Chapter 3.2

5K 140 5
                                    

[ITAODVT] CONTINUATION:

Nick POV

Napaigtad kaming lahat ng malakas na binato ni Boss Lucifer ang mamahaling vase sa pader, nagwawala ito dito sa hideout. Animo'y binagyo ang buong paligid sa sobrang gulo, mga nagkalat na basag na salamin, mga gamit na binabato ay kung saan-saan na napapadpad. Sa sobrang nakakatakot nitong magalit ay walang sino man ang umawat. Kahit ang dalawang kambal nito ay galit na galit din, sobrang dilim ng mga mukha at nakakuyom ang mga kamao

" F*ck! D*mn! I f*cking kill them all!!" dumadagundong ang nakakatakot na sigaw ni Boss Lucifer, para kaming nakikitang demonyong nagwawala, dahil sa takot ng mga tauhan ay nakayuko na lamang sila

Kaming walo naman ay tahimik lang. Ngayon ko lang nakita ang Triplets na sobrang nagalit

Nandito kaming lahat sa hideout, pa-planuhin namin ang pagsugod sa kalaban. Dahil sigurado akong gaganti ang triplets, nasaktan nila si Lady Sister kaya buhay nila ang kapalit. Ganon kalupit ang mga Dela Vega, kung ako din kasi ang nasa kalagan ng triplets gaganti talaga ako

Nalaman ng mga kalaban na merong babaeng tinatago ang Triplets kaya binalak nila itong patayin, dahil plinano pa talaga nilang ambushin kami nila Boss Hellion sa daan, at sila Boss Damon, habang sumabay din ang problema sa company ni Boss Lucifer

Binalak nilang pabagsakin ang Dela Vega organization, pero malas lang nila dahil mali ang kinalaban nila, they mess with the wrong Devil's

Ok na si Lady Sister, Hindi naman siya napuruhan kinuha lang ang bala sa balikat niya. Nandoon siya sa Mansion nagpapagaling mas safe siya roon dahil mahigpit ang security at hindi bastang makapasok ang kalaban

" B-boss, nung sinuri ko ang bangkay ng kalaban kanina. May nakita akong tattoo sa leeg nila, isang word na nakasulat sa Italian language, Death ang ibig sabihin nung ni research ko" sabi ni Jack, si Jack ay isang computer genius, isang hacker

Malamig na tiningnan siya ng tatlo, nakita ko pang napalunok siya kinabahan siguro

" F*ck! Death society!" Mura ni Boss Damon

Ang Death society ang pang lima sa ranking ng makapangyarihang mafia, Isa lang sila sa kalaban ng Dela Vega organization. Magulo ang buhay nila at mas lalo lang itong gumulo nang pumasok sa buhay nila si Lady Sister ...ay este pinilit nilang pinasok sa buhay nila

" Ang Death society din ang nagpasabog sa pagawaan natin ng mga droga Boss, at sila din ang sumira sa tracksaksyon natin ng mga baril sa Italy " sagot ni Lee

Hindi lang isang simpleng business man ang Dela Vega triplets, may illegal din silang negosyo sa ibat ibang bansa. Takot ang Governo sa kanila kaya hindi nila pinapakailaman ang negosyo ng mga Dela Vega dahil alam nila kung ano ang kayang nitong gawin

" Ready yourselves, susugod tayo!" Malamig na sabi ni Boss Hellion

" Ayos boss! Bakbakan nato" sabi ni Leo

Nagsi- alisan na kami, pupunta kami sa mga room namin dito sa Hideout, nandun nakatago ang personal na gamit, baril at mga dagger

Lahit kami tini-train ng Dela Vega triplets sanay na kami sa bala ng baril na tatama samin, sa sakit sa katawan, at sa pagod

May ipinangako kasi kaming walo na magkaibigan ay ang pagiging tapat at pagsilbihan ito habang buhay Ang mga Dela Vega triplets. Utang din kasi namin ang buhay sa kanila at sila din ang tumulong samin na bumangon at lumaban sa buhay

Nakangisi akong nakatingin sa 45 colt rifle ko, ngayun ko na ulit nagagamit to, kinasa ko ang baril

Palakad na sana ako ng may napansing salamin na nakaharap sakin

" Sh*t! Ang gwapo ko talaga" sabay kindat

+++++++
&.&. Typographical and grammatical ahead!!

In The Arms of Dela Vega Triplets Where stories live. Discover now