[ITAODVT] CONTINUATION:
Samantha POV
Kanina pa ako nakatitig sa kisame ng hospital, iniisip ko ang nangyari kanina. Nakakahiya! Pero ewan ko ba, sa loob ng puso ko nakaramdam ako ng kunting saya. Napangiti tuloy ako
Agad akong napailing bakit ko iyon naramdaman, hindi! hindi pwede yun, Hindi pwede! paano ang pagiging madre ko? Sila Mother Teresa? Ang mga Bata? Ang pangako ko sa Diyos? Kailangan makatakas ako
Mabuti na ring nandito ako sa Hospital, para planuhin ang pagtakas ko, kailangan ko lang linlangin ang mga nagbabantay sakin. Mabuti nalang at wala dito si Lucifer nag ka problema kasi sa company niya, ayaw niya pa sanang umalis pero pinilit ko. Pero hinabilin naman ako sa sampung tauhan nito
Hindi pa lang ako nakababa sa kama nang I heard a loud gunshot. Napatakip ako sa tenga ko hanggang sa sunod sunod na ang putok ng mga baril
Malakas na bumukas ang pinto at pumasok ang limang tao may dala dalang baril, kaagad akong napa atras dahil sa takot
" Ma'am kailangan na po nating umalis" nagmamadaling sabi nung lalaking mukhang wrestler sa laki ng katawan
Nang hindi ako sumagot, mabilis na hinawakan nito ang kamay ko at hinila nalang. Pinalibutan naman nila ako na wari'y bay pino proteksyunan ako. At lahat sila may dalang baril
Sobrang lakas ng kabog ng puso ko, bakit? Ano? Sa dami ng tanong sa isip ko ay hindi ko na iyon naisatinig
Papalabas palang kami sa kwarto ko ay sumalubong na samin ang tatlong lalaki, nang nakita kami ay mabilis na pinutokan ng baril, pero mabilis ang kasama ko at hinatak ako papasok pabalik sa kwarto kaya hindi kami natamaan
Mahigpit na tinakpan ko ang tenga ko habang umiiyak ng mahina tapos nanalangin na rin. Rinig na rinig ko pa rin ang sunod sunod na pagkawala ng baka
Napatili ako nang bumalagta ang katawan ng kasama namin sa harap ko, kaya mahigpit na pumikit ako at walang prenong tumulo ang luha ko. Takot na takot na ako Bakit ba nangyari sakin to? Anong bang kailangan nila sakin?
Napaigtad ako ng may humawak sakin at hinila ako
" Ma'am, tayo na po" tuluyan na kaming nakalabas sa kwarto ko, pinahid ko ang luha sa pisnge ko at nanalangin pa rin na sana wala ng mangyayari samin, nag alala ako na baka may nangyaring masama sa triplets
Narinig ko pa ang mga putok ng baril sa ibang paligid, nakita ko din ang bangkay ng tatlong kalaban na nadadaanan namin, Wala ng buhay at naliligo na sa sariling dugo. Para akong tinakasan ng hininga, kitang kita ng dalawang mata kong paano namatay ang tatlo ito. Sobrang bilis ng paghinga ko parang pinalangin ko nalang na sana panaginip lang ito pero hindi eh, kitang kita ko
Parang mababaliw ako, talagang mabaliw ako!! Sino ba ang mga taong Ito? Bakit gusto nila akong patayin? Atsyaka ano ba talaga ang totoong katangian ng Dela Vega triplets, dahil sa tingin ko hindi lang sila simpleng business man lang
Sa sobrang nagmamadali namin ay mabilis kaming nakarating sa parking lot ng Ospital, pero alam kung hindi pa tapos dahil maya maya lang ay rinig ko na naman ang putok ng baril. Mabilis kaming nakatago sa isang kotse ng pinutukan kami ng bala
Napatakip ako sa dalawang tenga ko, at napaigtad kung narinig ang putok. Kailan ba ito matatapos?
Na pa atras ako sa takot ng may humintong van sa harap namin, pero agad din akong nakahinga ng nakita ang pag labas ng mga taong familiar sakin
Mga alagad sila ni Lucifer, Mabilis silang pumesto at nakipagpalitan ng putok ng bala sa kalaban. Nang nakita kung lumabas si Lucifer ay bakas sa mukha nito ang sobrang dilim, may dala din itong baril pero ng dumapo ang tingin nito sakin ay nag alala naman ito
Walang pag dalawang isip na tumakbo ako papalapit sakanya, pero ang hindi ko inaasahan, I heard a loud gunshot after that naramdaman ko ang tama ng bala sa balikat ko. Mabilis na sinalo ako ni Lucifer
I could feel the pain and tiredness at the same time, lumalabo na ang paningin ko. Pero kita ko parin ang mukha ni Lucifer na sobrang nag alala habang nanginginig na hinaplos ang pisnge ko
" F*ck!! L-love, No! No! No! Don't close your eyes... please" then everything turn black
++++
YOU ARE READING
In The Arms of Dela Vega Triplets
RomanceGENRE: ROMANCE & ACTION -TEASER- The Dela Vega triplet's are well known as a Ruthless Business Tycoon's, a Dangerous Mafia Boss's. They have the same likes, the same hobbies, and also they shared a ONE girl. Lahat ng bagay...