Chapter 17.0

3.4K 97 2
                                    

CHAPTER 17

Inalayan ako ni Lucifer sa pagbaba sa chopper ng huminto na Ito. Tiningnan ko ang langit medyo dumidilim narin pala, sa tingin koy 6 pm palang ang oras ngayon. Naalala kung wala pala kaming dalang gamit o baka inuna na nilang ihatid dito

" Samantha girl! " bumaling ang tingin ko sa likod ng may tumawag sakin at alam ko nang kaninong boses yun.

" Eurika " tawag ko. Nauna na pala siya rito. Nangiting lumapit ito sakin. Naka bikini tapos pinaresan lang ng see through na damit kaya kita parin ang black na bikini nito sa loob. Ang sexy niya nagmumukha siyang model habang naglalakad papalapit sakin

" Triplets na miss ko kayo!!. Akala ko hindi niyo nako babalikan. Nagtatampo ako sa inyo ang sabi niyo bibisitahin niyo ako. Pero nandito na rin naman kayo kaya ok lang " na agaw ng attention ko sa babaeng nag salita. Nakita kong niyakap niya Isa isa ang tatlo at tumagal kay Damon ang yakap nito. Sobrang laki ng ngiti nito sa triplets habang yung tatlo naman ay namumutlang nakatingin sakin

So kaya pala kami nandito dahil sakanya. Sa babaeng ito. Babalikan huh?

"Alam niyo simula nang may nangyari sa atin sa gabing yun palagi ko na kayong inisip " nangiting sabi nito habang yakap parin ang braso ni Damon na pilit naman nito tinatanggal ang kapit ng babae. malandi spotted.

Pinagmasdan ko ang mukha nito well maganda rin naman siya pero mas maganda ako. Naka red swimsuit ito at bahagya niya pang dinidikit ang dibdib sa braso ni Damon kaya hindi ko naiwasan tumaas ang kilay .

Hindi nako magtataka kung pinatulan to ng Triplets bukod sa maganda na sexy rin ito. Pero wala akong pake. Ako ang girlfriend sakin ang triplets.

" Susuntukin ko na ba?" Napangiti ako sa sinabi ni Eurika, trouble girl din ang babaeng ito

" Kaya kona to" I smirk at her. She smirk back

Mabilis akong lumapit sa kanila. Na agaw ko pa ang attention ng triplets pero hindi ang babae . Dahan dahan kong pinulupot ang kamay ko isang braso ni Damon kaya bumaling ang tingin ng babae sakin.

Inosenteng kong tiningnan yung babae tapos balik ulit ang tingin kay Damon na ngayon ay pinipigilan nang ngumiti sa ginawa ko. Napansin atang nagseselos ako kaya mahina ko itong kinurot na hindi man lang nagreact. So what kung nagseselos ako may karapatan ako no

" Honey, I'm tired " malambing na sabi ko. Tiningnan ko yung babae. Gulat na gulat itong tumingin sakin bago bumaling ang tingin kay Damon medyo naiiyak. Naawa naman ako

Kaya hindi ko napansin ang sunod na ginawa nito dahil tinulak nalang ako nito bigla, mabilis naman ang kamay ni Hellion na nasa likod lang ni Damon kaya nasalo niya agad ako pero natukod ko yung kamay ko. Ngayon hindi na ako naawa sa kanya naiinis na ako

" Stay away from Triplets, they are mine! Who are you b*tch? Bago nilang s*xslave?" Bakas sa mukha nito ang sobrang galit sakin. Kung ang titig lang ay nakakamatay kanina pa ako nakabulagta rito.

Agad akong dinalohan ni Lucifer tapos tiningnan pa ang kamay ko, ang siko. Chine-check siguro kung may sugat. Nang napansin niya ang ang gasgas sa palad ko ay mabilis na dumilim ang tingin nito ng binaling na nito ang mga mata sa babae agad naman natakot yung babae

" What the f*ck is wrong with you Ivy? You have no rights to hurt our wife! Do you understand? you wh*re " sobrang diin na sabi ni Lucifer hindi ko nakita ang mukha nito pero alam kung nagsasalubong na naman ang noo nito sa galit. Sobrang higpit pa ng kapit nito sa braso nung babae. Nakakatakot talagang magalit si Lucifer

" N-nasasaktan ako" umiiyak na sabi nito kaya hinawakan ko si Lucifer upang binatawan na niya yung babae. Kahit naman naiinis ako sa kanya babae pa rin siya

" Masasaktan ka talaga! kung hindi ka lang anak ng ninong namin baka kanina kapa naliligo sa sarili mong dugo ngayon. F*ck off b*tch! " galit paring sabi ni Lucifer kaya hinawakan ko ang kamay niya kaya naagaw ko ang attention nito medyo kumalma na rin siya

" I don't wanna see your face tommorow. So better leave " rinig ko pang sabi ni Hellion

" Walang nangyari sa atin nung gabing yun Ivy. Sa kwarto ni Jun ka pumasok hindi sa kwarto namin " sabi pa ni Damon. Hinila na ako ni Lucifer palayo doon sumunod naman yung dalawa

" hanap ka nalang ng iba b*tch. Yung tanggap ka kahit malandi ka. ciao " dagdag pa ni Eurika. Nang tiningnan ko si Ivy sobrang sama ng tingin nito sakin habang may luhang tumutulo sa pisnge

I smile sweetly at her agad naman ako nitong inirapan. Kakasimba lang namin kanina nagkasala nanaman ako

Nang medyo nakalayo layo na kami ay binawi ko ang kamay ko sa hawak ni Lucifer. Well.. hindi dahil pinagtatanggol nila ako ay nakalimutan ko nang 'relasyon kuno 'nila don sa babaeng yun

In The Arms of Dela Vega Triplets Where stories live. Discover now