Chapter 20.1

3.5K 99 2
                                    

CONTINUATION

( Samantha's Flashback )

Mabilis ang kanyang kilos na inambahan ito ng suntok at mukhang hindi ito nakapaghanda ay natamaan ito sa mukha. Sunod sunod ang kanyang pag atake. Hinawakan niya ito sa kwelyo at binigyan ng mabigat na upper cut, kaya tuluyan itong bumagsak. Nakita niya sa mukha nito ang sakit at ang pag inda sa likod nito pero wala siyang pake, binigyan niya lang ito ng malademonyong ngisi. Nasisiyahan siya sa nakita

Kitang kita niya sa peripheral vision ang pagsugod ng kalaban sa likuran niya kaya umikot siya at binigyan ito ng sipa bago sinuntok. Napatigil lang siya nang may pumalakpak. Malamig na tiningnan niya ang pinsan, pa simple niyang kinuha ang dagger sa likod at mabilis na hinagis sa pinsan ngunit mas mabilis ata ang lalaki at nailagan niya iyon. Nakita niya ang dagger na nakatusok sa pinto

" Whoa! That was close. Bagay talaga sayo ang posisyon. Mina Scott Chua the Mafia princess " nakangising sabi ni Vladimir Chua habang papalapit sakin. Inirapan ko lang ito

" Then pag umalis na sa pwesto si Tito syempre ikaw ang papalapit, magiging si Mina Scott Chua the Mafia Queen. Eh di ikaw na ang ikalawa sa kinakatakutang mafia ayaw mo non? " nakangiting sabat ni Kavin na kadadating lang. Kavin Chen is my best friend and I have a crush on him. Hindi niya alam yun pero hindi ko rin naman pinapahalata. I want him to remain as my best friend at tingin ko ganon rin naman siya sakin.

" Too much responsibilities " sagot ko. Nakita kong binuksan niya ang bottle at binigay sakin, kinuha ko iyon at ininom. Isa sa nagustuhan ko sakanya ay ang ma alaga siya sa akin

" Oh come on Mina! Wala karin namang choice. Wala kang kuya then si Wena? Wag mo nang asahan yong kambal mo sumama nga sa kalaban diba, imbes na mag spy ayon! Nabaliw sa pag ibig. Nagmahal lang nagiging t*nga na " mahabang sermon niya. Minsan may ugali talaga tong si Vlad na madaldal parang talo pa ang babae

Napatingin ako kay Kavin dumaan sa mata nito ang sakit. Dati palang gustong gusto na niya ang kambal ko pero si Wena hindi ata niya nakikita ang kahalagahan ni Kavin. Ang Dela Vega na yon siguraduhin kong magbabayad sila sa kasalanan nila samin. Anyway hindi ko pa nakikita ang mga mukha nila, pero nagtataka ako at bakit parang patay na patay ata ang kambal ko sakanila.

" Young lady Mina, pinatawag po kayo ni Lord Admiral " yumuko muna ito bago tumingin sakin. Malamig na tiningnan ko ito tumayo na ako at umalis ng hindi nag papaalam sa kanila. Sanay naman na sila sakin ganon talaga ang ugali ko

Pagpasok ko sa office ni Dad naabutan ko na kasama niya ang kanang kamay na si Miguel Tan. Ka edaran lang din ito ni Dad, minsan hindi ko gusto ang presensya nito parang hindi makapagtiwalaan. Pero dahil malaki ang tiwala ni Dad, tahimik nalang ako minsan nga napapansin ko ang nakakadiring tinginan nito sakin pero ipinagbahala ko nalang. Hanggang tingin lang naman siya subukan niya lang na hawakan ako hindi ako magdadalawang isip na patayin siya

" Hi Dad!" Bati ko sakanya pagkatapos hinalikan sa pisnge. Nakangiting tumingin sakin si Miguel ngunit hindi ko ito pinansin

" How's school? " Tanong niya sakin. Nakita ko ang mga nagkalat na picture sa table niya. Problem na naman siguro tapos ang Dela Vega ang dahilan. Wala talaga mabuting dulot ang mga Dela Vega sa amin. Salot sila sa negosyo salot din sila sa underworld.

" Boring " walang ganang sagot ko. Tumango tango lang ito pagkatapos natatawang inakbayan ako at ginulo ang buhok. Sinamaan ko siya ng tingin alam niyang ayaw ko ng ginugulo niya ang buhok ko. Minsan si Dad bini baby niya parin kami. Simula ng namatay si Mama naging mas focus siya samin. Kami nalang daw ang kinakapitan niya tapos umalis pa si Wena kaya nag alala siya.

Nabulag na si Wena sa pagmamahal ano bang meron sa Triplets na iyon at para siyang asong ul*l na habol nang habol.

Naalala ko na naman na ang Dela Vega ang dahilan ng pagkamatay ng mama ko. Sinabi ni Miguel. Si Miguel ang bantay ni mama nung namalengke siya pero hindi na siya nakabalik dahil natangbangan sila ng mga tauhan ng Dela Vega si Miguel lang ang nakaligtas. Ni hindi namin nakita ang katawan ni Mama

" Lord Admiral!! Young lady Mina!! Sinugod tayo ng mga Dela Vega!! " Hinihingal na sigaw ni Miguel, may hawak na din itong baril. Maya maya lang ay nakarinig kami ng pagsabog at ilang putukan ng baril

Paano sila naka pasok? Hindi madaling mapasok ang bahay namin? Anong nangyari?

Kinuha ko ang baril sa gilid ko at susugod na rin sana ng hinawakan ni papa ang kamay ko. Nagtatakang tiningnan ko si Dad magsasalita na sana siya ng dumating si Kavin at si Vladimir. May mga dugo na nagkalat sa damit nila sa tingin koy naka engkwentro muna sila ng kalaban bago naka punta rito. We heard a couple of gunshot sa bawat parte ng bahay at ang minsang pagsabog, sa tingin koy naka pasok na ang kalaban sa bahay namin

" I trust you Kavin. Ilayo mo ang anak ko rito " nawindang ata ako sa sinabi ni Dad. Anong ibig niyang sabihin? Susugod ako! kaya kona ang sarili kong lumaban I am Mina Scott Chua the Mafia princess. Ipinangalan iyon sakin dahil kaya kung pumatay nang buong gang hindi dahil mahina ako at maarte

Malakas na hinila ako ni Kavin pero hindi ako nagpatalo at hinila ko din ang kamay ko. Nang hindi siya bumitaw ay sinuntok ko siya hindi niya ata inaasahan yun kaya natamaan siya pero malakas pa din siya at nahawakan niya parin ako.

" Dad!! No! Sasama ako sayo! kaya ko nang lumaban hindi! Kaya kong lumaban!!" Confident na sigaw ko sakanya ngunit ningitian lang niya lang ako pagkatapos sabihin ang

" I love you anak, mag iingat ka " tumulo ang luha ko sa sinabi niya pagdating sa pamilya ko nagiging mahina ako. Sinipa ko si Kavin upang makawala ako. Hindi ako papayag na maiiwan si Dad, Hindi ko kakayanin yun! Si Wena nalang at siya ang pamilya ko!

Siniko ko si Kavin pagkatapos sinuntok ko siya sa mukha. Nabitawan niya ako Kaya mabilis akong tumalikod ngunit nahawakan na naman niya ang kamay ko

" Sorry, Mina. Ngunit kailangan kong gawin to" Hindi ako nakalayo ng mabilis nitong natakpan ang ilong ko ng panyo, nang may na amoy ay bahagya akong nahilo hanggang sa nilamon na ako ng dilim. Naramdaman ko pa ang pag buhat nito sakin

Pagmulat ng mga mata ko nasa sasakyan na kami, nag aapoy na ang unahan ng kotse namin, nanglalabo na ang mga mata ko dahil sa luha at sa dugo na tumulo sa noo ko. Bago pa sumabog ang kotse namin naka labas na kami basta ang huling namalayan ko naglakad ako upang magtawag ng tulong

----
Guyss hingi Naman ako Ng cover sa title nito pleaseee💓😊
A/N: last update for today ☺️
Comment Naman kayo at pakit vote na Rin. If ever may Mali sa story ko

In The Arms of Dela Vega Triplets Where stories live. Discover now