Chapter 32.0

3.3K 86 0
                                    

CHAPTER 32

Samantha POV

Nandito kami sa HQ ng triplets. May alam na sila kung kaninong mafia group nabibilang si Miguel at si Kavin. Matagal na pala nilang kinulong si Selena sa bloody room nila rito sa Head quarters nang sinubukan nitong tumakas. Nakuha nila ang ibang ebidensya kay Selena nung tinurtore nila siya. At don nila nalaman na nabibilang sa pangatlong kinakatakutan sa Mafia si Miguel na siya ring leader sa grupong yun. Ngayon ay sila na ang pangalawa dahil bumagsak nayong amin... ngayon ay ang organization naman ng Triplets ang pababagsakin nila na alam kung mahihirapan sila.

Ang Dela Vega organization ay ang pinakahirap pabagsakin na mafia sa buong mundo. Pero sabi nga nila wag mong maliitin ang desperado at hangal sa kapangyarihan.

Ito pala ang matagal ng plano ni Miguel ang siraan ang bawat pamilya namin upang siya ang papalit sa pwesto namin kung sakaling may babagsak, pero nang sa tingin niya ay merong nakatunog sa plano niya ay inunahan na niya kami.

Lahat ng trahedya na nangyari samin ay kagagawan niya lahat ng yon, at ngayon ay siguraduhin ko na pagbabayaran niya ang pagpatay niya sa mama ko at sa mama ng triplets. Hindi ko sila mapapatawad

" Triplets may kailangan kayong malaman, this is urgent " tawag ni Lorcan sa Triplets nang nakita niyang balak na lumapit sila sakin, tulala lang ako habang nakatingin kawalan alam kung nag alala sila sakin.

" What is it? " Malamig na tanong ni Hellion. Ngayon ay nasa malaking mesa sila at doon naka lapag lahat ng plano nila. Tumayo ako at lumapit kailangan kung sumali, kailangan ako ni Dad. Si Wena at ang mga anak niya.. ligtas naman sila mabuti nalang at wala sila sa bahay nung nangyari yun. Ang mga anak ko ligtas sila sa mga Lolo nila.

Tiningnan nila ako habang papalapit, kita Kong nakatitig din sakin ang mga pinsan ng Triplets kunti lang sila na narito. Si Lorcan, si Lucian, si Hunter at si Hover lang ang narito. Pero tumutulong naman yung ibang pinsan nila kanina ..pero nauna ng umuwi dahil may inasekaso o baka may naghihintay.

" It's about the Scorpion Organization" kumuha si Hover ng pentel pen at inilatag niya ang malaking papel sa mesa, may nakaguhit na simbolo ng SO yun. At sa gilid isinulat niya ang tatlong miyembro na bumuo ng Organization.

" We're in trouble, Triplets. Ang SO ay binuo ng tatlong grupo. Si Kavin ang naghandle ng Venom society, pino protektahan naman yun ng Stinger Society at Pincers Society na alam niyong mahirap ding kalabanin. Si Miguel ang Leader ng buong Scorpion Organization na ngayon ay pumapangalawa na sa Mafia. F*ck him for his dirtiest game sinimulan niya... tapusin niyo" Hover is getting serious and we keep our ears to him. Humanga ako sa taglay niyang talino. He is good at visualizing the situation and he clearly said the plans.

" We all plan to take against the whole Scorpion Organization, simulan na nating pabagsakin ang buong SO, but we need to be careful this time " seryosong ani naman ni Lucian. Tahimik ang Triplets na nakikinig pero alam kung may nabuo ng plano sa isip nila kung paano pabagsakin ang kalaban.

" First, kailangan mo na nating malaman kung saan nagtatago ang hideout ng grupong yan at kung saan nila dinala si Mr. Chua...may lead na si Lim pero hindi pa daw siya sigurado." Kwento ni Hover.

" Siguraduhin niyo na walang nakakahalata na gumagawa na tayo ng action para pabagsakin sila, dahil sa oras na malaman nila yun mahihirapan na tayong kumilos sa susunod na hakbang " bumaling ang tingin ng triplets sakin. At nang pinsan nila.

" Anong gusto niyong gawin ko " mahinang sabi ko. Parang mauubusan ata ako ng laway ang dry kasi ng lalamunan ko.

" Ipakita mo sakanilang nag dalamhati ka sa pagkamatay kunyare ni Vlad. Tawagan mo si Kavin at mag kunwari kang walang alam nang sa ganon ay sayo bumaling ang attention nila habang inu unti unti naming pabagsakin ang Organization nila..makakaya mo ba yun Mina?" Seryosong sabi ni Hunter, tumango ako at tiningnan ang phone ni papa.

Nang binuksan ko ito kanina ay naka silent yon habang walang sound Kaya siguro hindi niya narinig na tinawag ko siya... balak niya lang siguro na ipadinig sa akin yun.

[" Pangalawa kailangan niyo ng maraming tauhan so the fight will be equal. Call us Triplets if you need a back up. We are just one call away " ] napatingin ako sa phone ni Lorcan ng may nagsalita, I think boses yung ng isa din sa Triplets nilang pinsan. Si Khalil siguro. Napangisi ang Triplets at ang mga pinsan nila.

" Let the war begin" nakangising sabi ni Lucian.

We keep planning at na sa ayos na ang lahat at Ang Triplets na rin ang umayos pa sa ibang kailangan.

Napasinghap ako ng naramdaman ang mainit na yakap ni Damon. Hinarap naman ako si Lucifer habang nasa gilid ko si Hellion.

" Love, alam kung matapang ka at malakas pero please kami ng bahala sa lahat...we promise na iuuwi namin ng ligtas ang papa mo. Hayaan mo nang kami na ang gagawa non para sayo. Natatakot kami na baka sumugod ka at mapahamak ka.. hindi namin mapapatawad ang sarili pag may masamang nangyari sayo" malamlam ang mga mata nilang tumingin sakin. Niyakap nila ako ng nakitang umiyak na naman ako.

" Naniniwala ako sa magagawa niyo... kaya please iuwi niyo siya..Mahal na mahal ko ang papa ko. At please bumalik din kayo na ligtas " nawala na si mama ayaw kung pati si papa ayaw ko rin naman mapahamak sila.

" Pangako yan " humigpit ang hawak ko sakanila.

In The Arms of Dela Vega Triplets Where stories live. Discover now