINUATION:
Samantha POV
Nandito ako sa kwarto ko habang pabalik balik na lumakad, hindi ako mapakali..nag alala pa din ako sa kanila
Medyo iba yung pakiramdam ko ngayon, may kung anong pamimigat sa puson ko. Period ko ba ngayon? Kainis madami pa naman pag unang araw at bat ngayon pa!
Umupo muna ako sa sofa saglit tapos punta nalang ako sa bathroom mamaya. Hihintayin ko muna ang tatlo
Napalingon ako sa pinto nang bumukas iyon, unang bumungad sakin si Hellion, sunod si Damon atsyaka si Lucifer
" Ok na ba kayo? May nakain ba kayo kanina na masama?" Tanong ko
Umupo sa kanan ko si Hellion, hinalikan pa ako nito sa pisnge nagulat tuloy ako. Hindi ko naman napaghandaan ang paghapit ni Damon sa beywang ko na nasa kaliwa ko naman hinalikan din ako sa pisnge. Gosh! Nag-iinit ang pisnge ko
Ang mas nakakagulat pa nito ang pagsakop ni Lucifer sa mukha ko atsyaka hinalikan sa labi pero smack lang naman. Naglalakihang mata ko silang tiningnan
" You're being unfair, bro" Hellion said, narereklamo pa ata. Wala naman paki si Lucifer, si Damon naman nagkibit balikat nalang
" Ano ba! wag na wag niyo na ulit gawin yun sakin" medyo galit kong sabi sakanila at dali dali daling tumayo at lumayo sa kanila
Tumalikod ako, pupunta na akong Cr ang lagkit na kasi. Gosh! meron talaga ako ngayon at ulit bakit ngayon pa?
" Oh f*ck! You're bleeding!!" Napalingon ako kay Damon nang sumigaw ito. Tiningnan pa nito ang sofa na may bahid ng dugo at balik sa akin ang tingin, omo! natagusan ako
"Ahmm.....ano....kasi.....m-meron ak----- ahhhh!" Napatili ako nang mabilis akong kinarga ni Hellion, hindi pa nito pinatapos ang sinabi ko" R-ready the van, Damon" natarantang sabi ni Lucifer. Nauna namang umalis si Damon
" Ano.....bakit?..saan tayo pupun-------"
" Stop talking Amore, were going to the hospital" malamig na sabi ni Lucifer pero bakas ang pag alala sa mukha
Ano daw? Hospital! anong gagawin namin doon?
Nagmamadali silang lumakad kaya naman mahigpit akong napayakap sa leeg ni Hellion
" S- sandali lang naman! Ano ban----" I groaned nang sumakit ang puson ko
Napatingin sakin si Hellion bakas din ang pag alala mas nataranta pa nga ito ng napansin napipilipit nako sa sakit, may Dysmenorrhea kasi ako , ok lang naman ako dahil sanay na ko pero ewan ko kung bakit nataranta tong tatlo
" Sh*t! Masakit ba?" Nag alalang sabi ni Hellion, syempre naman siya kaya nasa posisyon ko. Iinom lang naman ako ng pain reliever tapos ok na
" Ano bang gagawin natin sa Os-----"
" Stop talking please, baby" pinutol na naman nito ang sinabi ko, sana mali yung iniisip ko
" Sandali l----"
" Boss, ok lang ba si Miss madre?" Napatingin ako sa nagsalita
Nilibot ko ang tingin, nasa labas na pala kami. Ang daming tao lima, anim, pito, walo! Mga nagkalat na mga maid, at tauhan
Nag balik balik ng lakad si Lucifer sinusundan naman Ito ng tingin nang mga alagad niya, minsan naririnig ko pang nagmura ito. Nataranta nalang tuloy ang mga alagad niya. Ok anong ba talagang nangyayari!!
" D*mn it! bat ba ang tagal ni Damon" may iritasyon sabi ni Hellion
Maya maya lang ay huminto ang Van sa harap namin, dali dali dali naman itong binuksan at pumasok kami
" S-sandali!! Ano bang ginagawa niyo? Im just having a mens-----" gusto ko silang pigilan
" Shhh!! Baby stop talking" Gosh!! Naloloka na ako sa tuwing gusto kong magsalita, pinipigilan nila ako. Hindi ko alam na ganito pala sila mag alala, pati tuloy ako nataranta narin
Nang huminto na ang Van ay Dali dali kaming lumabas karga pa din ako ni Hellion, huminto din ang isa pang Van tingin ko don sumakay ang tauhan nila
Tumingin ako sa harap ng Hospital, may apat na Doctor at walong nurse na nagaabang tila inaasahan na atang dadating kami. Napasapo ako sa noo ko! Lagot na!!
May lumapit samin ni Hellion na isang doctor nataranta pa Ito at halatang kinabahan
" Can you do the operation! F*ck she's bleeding!!" Galit na sigaw ni Damon habang kaharap ang tatlong doctor at iba pang nurse
" Doc, this is not serious..I'm just having a period" mahina kong sabi sa Doctor, bakas sa mukha ang pagkagulat
" Oh sh*t!" mahinang mura ni Hellion
Kaya naman agad na pinuntahan ng Doctor sila Lucifer na nakipag usap sa ibang Doctor na kinakabahan at hindi alam kung anong gagawin
" S-sir, relax----"
" F*ck!! How should I relax, Do you want me to F*cking burn this F*cking hospital!!!" Oh shoot!! Sa sobrang nakakahiya pinapangarap ko nalang na kainin ako ng lupa
+++++
Wrong typo's and grammar ahead!!
YOU ARE READING
In The Arms of Dela Vega Triplets
RomanceGENRE: ROMANCE & ACTION -TEASER- The Dela Vega triplet's are well known as a Ruthless Business Tycoon's, a Dangerous Mafia Boss's. They have the same likes, the same hobbies, and also they shared a ONE girl. Lahat ng bagay...